Ikinatuwa ng Kilusang Mayo Uno ang pagbigay-suporta ni Sen. Manny Villar sa panawagan ng mga manggagawa para sa karagdagang makabuluhang sahod. Ayon sa KMU, ang bukas na pagsuporta ng senador ay dagdag sa hanay ng mga mambabatas na nagpapanawagan isabatas ang panukalang dagdag sahod na P125.
May 17 2011 | Posted in
Balita |
Read More »
Sa dami ng personalidad sa showbiz na sumuporta kay Noynoy Aquino, unang hinudyat ng kanyang MTV na may sulo bilang tanglaw sa kadiliman, ay malakas na senyales kung saan papabor ang popular na sentimiento ng boboto. At hindi nga nagkamali, ang army ng showbiz personalities ay paratihan natunghayan sa kanyang komersyal at kampanya.
Jul 4 2010 | Posted in
(Kolum),
Pasintabi |
Read More »
Oo na, para na sa mahihirap silang mga kandidato sa pagkapresidente. Pero di ba mga manggagawa ang ilan sa pinaka-naghihirap sa bansa ngayon? Bakit walang malinaw na tindig ang karamihan sa mga presidentiable sa mga usapin ng dagdag-sahod at kontraktuwalisasyon?
Likas na sa panahon ng eleksiyon ang batuhan ng akusasyon at labasan ng baho. Pero tila walang kasingtindi ang paglipana ng mga tsismis ngayon. Tuloy, hindi napag-uusapan ang mga isyu at platapormang dapat sanang ginagamit ng mga mamamayan na batayan para mamili ng kandidato.
Apr 26 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Pakawala ba talaga ng kasalukuyang rehimen si Manny Villar? Wala mang matibay na patunay at lantarang ispekulatibo, aktibong ipinapakalat ang mga tsismis ng mga katunggali ni Villar para pabagsakin siya sa halalan.
Ano ang tindig ng mga kandidato sa pagkapangulo sa pagtaguyod sa sining at kultura ng bansa? Ano ang kanilang mga pananaw sa paglaganap ng wikang Pilipino bilang susi sa paglilinang ng kulturang Pilipino?
Apr 22 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Lahat nangangakong may pagmamahal sila sa kalikasan. Pero kung bubulatlatin ang rekord at plataporma ng mga kandidato, makikita na iba-iba ang pamamaraan nila ng sinasabing pagmamahal. Iba-iba rin ang aktuwal na implikasyon sa kalikasan ng mga paninindigang ito.
Apr 20 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
Taun-taon, naglalaan ang gobyerno ng pinakamalaking bahagi ng badyet para sa pagbayad ng utang panlabas. Taun-taon din, unti-unting tinatapyasan ang badyet para sa batayang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay. May bago bang ipinapangako ang mga kandidato sa pagkapresidente?
Apr 12 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »