Malabong may “milagrong” malilikha ang Truth Commission na itinatag ni Pang. Aquino para imbestigahan ang mga katiwalian ni dating pangulong Arroyo. Kailangang magmatyag ang taumbayan, at gamitin ang lahat ng paraan at larangan para mapasailalim na sa hustisya ang isang pangulong tiranikal at korap na namuno sa ating bansa.
Dahil sa komposisyon ng mga itinalaga ng bagong Pangulong Noynoy Aquino sa gabinete, marami ang nangangambang “walang pagbabagong” maaasahan sa mga polisiya ni Aquino.
Tila nagkabuhul-buhol na ang pahayag ng mga pulis at militar kaugnay ng reyd at pag-aresto ng tinaguriang “Morong 43.” Ang pinakahuling namuhol ang dila: Police Superintendent Allan Nubleza.
Nagpapatuloy ang kuwento ng tortyur sa Morong 43. Giit ng kanilang mga kaanak at tagasuporta, at ng Commission on Human Rights, kagyat na ilipat ng kustodiya ang mga doktor at health worker at isalba mula sa kamay ng mga nagpapahirap sa kanila.
Tumampok sila noong taong 2009: Mga indibidwal, grupo, kilos-protesta, batas, o produktong pangkultura, na mga lumahok at nag-ambag ng natatanging kontribusyon sa iba’t ibang larangan sa pagsusulong ng progresibong pagbabago.