Ang pinagkaiba ni Liza
Para sa babae, at para sa masa. Ito umano ang dahilan kung bakit dapat iluklok sa Senado si Liza Maza, matapos ang siyam na taong paninilbihan bilang kinatawan ng progresibong party-list na Gabriela.
Para sa babae, at para sa masa. Ito umano ang dahilan kung bakit dapat iluklok sa Senado si Liza Maza, matapos ang siyam na taong paninilbihan bilang kinatawan ng progresibong party-list na Gabriela.
Hindi nila ikukumpromiso ang hangarin para sa katarungan sa mga biktima ng batas militar ni Marcos kapalit ng puwesto sa slate ni Sen. Manny Villar. Ngayon, idineklara nang independiyenteng tatakbo sa pagkasenador sina Rep. Satur Ocampo at Rep. Liza Maza. Determinado silang magwagi, at itulak ang bagong pulitika sa bansa.
Compostela Valley–Tinawag ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo si Kal. Gilbert Teodoro ng Department of Defense na “utak-giyera,” sa lokal na kumbensiyon ng koalisyong Makabayan na dinaluhan ng 2,000 katao, karamiha’y mga biktima ng militarisasyon. “Gibo speaks of change. Pero ang panawagan niya sa paglaban sa insurhensiya ay ang dagdag na badyet sa militar at [...]
Share
Dahil sa masidhing panawagan ng mga tagasuporta na ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa bayan, tatakbo si Bayan Muna Rep. Satur bilang senador sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan sa halalang 2010. Heto ang ilang bahagi ng talumpati ni Ocampo hinggil sa saloobin niya sa pagtakbo, at ang parangal ng iba’t ibang personalidad sa kanyang 45 taon ng pakikibaka.
Sa edad na 70, hindi pa rin pala makapagreretiro sa aktibismo si Satur Ocampo. Panahon na, ayon sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta, para magkaroon ng isang tunay na makabayan sa Senado.
Signipikanteng kaganapan sa takbo ng pulitika sa bansa ang paglahok ng koalisyong Makabayan sa pambansang halalan sa 2010: Apat na militanteng kongresista ang susubok na makapasok sa Senado.
Share