Protesta ng kababaihan sa kanilang araw, Marso 8. Sa kabila ng nakapapasong init ng araw, nagmartsa mahigit 5,000 kababaihan para muling ipakita ang pagkamuhi nila kay Pang. Arroyo at panawagang wakasan na ang paghahari niya sa bansa.
Nagpapatuloy ang kuwento ng tortyur sa Morong 43. Giit ng kanilang mga kaanak at tagasuporta, at ng Commission on Human Rights, kagyat na ilipat ng kustodiya ang mga doktor at health worker at isalba mula sa kamay ng mga nagpapahirap sa kanila.
Isa sa natatanging positibong mga kaganapan ang paglahok ng mga progresibo, o ang tinaguriang Kaliwa, sa halalang 2010. Sa kabila ng karahasan, ng karambola sa pulitika ng mga trapo, at ng pagpupumilit ng kasalukuyang rehimen na manatili sa poder – tila may aasahang mabuti sa halalan ang bayan.
Basahin ang kaugnay na istorya: Puwersa ng pagbabago sa halalang 2010 Share
Dec 15 2009 | Posted in
Balita |
Read More »