Pinoy Weekly » Manggagawa

Mga larawan: Aksiyong hiling laban sa ‘masaker ng trabaho’
Dumagsa sa kalsada patungong Mendiola noong Setyembre 15 ang mga manggagawa ng iba't ibang kompanya na nahaharap sa malawakang tanggalan. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang kilos-protesta at sinuportahan ng iba't ibang organisasyon.

Kabilang sa dumalo ang mga manggagawa ng North Harbor, na mahigit 7,000 ay nakaambang sibakin sa trabaho dahil sa pribatisasyon ng daungan.

Kabilang din sa mga nahaharap sa tanggalan ang mga manggagawa ng ipagsasanib na Wyeth at Pfizer (3,000), Philippine Airlines (8,000), at libu-libo pang mga manggawa ng pabrika ng Advan at Triumph International at KFC food chain, ayon sa KMU. Kasabay nito, umano'y sinasalalula ng mga kompanya ang nakamit ng mga manggagawa sa Collective Bargaining Agreement at dinudurog ang kanilang mga unyon.

Nauna nang nagbabala ang Department of Labor and Employment na 200,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa kalagitnaan ng taon dahil sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. "Pero sa halip na pigilan ito, itinulak at inilehitimisa ng gobyerno ang pleksibleng paggawa na lalong nagpalala sa sitwasyon," sabi ni Lito Ustarez, executive vice president ng KMU.

Sumama rin sa kilos-protesta ang mga maralita mula sa Tondo, na pinalalayas dahil sa pribatisasyon ng North Harbor. Idinagdag ng KMU na mga trabahong di-regular at maliit ang kita lamang ang ipinapangako ng gobyernong Arroyo.

"Higit pa sa seguridad sa trabaho," ayon kay Ustarez, "dapat magbigay ang gobyerno ng disenteng trabaho na tutugon sa mga pangangailangan ng lipunan." Ito'y dahil nauubos lamang diumano ang pondo para sa serbisyong panlipunan dahil sa ginagastos ng gobyerno para sa malalaking proyektong imprastruktura na walang direktang pakinabang sa mahihirap at hindi nakareresolba sa kawalang trabaho.

Misyon ng ILO: Seryosong tugon sa seryosong panunupil sa paggawa
Susuportahan ng ILO Watch ang misyon ng International Labor Organization para siyasatin ang panunupil sa kilusang paggawa. (Angelica Carballo)

Sa wakas, may nakikitang pag-asa si Marissa Concepcion, asawa ng nawawala pa ring lider-unyonista na si Rogelio Concepcion. Hindi man ito ang pag-asang masilayan ang kanyang asawa na dinukot sa San Ildefonso, Bulacan noon pang 2006, ito ang pag-asang may managot sa krimeng pinaniniwalaang mismong gobyernong Arroyo ang may kagagawan.

Isa si Ginang Concepcion sa mga nananabik sa high-level mission ng International Labor Organization (ILO) na gaganapin sa bansa mula Setyembre 22 hanggang 29. Darating ang ILO, na naka-base sa Geneva, Switzerland, para sisiyasatin ang mga paglabag sa karapatang pantao sa hanay ng kilusang paggawa.

Bibisitahin ng ILO ang dalawang malalaking planta sa Gitna at Hilagang Luzon, at kakausapin ang kapamilya ng mga manggagawang biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang, pagdukot, at panghaharas.

“Matagal kaming naghintay na ang pagkawala ng asawa ko ay seryosong maimbestigahan, at mabigyan ng katarungan. Sana sa ILO mission na ito, puspusan itong mabigyang pansin,” sabi ni Ginang Concepcion.

91 lider-unyonista pinaslang

Noong isinampa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang reklamo sa ILO tatlong taon na ang nakakaraan, nasa 64 ang bilang ng mga manggagawang pinaslang sa ilalim ng gobyernong Arroyo. Simula noon, nadagdagan pa ng 28 ang bilang na ito at ngayo’y umaabot na sa 91.

Kabilang sa mga kasong hindi pa nareresolba ang pagpaslang kay Diosdado Fortuna, presidente ng unyon ng planta ng Nestle Philippines sa Cabuyao, Laguna. Igugunita sa darating na Setyembre 22 ang ika-apat na anibersaryo ng kanyang pagkamatay.

Pinaniniwalaan ng KMU pinaslang ang mga gaya ni Fortuna dahil sa mga aktibidad na may kinalaman sa pag-uunyon at sa paglahok sa mga organisasyon na binabansagan ng gobyernong Arroyo bilang “kaaway ng Estado.” Pinaniniwalaan din ng grupo na mga pulis at militar ang nasa likod ng mga pamamaslang, kasabwat ang manedsment ng mga kompanya.

Wala pang napaparusahan sa lahat ng kaso ng pagpasalang sa mga manggagawa. Hindi rin umuusad ang mga imbestigasyon ng Commission on Human Rights dahil sa kawalan diumano ng mga testigo, ayon sa Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR).

ILO at ang tugon ng gobyerno

Ang ILO ang ahensiya ng United Nations na responsable sa pagsisigurong sinusunod ng mga miyembrong bansa ang pandaigdigang mga pamantayan sa paggawa o international labor standards. Itinatag ang ILO noong 1919, at miyembro dito ang Pilipinas simula 1946.

Darating sa bansa ang mga kinatawan ng ILO na sina Tin Demeyer, Cleopatra Donnihandri, at Karen Purtiz. Inaasahang gaya ng misyon ni Philip Alston, UN special rapporteur on extra-judicial killings, noong 2007, mabibigyang-linaw ng ILO kung totoo at sistematiko nga ba ang polisiya ng panunupil ng gobyerno laban sa mga manggagawa.

Ayon sa ILO Committee on the Applications of Conventions and Recommendations noong 2007, nagpapatuloy ang karahasan at kapinsalaan sa karapatan sa paggawa dahil sa kawalan ng gobyerno ng aksiyon laban sa mga salarin. Pero tinanggihan ng gobyernong Arroyo ang hiling ng komite na magsagawa ng isang high-level mission para imbestigahan nang mas malalim ang sitwasyon.

Gayundin, sa sagot ng gobyernong Arroyo sa reklamo ng KMU sa ILO, binitiwan nito ang mga pahayag na maaaring basahin bilang pangangatwiran sa paglabag sa karapatang pantao ng mga lider-unyonista.

Umano’y nakaugat ang kilusang komunista sa kilusang paggawa (“the communist movement is rooted in the labor movement”) at dapat pag-ibahin ang mga lehitimong mga aktibidad ng mga unyon at mga krimen laban sa Estado na may karapatan itong pigilan (“distinction should be made between legitimate trade union activities…and the commission of crimes against the State that the State has the right to prevent”).

Terorismo sa babuyan
May 100 tropang militar ang nakakampo ngayon sa babuyang pag-aari ng pamilyang Gokongwei sa Antipolo, Rizal. Kasabwat umano ang manedsment, tinatakot nila ang mga manggagawa. (Contributed Photo)

Isandaang tropang militar na pinangangambahang bihasa sa pagpaslang at pagdukot ang nakakampo ngayon sa Robina Farms, babuyang pag-aari ng mayamang pamilyang Gokongwei, sa Antipolo, Rizal.

Sa tulong ng manedsment, nakuha na ng militar ang rekord at litrato ng lahat ng manggagawa. Nagdaos sila ng porum sa loob mismo ng pabrika kung saan pinaratangan nilang miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) ang ilang manggagawa sa Robina, at ang marami pang progresibong organisasyon.

Ang dahilan lang ng manedsment sa pagpapahintulot sa mga ito: Baka raw kasi sabihing pinoprotektahan nito ang unyon at mga rebelde.

Hulyo 26, isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, nang dumating ang mga tropa ng 16th Infantry Battalion (IB). Nagkampo sila sa day care center ng barangay, 200 metro lang ang layo sa tarangkahan ng Robina Farms. Di alintana, lumahok pa rin ang maraming manggagawa sa protesta sa SONA.

Dating pinamunuan ni Palparan

Pinamunuan noon ang 16th IB ni dating Hen. Jovito Palparan, kilalang “berdugo” ng Mindoro, Silangang Visayas at Gitnang Luzon. Sinasabing ang yunit na ito ang naghasik ng takot sa nasabing mga lugar kung saan marami ang naging biktima ng pampulitikang pagpaslang at pagdukot.

Sabi ng militar, atrasan ng NPA ang lugar kaya dapat bantayan. Bago pa man ang pagkakampo, nakatanggap na ng imbitasyon mula sa militar ang mga lider ng unyon sa Robina para sa “isang pakikipag-usap.”

Kasapi ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations, isang pederasyon ng Kilusang Mayo Uno (ANGLO-KMU), ang unyon sa Robina– ang Universal Robina Corporation Employees Union – Farm Division. May 300 regular na manggagawa dito.

Wala pang isang buwan ang nakakaraan, nagpasok ang manedsment ng Robina ng bagong hepeng panseguridad (chief of security). Napag-alaman ng mga manggagawa na dati itong militar. May ilan pa umanong naipasok na bagong manggagawa ang manedsment na dating militar o nasa paniniktik (intelligence) nito.

Pananakot

Nitong Agosto 24, Lunes, ipinatawag ng militar ang lahat ng manggagawa sa isang porum na ginanap sa loob pa ng pabrika. Dito, sinabi ng tagapagsalita nitong si 1st Lt. Jovelyn Cabading na may “sampu o higit pang manggagawa diyan na kasama sa NPA.”

Pinaratangan din niyang mga prente ng CPP-NPA ang mga progresibong party-list tulad ng Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, at Kabataan. Ginagamit lang umano ng mga ito ang pondo mula sa Kongreso para sa mga gawain ng rebelde.

Tinuringan din nitong prente ng mga komunista ang iba pang ligal na organisasyon ng mamamayan, tulad ng Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Concerned Teachers (ACT), League of Filipino Students (LFS), at Anakbayan.

Sa kabila ng militarisasyon, desidido ang mga manggagawa na proteksiyunan ang mga tagumpay na kanilang nakamit sa katatapos lamang na Collective Bargaining Agreement. (Contributed Photo)

Katulad ng pagpahintulot sa pagkampo ng militar sa tapat ng kanilang babuyan, buung-buo ring pinahintulutan ng manedsment ang nasabing porum.

Kasaysayan ng sabwatan

Tatlong taon na ang nakakaraan, nagkampo at naghasik ng takot ang militar sa babuyan at manukan ng Robina sa San Miguel, Bulacan.

Doon, napilitang magbitiw ang mga opisyal ng unyon sa pamumuno rin ng ANGLO-KMU dahil sa matinding panghaharas. Pinalitan ito ng isang unyong naging sunud-sunuran sa manedsment, na siya pa ring nakatayo ngayon.

Hanggang ngayon, binubusog ng militar ang mga maggagawa doon ng paninira sa progresibong mga party-list at organisasyon. Bawal pumalag, dahil bantay-sarado ang kanilang bawat galaw.

Samantala, sa karatig-babuyan ng Robina, nauna nang nagpakat ng pwersang militar sa Foremost Farms, pag-aari ni Lucio Tan, para pigilang magwelga ang mga manggagawa dahil sa pagkakait ng hinihiling nilang dagdag-sahod.

Bago pa man makapaglunsad ng welga, nagbaba na ang Department of Labor and Employment ng Assumption of Jurisdiction sa babuyan, na naging batayan ng pagpapadala ng militar sa lugar. Nasa ilalim din ng ANGLO-KMU ang unyon sa Foremost.

Bahagi ang mga nagaganap sa Robina at Foremost Farms ng nagpapatuloy na pangkalahatang panunupil sa mga progresibong organisasyon, ayon sa KMU.

Tagumpay ng manggagawa

Hinding hindi naman magpapasindak ang mga manggagawa sa Robina- Antipolo.

Bukod sa kanilang seguridad at laya sa pagkilos, pinoprotektahan ng unyon ang mga tagumpay na nakamit nila sa kakatapos na CBA o Collective Bargaining Agreement nitong Hunyo.

Naipanalo nila ang P58 arawang dagdag-sahod na makakamit sa loob ng dalawang taon, dagdag na dalawang sakong bigas sa isang taon, health cards na nagkakahalaga ng P3,000 kada taon, 15 araw na union leave, P20,000 education subsidy, P80,000 emergency insurance at iba pang benepisyo.

Ayon sa KMU, ang militarisasyon sa mga pagawaan ay dulot ng “desperasyon ng rehimeng Arroyo (na makapanatili sa puwesto) at ang pagsamantala ng mga kapitalista sa krisis pang-ekonomiya.”

“Pero hindi matitinag, bagkus ay lalo pang lalakas, ang paglaban ng mga manggagawa,” ayon kay Leonardo “Ka Ben” Perez, pangulo ng ANGLO-KMU.

Kasama ang kaso ng Robina sa ihahapag ng KMU sa gaganaping High-Level Fact-Finding Mission ng International Labor Organization sa darating na Setyembre 21-30. Inaasahan ng KMU na mailalantad sa ILO Mission ang tunay na lubha ng panunupil sa kilusang paggawa sa bansa.

Si Wendell Gumban ay kawani ng Public Information Department ng Kilusang Mayo Uno.

Video: Iskema ng tusong mga kompanya sa gitna ng pandaigdigang krisis pampinansiya
<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/EOehA50rFZA&hl=en&fs=1&"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/EOehA50rFZA&hl=en&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Ibinunyag ng mga manggagawa sa Laguna Technopark sa bayan ng Sta. Rosa ang tanggalan at iba pang kontra-manggagawang iskema ng mga kompanyang apektado umano ng pandaigdigang krisis pampinansiya. Ayon sa Department of Labor and Employment, 200,000 manggagawa na ang posibleng natanggal sa trabaho sa kalagitnaan ng taon nang dahil sa krisis na nagsimulang pumutok sa Estados Unidos noong huling bahagi ng 2008.

Kabuhayang nakataya: Pabrika ng Triumph binabantayan ng manggagawa
Die-in ng mga manggagawa ng Triumph International Philippines Inc. sa Taguig City para iprotesta ang pagbuwag sa kanilang piket. (Tudla Productions)

Hindi nawawalan ng “bantay” ang pabrika ng Triumph International Philippines Inc. (TIPI) sa FTI Complex, Taguig City. Mula umaga hanggang gabi, umulan man o umaraw, mahigit-kumulang 60 manggagawa ang matatagpuan sa isang panahon sa piket. Hindi sila nakawelga. Nais lamang nilang pigilan ang posibleng pagsasara ng pabrika.

Umano’y patunay ang nagaganap sa TIPI, lokal na pagawaan ng kilalang international brand ng women’s underwear, na lubhang apektado ang bansa ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Patunay din ito na sa gitna ng krisis, higit na mahalaga ang pagkakaisa ng mga manggagawa.

Labanan sa tarangkahan

Noong Marso 31, nakatanggap ang mga manggagawa ng kakaibang abiso. Sa sulat ng Managing Director ng TIPI na si Dieter Streicher, inamin nitong kritikal ang negosyo ng kompanya dahil sa pagbagsak ng demand dulot ng malawakang resesyon. Marami umanong nagkansela ng order at malaki ang hawak nilang surplus na mga materyales. Kaya’t kailangan, ayon sa manedsment, na iluwas muli (re-export) ang mga materyales sa ibang bansa gaya ng Vietnam at Japan.

Agad naman itong kinuwestiyon ng Bagong Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Triumph International (BPMTI). Umaabot ng 1,200 ang mga manggagawa sa TIPI–karamiha’y kababaihan—at 900 dito ang kasapi ng unyon.

“Walang materyales, walang gawa.  Sa kongkreto, magreresulta ito ng malawakang tanggalan sa trabaho at pagkawasak ng mga puwersa sa produksiyon sa Triumph International,” sabi ni Isabelita dela Cruz, tagapangulo ng BPMTI.

Sa kabila ng pagtutol ng mga manggagawa, tinangka ng manedsment noong Mayo 28 na ilabas sa pabrika ang hilaw na mga materyales. Napansin ito ng mga opisyal ng unyon at nagpiket sila sa harap ng tarangkahan, para pigilan ito. Agad namang ipinulong ng manedsment ang mga opisyal ng BPMTI at nangakong hindi muna nila ilalabas ang mga materyales.

Gayunpaman, naging mapagmatiyag ang mga manggagawa. Alas-sais ng umaga kinabukasan, sinubukan nilang itayo ang piket na pinangalanang “Bantay Pabrika! Tanggol Kabuhayan!” Pero pinigilan sila ng mga guwardiya, alinsunod umano sa utos ng manedsment.

Susunod na araw, daan-daang manggagawa na ang umayuda sa pagtatayo ng piket. Muli, hinaras sila ng mga guwardiya—umano’y kasama na ang ilang elemento ng Philippine National Police.

Noong Hunyo 1, bandang 1:15 ng madaling araw, puwersahang giniba ng 10 guwardiya ng FTI ang piket. Tinangay nila ang mga tent, streamer, at iba pang kagamitan ng mga manggagawa, ayon sa BPMTI.

Noong araw ding iyon, muling itinayo ng ang piket ng mga manggagawa. Bandang 2:30 ng hapon, muling sinubukan ng mga guwardiya na buwagin ang piket, pero ipinagtanggol ito ng mga manggagawa.

Datos ng gobyerno sa kawalang trabaho, ‘di kapani-paniwala’
“Pantasya” ang ipinagmamalaki ng administrasyong Arroyo ngayong araw na bumababang unemployment rate, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU).

Pinabulaanan ng KMU ang datos ng National Statistics Office na bumaba sa 7.5% (o 2.84 milyon) ang unemployment rate ngayong Abril mula 8% (o 2.92 milyon) noong Abril 2008.

“Kahit saan ka lumingon, nagsasarahan ang mga kumpanya, natatanggal sa trabaho ang mga manggagawa, at mismong ang Department of Labor and Employment ang nagsabing aabot sa 200,000 manggagawa ang matatanggal hanggang ngayong kalagitnaan ng taon. Saang pantasya kaya kinuha ng rehimen ang ipinantapal nito sa datos ng unemployment?” ani Roger Soluta, deputy secretary-general ng KMU.

Dagdag ng lider-manggagawa, ipinapakalat ni Arroyo na naman siya ng ilusyon na maganda pa rin ang pang-ekonomiyang lagay ng bansa “para isipin pa ng mga tao na karapat-dapat siyang maging punong ministro.”

Sinabi ng KMU na baluktot ang binagong depinisyon ng unemployment ng gobyernong Arroyo, kung saan hindi na isinasama ang mga walang trabahong hindi na naghahanap ng trabaho.

“Kaya ang pagbaba ng bilang ng unemployed ay nangangahulugan lang na dumami ang nawalan na ng pag-asang magkatrabaho bunga ng sunud-sunod at malawakang tanggalan,” paliwanag ni Soluta.

Dagdag pa ng grupo, hindi na kapani-paniwala ang mga datos ng gobyerno hinggil sa kawalang trabaho mula pa noong naluklok sa pwesto si Arroyo noong 2001.

Ipinapakita ng datos ng NSO na patuloy ang pagbaba ng unemployment rate mula sa 11.1% (2001) patungong 7.5% (kasalukuyan) kahit pa paparami ang mga kumpanya at pagawaang nagsasara at hindi naman nakakalikha ng mga bagong trabaho ang gobyerno.

Sa kabila nito, inamin mismo ng gobyernong Arroyo na mahigit kalahati ng labor force ang nasa impormal na mga trabaho o “self-employed” lamang.

Patunay ito na “puro mga panandalian, kontraktuwal, at mabababang uri ng trabaho ang nagagawang ialok ng gobyerno,” ani Soluta.

Iginiit ng KMU na sa halip na mahumaling ang gobyerno sa paglalabas ng umano’y hindi kapani-paniwalang datos, dapat tugunan nito ang matagal nang panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag-na-sahod at paglikha ng may-seguridad at disenteng trabaho.

Proseso sa pagtanggal sa manggagawa: Kailangan ba ang hearing?
Ang isang manggagawa ay hindi basta-bastang tinatanggal sa kanyang trabaho. Ayon sa batas, kailangang bigyan siya ng “due process” ng manedsment bago tanggalin.

Kung hindi, magbabayad ng danyos sa kanya ang manedsment kahit na may sapat na batayan para siya matanggal.

Ngayon, sa pagbibigay ba sa manggagawa ng “due process” ay kailangang magpatawag ng manedsment ng pagdinig o hearing? Ang bagay na ito ay nilinaw ng Korte Suprema sa kasong Philippine Pasay Chung Hua Academy, et. al. vs. Servando Edpan (G.R. No. 168876, February 10, 2009).

Sa nasabing kaso, isang guro itong si Servando Edpan sa isang paaralan. Isinumbong siya ng mga magulang ng isang estudyante sa manedsment ng paaralan dahil umano sa panghihipo sa kanilang anak. Bilang patunay ay inilakip ng magulang sa reklamo ang salaysay ng kanilang anak.

Sinulatan ng paaralan si Servando at hiningan ng paliwanag. Sinabihan din siyang dumalo sa ipapatawag na pagdinig sa kanyang kaso at ang hindi niya pagdalo ay ituturing laban sa kanya. Samantang iniimbistigahan pa ang kaso ay inilagay ng manedsment si Servando sa preventive suspension.

Nagbigay ng paliwanag si Servando. Pagkatapos nito ay muli siyang sumulat sa manedsment upang hingin ang salaysay ng estudyante at iba pang ebidensya laban sa kanya. Hiningi din niya sa manedsment na bigyan siya ng tamang abiso kung sakaling meron nang pagdinig sa reklamo laban sa kanya.

Binigyan ng manedsment ng kopya ng salaysay ng estudyante si Servando at pinapunta sa eskuwelahan dala ang kanyang sagot sa nasabing salaysay. Nagbigay ng sagot sa nasabing salaysay si Servando ngunit hindi ito nakapunta sa eskuwelahan dahil hindi puwede ang kanyang abogado. Hiningi niya na magtakda ulit ng panibagong iskedyul ang manedsment.

Sa tingin naman ng manedsment ay sapat na ang ebidensya para mahatulan ang reklamo laban kay Servando, kaya hinatulan na nila ito. Ang kanilang hatol: may kasalanan si Servando. Tinanggal nila ito sa kanyang trabaho.

Nagdemanda ng illegal dismissal si Servando sa Labor Arbiter ngunit tingin ng huli ay sapat ang ebidensya laban sa kanya. Kaya ibinasura nito ang reklamo ni Servando.

Nag-apela sa National Labor Relations Commission (NLRC) si Servando. Sa tingin ng NLRC, nagsasabi ng totoo ang estudyante kung kaya tama ang ginawang desisyon ng manedsment para tanggalin si Servando. Ganun pa man, hindi na nito binigyan ng pagdinig ang kaso ni Servando. Dahil dito, sinabi ng NLRC na hindi kumpleto ang pagbigay ng manedsment ng “due process” kay Servando, kaya’t pinagbayad nito ng danyos sa halagang P10,000 ang manedsment.

Inapela ng manedsment ang desisyon hanggang sa humantong ang kaso sa Korte Suprema.

Kinatigan ng Korte Suprema ang manedsment. Niliwanag nito na hindi na kailangan ang hearing sa pagtanggal sa isang manggagawa. Sapat na na napadalhan siya ng sulat ng manedsment na humihingi ng paliwanag sa kanya tungkol sa reklamo. Hindi na kailangang magpatawag ang manedsment ng pagdinig tungkol sa reklamo laban sa manggagawa. Ang pagbigay sa manggagawa ng sapat na panahon upang ipaliwanag ang reklamo laban sa kanya at magsumite ng ebidensya para sa kanyang panig ay pagsunod na sa “due process” na hinihingi ng batas.

Sa kaso ni Servando, paliwanag ng Korte Suprema, pinadalhan siya ng sulat ng manedsment tungkol sa reklamo laban sa kanya at hiningan ng paliwanag dito. Nakapagbigay si Servando. Binigyan din siya ng kopya ng salaysay ng estudyante at hiningan ng sagot dito. Nakapagbigay din si Servando. Maliwanag na nakasunod sa “due process” ang eskuwelahan sa pagtanggal kay Servando, pahayag ng Korte Suprema. Kung kaya, inutos nitong tanggalin ang danyos na sana’y matatanggap ni Servando.

Sa ating pagtingin, nagiging maluwag sa manedsment ang Korte Suprema sa pagbibigay nito ng kahulugan sa “due process“. Matatandaan na sa dating mga desisyon nito, kailangang magpatawag ng hearing ang manedsment basta hiningi ito ng manggagawa. Ngunit sa kasong tinalakay natin ay hindi na. Nagiging mas madali sa manedsment ang pagtanggal sa manggagawa. Sana’y matauhan ang Korte Suprema at ibalik sa dati ang rekisitos ng “due process“.

Video: Tinig ng mga Pilipinong manggagawang lumahok sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa
<object width="425" height="344" data="http://www.youtube.com/v/m_8HsR56X6M&hl=en&fs=1" type="application/x-shockwave-flash"><param name="allowFullScreen" value="true" /><param name="allowscriptaccess" value="always" /><param name="src" value="http://www.youtube.com/v/m_8HsR56X6M&hl=en&fs=1" /><param name="allowfullscreen" value="true" /></object>

Libu-libong manggagawang Pilipino ang nagdiwang at nagprotesta sa Araw ng Paggawa noong Mayo 1, 2009. Hinahagupit ang mga manggagawa ng pandaigdigang krisis pampinansiya.

Piling pamimilian
NOONG Enero 30, naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang advisory hinggil sa flexible work arrangement na maaari umanong ipatupad ng mga kompanya bilang “coping mechanism” at “remedial measure” sa kasagsagan ng pandaigdigang krisis pampinansiya.

Ayon sa kagawaran, “mas mahusay na alternatibo” ito sa tanggalan ng mga manggagawa. Maaari umano itong maging bahagi ng pagbabawas ng gastos sa produksiyon at iba pang pagtitipid sa operasyon ng mga kompanya.

Dahil dapat sang-ayunan di lamang ng manedsment kundi ng mga manggagawa ang pagpapatupad nito, kailangan ang konsultasyon sa pagitan ng dalawang panig. At bago tuluyang maipatupad, kailangan itong ipaalam ng kompanya sa rehiyonal na tanggapan ng DOLE.

Kabilang naman sa mga mekanismo ng panukalang ito ang forced leave, compressed work-week, relyebo ng mga manggagawa, broken-time schedule at pagbabawas ng oras ng paggawa.

Ngunit ayon sa DOLE, pansamantala lamang o habang may krisis ang pagpapatupad ng mga ito.

Sa kasalukuyan, marami nang kompanya sa mga export processing zone at industrial park sa Calabarzon, Gitnang Luzon at Cebu ang nagpapatupad ng iba’t ibang iskema ng flexible work arrangement.

Ngunit ano nga ba ang maitutulong nito sa mga kompanyang isa-isang nagdedeklara ng umano’y pagkalugi bunsod ng paghagupit ng pandaigdigang krisis pampinansiya sa lokal na ekonomiya? At ano naman ang idinudulot nito sa mga obrerong una’t higit sa lahat ay apektabo ng kasalukuyang krisis at lalo pang lumulubog sa kahirapan?

Bawas sa paggawa, bawas sa sahod

Ayon sa DOLE, liban sa 3,368 manggagawang natanggal sa trabaho, mayroong 5,065 apektado ng pagpapatupad ng flexible work arrangement ng mga kompanya sa Gitnang Luzon. Malaking bahagi sa bilang na ito ang nanggaling sa mga pagawaan sa Subic Bay Free Port sa Zambales, Clark Free Port sa Pampangga at Luisita Industrial Park (LIP) sa Tarlac.

Ang LIP ay isang 120 ektaryang lupain sa San Miguel, Tarlac kung saan nakatayo ang malalaking planta at pagawaan ng mga korporasyon tulad ng Purefoods, Universal Robina Corporation, Sanyo at International Wiring System (IWS).

Isa sa pinakamalaking pagawaan sa loob ng LIP ang IWS. Pag-aari ito ng mga Hapon na gumagawa ng wiring harness ng sasakyan. Kabilang naman sa umaangkat na mga kompanya ng sasakyan ng produkto ng IWS ang Toyota Motors.

Ayon sa manedsment ng IWS, lubhang apektado ang wiring industry ng pagbagsak ng automotive industry dahil sa pandaigdigang krisis pampinansiya. Bumaba umano ang demand ng kanilang produkto dahil sa pagbaba ng benta ng mga sasakyan. Bunga naman umano nito ang pagbaba ng kinakailangang workload ng mga manggagawa. Kung dati’y umaabot ang kanilang produksiyon sa 300-350 kilo man-hour (kmh), ngayon ay pumapalo na lamang ito ng 150 kmh, pahayag ng manedsment.

Kaya naman tinugunan nila ang “suliranin” na ito sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga manggagawa. Umabot ng 1,875 o halos lahat ng kontraktuwal na mga manggagawa nito ay kaagad na natanggal sa trabaho, ayon ulat ng manedsment.

Samantala, halos lahat ng iskema ng flexible work arrangement ay ginamit ng kompanyang ito. At ayon sa IWS Workers Union (IWSWU), pinatupad ang mga ito nang walang konsultasyon sa pagitan ng manedsment at mga manggagawa, taliwas sa ibinigay na alituntunin ng DOLE.

Ayon pa rin sa IWSWU, umabot ng 50 porsiyento ng mga manggagawa ang sumailalim sa forced leave. Sa ilalim ng iskemang ito, umaabot ng isa hanggang tatlong araw na patitigilin sa pagpasok sa trabaho ang mga manggagawa. Sa bawat araw na hindi sila papasukin ng manedsment ay mababawasan rin ang kanilang buwanang sahod.

Ipinapatupad din sa IWS ang pagbabawas ng oras ng paggawa. May mga pagkakataong kalahating araw lamang ang trabaho ng mga manggagawa. Mayroon din sa kanila na pinapauwi bago pa man matapos ang kanilang shift.

Sa compressed work-week naman, kailangang magtrabaho ng mga manggagawa ng lampas walong oras habang babawasan ang kanilang araw ng paggawa. Bagamat hindi bawas ang araw ng paggawa, apektado naman ang kanilang kalusugan dahil sa haba ng oras ng pagtatrabaho sa loob ng isang araw.

Napakarami pang ibang kompanya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang kasalukuyang ngapapatupad ng iba’t ibang iskema ng flexible work arrangement gaya ng kalapit na kompanya ng IWS sa LIP na Sanyo. Ayon sa mga ulat, ang mga manggagawa nito ay nagtatrabaho na lamang ng apat na araw habang may overtime na walang bayad.

Epekto sa manggagawa

Halos isang dekada nang nagtatrabaho sa IWS si Irene Dayao, na dumanas ng forced leave at pagbabawas ng oras ng paggawa. “Malaking kawalan sa mga manggagawa ang bawat oras na binabawas sa kanilang trabaho,” aniya.

Paliwanag ni Irene, umaabot lamang ng humigit-kumulang P44 ang kinikita niya. Bagamat wala pa siyang asawa at anak, siya naman ang breadwinner ng kanilang pamilya. Dahil sa kasalukuyang kalagayan sa pagawaan, hirap siyang suportahan ang kanyang kapatid at mga magulang na pawang may edad na.

Ang mag-asawa namang Jessie at Maricel Mendoza, na parehong manggagawa sa IWS, ay apektado rin. Ayon kay Jessie, hirap na hirap silang tustusan ang pangangailangan ang pamilya lalu pa’t sa ngayon ay tatlong araw na lamang pinapapasok si Maricel.

Mas mahirap naman ngayon ang pamilya ni Santos Asilo. Dating nagtatrabaho sa ibang bansa, wala ngayong trabaho ang kanyang asawa. Kaya naman mag-isa niyang itinataguyod ang kanilang tatlong anak. Kuwento ni Santos, dati’y sa pribadong paaralan nag-aaral ang kanyang dalawang anak ngunit napilitan silang ilipat ang mga ito sa isang public school.

Sa kalagayang apektado rin siya ng mga iskema ng flexible work arrangement, hirap si Santos na pagkasyahin ang sahod sa mga pangangailangan ng pamilya.

Ayon sa National Statistics Coordinating Board, umaabot na sa mahigit P800 ang daily cost of living sa Gitnang Luzon. Kaya naman hirap ang mga manggagawa ng rehiyong ito lalu pa’t may mga katulad na iskemang nagpapasahol ng kanilang kalagayan.

Tuloy, napipilitan ang mga manggagawa na mangutang. Anila, dito umiikot sa kanilang pinansiya. Ang mas masaklap, ubos na ito sa pambayad sa utang sa kooperatiba, kantina ng kanilang pagawaan, at sa kanilang mga kakilala – bago pa man sumahod.

‘Pagsamantala sa krisis’

Kalakhan sa mga kompanyang nagtanggal ng mga manggagawa at nagpatupad ng flexible work arrangement ay nagsasabing apektado ang kita ng kanilang negosyo ng pandaigdigang krisis pampinansiya. Ayon sa mga ito, bumababa ang demand sa kanilang produkto at bunsod nito’y ang kanilang tuluy-tuloy na pagkalugi.

Ngunit sa pagsusuri ng IWSWU, hindi naman nalulugi ang mga kompanyang tulad ng IWS. Ayon kay Dexter Datu, presidente ng IWSWU, bagamat may epekto ang krisis sa lokal na mga negosyo, hindi ito nagdudulot ng aktuwal na pagkalugi. “May epekto ang krisis sa tubo ng negosyo pero wala sa kapital ng mga kompanya,” ani Datu. Ibig sabihin, bagamat hindi tumutubo nang malaki ang mga kompanya dahil sa krisis, hindi pa rin masasabing nalulugi ang mga ito.

Dagdag pa ni Datu, tantiya nilang sinasamantala lamang ng mga negosyante ang krisis para bigyan ng batayan ang malawakang tanggalan at mga iskemang ginawa para bawasan ang dati nang maliit na sahod ng mga manggagawa.

May naiulat ding mga kaso kung saan nag-aanunsiyo ang kompanya ng temporary shutdown at aktuwal na closure. Matapos umanong magsara ng pagawaan ay magbubukas muli ito – bagong pangalan. Sa paraang ito, mapapalitan ng kompanya ang regular na mga manggagawa ng kontraktuwal na mas mababa ang sahod at walang benepisyo.

Sa ISW, halimbawa, ginagamit din umano ang pahayag ng pagkalugi upang “ikondisyon” ang isipan ng mga manggagawa na tunay ngang nalulugi ang kompanya. Nalalapit na kasi ang collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng unyon at manedsment. Kabilang sa CBA na ito ang pagtataas ng sahod, rice subsidy, kaseguraduhan sa trabaho at hospitalization benefits ng mga manggagawa.

Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng pagkalugi, maaari umanong isipin ng mga manggagawa na walang kakayahan ang manedsment na ipagkaloob ang kanilang mga kahilingan.

Nakakatulong ba?

Ayon sa DOLE, makakatulong ang flexible work arrangement sa pagbabawas ng gastos ng mga kompanya at maiwasan ang tanggalan ng mga manggagawa habang nananatiling produktibo ang kanilang mga negosyo. Ngunit kung babalikan, marami nang mga kompanya ang nagpapatupad ng flexible work arrangement bago pa naman ang krisis na ito.

Kasabay nito, nagpanukala ang Malakanyang ng moratorium sa dagdag-sahod dahil pa rin umano sa krisis na mahigpit namang tinututulan ng mga manggagawa.

Ayon kay Datu, nararapat lamang na ibalik sa mga manggagawa ang kanilang ambag sa kompanya lalu pa’t sila ang pangunahing puwersang nagpapalago ng negosyo ng mga ito. At aniya, sa panahon ng krisis, hindi tanggalan o mga iskemang babawas sa sahod na lalo pang magpapasahol ng kabuhayan ang kailangan ng mga manggagawa.

Kailangan din umanong tulungan ng mga kompanya at ng pamahalaan ang mga manggagawa sa panahon ng krisis sa porma ng financial assistance. Pababa nang pababa na kasi ang purchasing power ng piso sa gitna ng pagtaas ng presyo ng batayang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission, ang nominal na P382 na minimum wage ay may aktual na halaga na lamang na P267.77. Samantala, tuluy-tuloy naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Mataas pa rin ang presyo ng bigas at iba pang pagkain na sinabayan ng pagtaas ng presyo ng LPG o liquefied petroleum gas.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na kasama ang pamilya ng mga manggagawa sa 4.3 milyong pamilyang nagugutom, ayon sa Social Weather Stations.

Ayon sa Ecumenical Institute for Labor Education and Research, kailangan ng kongkretong hakbang upang protektahan ang mga manggagawa sa gitna ng krisis. Isa umano sa maaaring gawin ng pamahalaan ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa sa halip na bawasan ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng flexible work arrangement na pumapabor lamang sa mga may-ari ng negosyo.

Sa isang pahayag, tinuligsa naman ng Kilusang Mayo Uno ang pamahalaang Arroyo at DOLE. Ayon sa tagapangulo nitong si Elmer Labog, malaki ang pananagutan ng dalawa sa malawakang tanggalan at “buktot na iskema” ng flexible work arrangement. Dagdag pa ni Labog, taliwas sa ipinangako nitong isang milyong trabaho bawat taon noong 2004, humaharap ngayon ang mga manggagawang Pilipino sa tanggalan at mga iskema ng pagbabawas sa sahod na “walang ibang idudulot kung di ibayong kahirapan.”

Padron ng pagsasamantala

Liban sa International Wiring System sa Luisita Industrial Park,   marami pang ibang kompanya sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagpatupad ng flexible work arrangement. Kadalasang   pagbabawas ng araw ng paggawa ang ipinapatupad ng mga kompanya. Mula   karaniwang anim na araw sa isang linggo, nababawasan ito ng isa hanggang tatlong   araw. Narito ang ilang halimbawa nito:

Calabarzon (Cavite, Laguna, Batanggas, Rizal at Quezon)

Kompanya

Iskema ng flexible   work arrangement

Toyota Motors Philippines

“Monday-no-production day”

Keihin

4 araw ng paggawa

EDS Manufacturing Corporation-Yasaki

3 araw na paggawa

Integrated Microelectronics Inc.

forced leave

Sanggunian: Pinagkaisang Lakas ng Manggagawa sa Timog   Katagalugan

DO Apparel

4 araw ng paggawa

Headline

5 araw na paggawa

American Power Conversion

4 araw ng paggawa

Cebu

Pan Phil Sportswear, Inc.

4 araw na paggawa

Lear Automotive Services

4 araw na paggawa

Taiyo Yuden Philippines Corporation

forced leave sa mga agency-hired na mga manggagawa

Maitland Smith Cebu, Inc.

Planong magpatupad ng forced leave sa lahat ng manggagawa   sa loob ng 3 buwan

Enomoto Phils, Manufacturing,Inc.

ang dating 24 oras na operasyon ay pinaikli na lamang sa   16; 5 araw na paggawa at relyebo ng mga manggagawa

Mehitabel, Inc.

2 hanggang 3 araw na paggawa

Shemberg Marketing Corporation

3 araw na paggawa at job rotation

Metro Wear Inc.

5 araw na paggawa at planong magkaroon ng 1 buwan na   holiday sa Marso

Sanggunian: Visayas   Human Development Agency, Inc.

Gitnang Luzon

Subic Bay Freeport

pagbabawas ng oras ng paggawa ng 2,836 na manggagawa

Clark Free Port

pagbabawas ng oras ng paggawa ng 1,001 na manggagawa

Mga sanggunian: Tanggapan ni Sen. Manuel Villar at Department of Labor and Employment

Kalbaryo ng obrero sa Calabarzon at iba pang tala ng tanggalan
Manggagawang Pilipino: lalong nasasadlak sa kahirapan dahil sa dependensiya ng ekonomiya ng bansa sa ekonomiya ng US ("Timaura," likhang sining ni Antipas Delotavo, 1991)

UMAGA ng Enero 5, inatasang mag-ulat ang manggagawang si Miriam Loyola, 25, sa human resources department ng Gemphil Technologies, isang semiconductor company sa Laguna Technopark Incorporated (LTI) sa Biñan.

Ito na ang ikatlong pagawaan na kanyang pinasukan. Matapos ang kanyang tig-limang buwan na kontrata sa SPI Corporation at Unilane Electronics, pumasok siya sa Gemphil noong Enero 2007. Sa loob ng dalawang taon, hindi naging regular si Miriam bagamat aniya, nitong nakaraan ay pinangakuan siya ng manedsment na gagawin siyang regular. Disyembre ng nakaraang taon, maraming manggagawa ng GemPhil ang pinapirma ng clearance at pinakuha ng kanilang huling sahod at 13th month pay. Kaya nangamba si Miriam sa maaaring dahilan kung bakit siya pinag-ulat.

Pagdating sa pabrika, sinabi sa kanya ng assembly line leader ng kanilang departamento na siya ay kasama sa sinisante na mga manggagawa.

Kuwento ni Miriam, napaluha na lamang siya sa binalita sa kanya.

Isa lamang si Miriam sa libu-libong manggagawa na natanggal sa trabaho mula noong huling kuwarto ng 2008 hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si Marianito Roque, bunsod ito ng tumintinding resesyon sa Estados Unidos at iba pang mga bansa. Aniya, kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, aabot sa 200,000 ang mawawalan ng hanapbuhay sa loob lamang ng unang hati ng taon.

Nakababahalang daan-daang katao ang natatanggal sa trabaho kada araw habang walang tiyak na patutunguhan ang mga ito. Maging ang pamahalaan ay wala pang malinaw at kongkretong hakbang upang sila’y tulungan. Sa ganitong kalagayan, ang kabuuang 2.7 milyong Pilipino na walang hanapbuhay sa bansa noong 2008 ayon sa Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES) ay madadagdagan pa ng signipikanteng bilang.

Malawakang tanggalan sa Calabarzon

Sa kasalukuyan, mayroon nang 18,641 na tuluyan nang natanggal sa trabaho ayon sa DOLE. Samantala, umabot naman sa 33,568 na manggagawa ang binawasan ng oras at araw ng paggawa bilang iskema ng iba’t ibang kompanya sa “pagtitipid ng gastos sa  operasyon.”

Sa lahat halos ng rehiyon sa bansa nagaganap ang malawakang tanggalan ng mga manggagawa. Sa mga ulat, ang mga rehiyon ng Gitnang Luzon at Timog Katagalugan ang may pinakamalalaking kaso ng tanggalan. Samantala, marami ring natanggal at matatanggal pa sa trabaho sa Baguio, Cebu, at Davao.

Malaking bahagdan ng  bilang nito ay nanggaling sa export processing zones (EPZs) ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batanggas, Rizal at Quezon). Nasa industrial belt na ito ang mga planta at pagawaan ng iba’t ibang industriya partikular ang garments, semiconductor at electronics. Marami ring car at automotive manufacturing na kompanya sa rehiyong ito, laluna sa Laguna. Paliwanag ng manedsment ng mga kompanya, bumaba ang pandaigdigang demand sa kanilang produkto kaya kailangang babaan din ang production volume.

Ito umano ang lohika kung bakit kailangan ding magbawas ng mga manggagawa.

Ayon sa Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), natural na tatamaan ang mga EPZ  dahil sa “inaasahang pagbaba ng pandaigdigang konsumo” sa mga produkto na linilikha sa mga ito. At dahil export-oriented umano ang bansa, apektado nito ang buong daloy ng lokal na ekonomiya.

Paliwanag naman ni Emilia Dapulang, presidente ng unyon sa NXP Semiconductors Incorporated, bihira ang nakakapagbuo ng unyon sa mga EPZ kaya mas madali para sa mga kompanya na magpatupad ng tanggalan at iba pang polisiya na tatama sa karapatan ng mga manggagawa.

Sa taya ng Pinagkaisang Lakas ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (Pamantik-KMU), aabot ng 40,000 ang matatanggal sa trabaho sa mga EPZ at iba pang pagawaan sa Calabarzon sa loob lamang ng anim na buwan.

Nagpahayag na ang Intel Corporation, isang chip testing plant sa Trece Martirez, Cavite, noong kalagitnaan ng Enero na sila ay magsasara na ng pabrika. Ayon sa kanilang pahayag, “wala talagang demand [sa produkto].” Kaugnay ng napipintong pagsasara, mayroon umanong ipagkakaloob na severance package sa 1,800 na manggagawang mawawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagsasara ng Intel ay siyang hudyat ng tuluy-tuloy pang pagsuong ng bansa sa pandaigdigang krisis pampinansiya. Dagdag ng Eiler, ang ordinaryong mga manggagawa – sa porma ng sahod at kalagayan sa paggawa – ang  bubuno sa pinakamalulupit na hagupit ng krisis na  ito.

Kaugnay nito, sunud-sunod na ang mga kaso ng tanggalan ng mga manggagawa sa Calabarzon ang naganap. Ayon sa ulat ng mga manggagawa sa Pamantik, tinanggal sa Amkor Technology Incorporated, isang electronics company sa LTI, ang 3,000 na kontraktuwal na mga manggagawa nito noon pang Setyembre. Sunod nitong sisisante ang 2,000 na regular na mga manggagawa.

Samantala, umabot din ng 3,000 ang tinanggal na kontraktual na mga manggagawa sa Integrated Microelectronics Incorporated (IMI) sa LTI. Sa EDS Manufacturing Incorporated (EMI)-Yasaki sa Imus Cavite, 1,500 ang tinanggal sa trabaho. Sa Laguna Dai-Ichi, ang 77 bilang ng tinanggal ay madadagdagan ngayong Pebrero.

Bukod sa mga nabanggit, talamak din ang tanggalan sa Daeyoung at American Power Conversion sa Cavite EPZ at Zirtex, Sanyo Plastic Philippines at Testech sa LTI. May power plants at pagawaan din sa Quezon at Batangas ang magtatanggal ng mga manggagawa.

Iba pang iskema

Liban sa tuwirang pagtatanggal sa mga manggagawa, may iba pang mga iskema ang ginagamit ng manedsment ng mga kompanya upang “makaagapay” sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya at “maiwasan ang pagkalugi.” Kabilang dito ay ang forced leave, reduced at compressed working days at pagbabago sa shifts ng mga manggagawa. Mayroon ding inaalok ng separation pay sa ilang kompanya upang tuluyang nang magbitiw ang mga manggagawa.

Ang lahat ng ito, sa mismong pagsusuri ng mga manggagawa, ay hakbang lamang upang tuluyan silang masisante.

Isa sa mga nagpatupad ng forced leave ay ang IMI. Umabot sa 1,000 na regular na empleyado nito ang sapilitang pinatigil sa pagtatrabaho. Ganito rin ang nangyari sa mga manggagawa at empleyado sa Achi-Wool Industrial Plant Technology sa Rosario, Cavite.

Ipinapatupad naman sa car at automotive manufacturing na mga kompanya ang pagbabawas ng oras at araw ng paggawa. Sa Toyota Motors Philippines, ipinatupad ang “Monday-no-production day.” Samantala, sa EMI-Yasaki, 3 araw na lamang magtratrabaho ang mga manggawa sa loob ng isang linggo, ayon sa mga ulat.

Bawat oras at araw na ibabawas sa panahon ng pagtratrabaho ng mga mangggawa ay ibabawas din sa sahod ng mga ito. Ibig sabihin, kapag wala silang trabaho ay wala ring silang kikitain. Marami pang ibang kompanya ang magpapatupad ng tatlo hanggang apat na araw na lamang ng paggawa.

Sa NXP na nasa LTI din, inaalok ang mga manggagawa ng MSDP o management-decided separation pay upang manghikayat ng kusang pag-alis ng mga manggagawa.

Kalagayan ng mga natanggal sa trabaho

Lubhang napakahirap ng buhay ngayon ng mga natanggal sa trabaho. Si Miriam, na dating nakakapagpadala pa sa kanyang magulang sa Surigao, ay nakikitira na lamang ngayon. Dahil sa kakarampot ring kita noong nagtratrabaho pa sa GemPhil, hindi na niya nagawang makapag-ipon. Sa kasalukuyan, suliranin niya ang pang-araw araw na pangangailangan gaya ng pagkain at pamasahe. Liban dito, mabigat din para sa kanya ang paggastos para sa pagsusulit sa mga hiring agency upang makahanap muli ng trabaho.

Ang mag-asawa namang Levi at Christine Pasignahin ay kapwa natanggal sa trabaho. Ayon kay Levi, umaga ng Disyembre 15, hinarang ang mga manggagawa sa Laguna Dai-Ichi, isang plastic molding company sa LTI, ng mga guwardiya at sinabi na kailangan nilang mag-ulat sa kanilang hiring agency. Pag dating sa Topserve Manpower Supplier, sinabi sa mga manggagawa na natapos na ang kontarata nila sa Laguna Dai-Ichi kaya wala na silang trabaho. Ang kanya namang asawa ay natanggal sa pagawaan ng Ogino Philippines Corporation.

Hirap ngayon ang mag-asawa sa pang-araw-araw na gastos at sa buwanang renta sa inuupahang tirahan. Problema din nila ang gatas ng kanilang maliit na anak.

Ang kanyang kasamahang natanggal na si Blesildo Rosario ay hirap din sa paghahanap ng bagong trabaho. Umabot siya ng 12 na taon sa Laguna Dai-Ichi kaya ngayon ay overaged na siyang tinuturing sa mga kompanyang inaasam niyang pasukan. Aniya, tinutulungan na lamang niya pansamantala ang kanyang asawa sa sideline nito na pagtitinda ng saging at itlog upang maitaguyod ang kanilang dalawang anak.

Lunas?

Malalim na suliranin ang kawalan ng trabaho sa bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis pampinansiya. Sa kasalukuyan, 36 milyon ang lakas paggawa ng bansa. Ngunit ayon mismo sa DOLE, katlong bahagi nito ay unemployed o kaya’y underemployed. Iba sa datos ng BLES, ginigiit pa ng Ibon Foundation na umabot ang bilang ng walang trabaho sa 10.7 milyon noong nakaraang taon.

Ang laksa-laksang matatanggal sa trabaho, dadagdag pa sa bilang na ito.

Marami nang mungkahi ang pamahalaan at iba’t ibang mga grupo upang lunasan ang kasalukuyang suliranin ng mga manggagawa. Ayon sa pamahalaan, maaaring bigyan ng livelihood program, skills training at job seminars ang natanggal na mga manggagawa upang makapagsimula ng negosyo. Ngunit ayon kay Dapulang, dadaan pa sa proseso ang pagpapalago nito habang kailangang ibsan sa kagyat ang hirap ng mga natanggal sa trabaho.

Sinasabi rin na maaaring mangibang bayan ang mga manggagawa. Ngunit tanong ng marami, paano ito ngayong marami nang overseas Filipino workers ang nagbalik na sa bansa dahil na rin sa mismong tanggalan sa ibayong dagat.

Para naman sa Makati Business Club, maaaring gawing option ang pagbabawas ng sahod ng mga manggagawa upang maiwasan ang tanggalan. Subalit inaasahang lalong isasadlak lamang ng hakbang na ito ang aba nang kalagayan ng mga manggagawa. Ang kasalukuyang sahod pa lamang ng mga manggagawa ay wala pa sa kalahati ng cost of living ng kani-kanilang rehiyon.

Sa kasalukuyan, ang family living wage sa Calabarzon ay umaabot na sa P809 para sa pamilyang may anim na miyembro. Ang ipinapatupad namang minimum wage sa rehiyong ito ng Regional Tripartite Wages and Productivity ng DOLE ay P236 hanggang P320 lamang. Halimbawa, ang sinasahod ni Miriam noong nagtatrabaho pa siya sa GemPhil bilang kontraktuwal na manggagawa ay P298 lamang. Ang mga regular, P15 lamang ang lamang sa mga kontraktuwal, ayon kay Monalisa Larion, manggagawa rin ng Gemphil.

Ayon naman sa mismong mga manggagawa gaya nina Miriam, Levi at Blesildo, kailangang ilaan ang napapabalitang stimulus package na nagkakahalaga ng P330 Bilyon para sa dapat paglaan nito: ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho at iba pang naghihirap na mga mamamayan bunsod ng krisis pampinansiya. Maaari umano itong gawin sa porma ng subsidyo sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga manggagawa.

Ayon naman sa KMU, kagyat at kongkretong solusyon ang pagtataas ng sahod at pagbabawas sa buwis ng mga manggagawa na sa kasalukuyan ay umaabot sa 19 hanggang 30 porsiyento.

Pahayag naman ng Eiler, matagal nang kailangang pagtuunan ng pamahalaan ang pambansang industriyalisasyon na magtitiyak ng maramihang paglikha ng hanapbuhay sa mga manggagawa at magbubunsod ng tunay na pag-unlad sa sambayanang Pilipino.