Pinoy Weekly
Posts tagged as: Manny Pacquiao

Rep. Pacquiao, co-author ng ACT Teachers sa panukalang umento sa sahod ng guro

Habang nasa plenary session, kinausap ni ACT Teachers Rep. Antonio Tino si Saranggani Rep. Manny Pacquiao para hilingin ang suporta ng huli bilang co-author sa House Bill No. 2142 o “The Public School Teachers’ Salary Upgrading Act” na ipinanunukala ng ACT Teachers Party-list.

Marquez patuloy sa paghahabol kay Pacquiao

Patuloy ang paghahabol ni Juan Manuel Marquez sa isa pang laban kontra kay Manny Pacquiao. Matapos mapagwagian ang rematch niya kontra kay Juan Diaz noong Hulyo 31 at mapanatili ang kanyang korona ng World Boxing Association lightweight, tinawag niya ulit ang pangalan ni Pacquiao para sa maaaring ikatlo niyang laban kontra sa Pilipino. ‘The trilogy [...]

Antonio Margarito naghahanda nang harapin si Pacquiao

Naghahanda na ang kampo ni Antonio Margarito sa kanyang pakikihapagharap kay Manny Pacquiao para sa titulo ng World Boxing Council super-welterweight. Sa isang hakbang patungo sa napipintong sagupaan, ang dating kampeon ng welterweight ay pormal na naghain ng aplikasyon para sa reinstatement ng kanyang lisensiya sa estado ng California sa US. Sumubok nang makipagusap ang [...]

Mga Larawan: Rampa’t protesta sa Batasan Pambansa

Sa loob ng Batasan Pambansa kung saan nagtalumpati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, rumampa ang mga personalidad. Pati ang militanteng kongresista, rumampa rin — siyempre, dala ang mga panawagan ng mga mamamayan.

Pacquiao gagawaran ng Fighter of the Year Award ng boxing writers sa US

Nakatakdang igawad kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao ang Fighter of the Year at Fighter of the Decade mula sa Boxing Writers Association of America sa darating na Hunyo 4 sa New York. Lilipad si Pacquiao sa Hunyo 1 patungong New York para sa paggagawad. Ito ang ikatlong pagkakataon na igagawad kay Pacquiao ang Fighter of [...]

Pacquiao ayos na sa drug test, naghahanda na rin sa Konseho

Tila umaayon na ang kampo ni Manny Pacquiao sa pakikipag-areglo sa kampo ni Floyd Mayweather Jr. at maituloy na ang kanilang pinakahihintay na pagtutuos. Ito’y matapos pumayag ng congressman-elect ng Saranggani na magpakuha na ng kanyang dugo at nmagpasailalim sa random drug testing 14 araw bago ang kanilang nakatakdang laban. Ito ay isang bagay na [...]

Congressman Pacman maghahanda sa laban – sa ring o sa Kongreso?

Napagwagian ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kontra kay Roy Chiongban sa lalawigan ng Saranggani sa Mindanaw. Sa ika 10 ng gabi noong Martes, nakakuha na si Pacman ng 56,810 boto kontra sa 28,506 ni Chiongbian. Ito, matapos siyang makatanggap ng mga paalala na baka matalo siya sa halalan. Marami nang naghalintulad ng labanang ito [...]

Boksingerong Venezuelan, natagpuang patay

Isang boksingero na minamatang ilalaban kay Manny Pacquiao ang pumanaw nitong Lunes. Natagpuan ang bangkay ni Edwin Valero sa kanyang kulungan. Nagbigti si Valero ayon sa ulat ng pulisya, matapos siyang mahuli sa pagkakapaslang sa kanyang asawa. Tanyag si Valero sa kanyang walang talong karta, at dahil sa knockout ang lahat ng kanyang panalo. May [...]

Pacquiao wagi kay Clottey

Pinagwagian ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Joshua Clottey nitong nakaraang Linggo (Sabado ng gabi sa US) at nanatili sa kanya ang titulo ng World Boxing Organization welterweight. Tumagal ang Pilipino at ng tubong-Ghana na mga manlalaro sa buong haba ng naitakdang 12-round na laban. At sa harapan ng 50,994 nanood sa Cowboys Stadium [...]

Larawan: Pacquiao nakipagkilala kina Satur, Liza

Share

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes