Pinoy Weekly » Manny Villar

P125 dagdag-sahod, suportado ni Sen. Manny Villar
Sen. Manny Villar (KR Guda)

Ikinatuwa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagbigay-suporta ni Sen. Manny Villar sa panawagan ng mga manggagawa para sa karagdagang makabuluhang sahod.  Ayon sa KMU, ang bukas na pagsuporta ng senador ay dagdag sa hanay ng mga mambabatas na nagpapanawagan isabatas ang P125 across-the-board, legislated wage hike.

“Natutuwa kami sa suporta ni Sen. Manny Villar para sa panawagan sa dagdag sahod na P125 ng mga manggagawa,” ani Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Matagal nang nakasalaang sa Kongreso ang panukalang batas hinggil sa P125 across-the-board wage increase, ngunit hanggang sa kasalukuya’y hindi pa rin ito ipinapasa.  Kakarampot na P22 ang idinagdag sa Cost of Living Allowance ng mga manggagawa na idinaan sa Regional Wage Board.

““Ubos na kaagad sa pamasahe pa lamang ang P22 Cola na ipinagkaloob ng regional wage board sa manggagawa sa pribadong sektor ng Metro Manila,” pahayag ni Villar sa midya.

Ayon pa sa senador, malaking porsiyento umano sa sahod ng mga mangagawa ang napupunta sa pamasahe pa lamang, lalo na at inaprubahan ang pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT. Maliban pa ito sa dati nang pagtaas ng pasahe sa pampublikong mga sasakyan tulad ng dyip at bus.

“Pabor ako sa P125 legislated wage hike para matulungan yung mga manggagawa,” ani Villar na ikinatuwa naman ng KMU dahil bukod umano sa nanggaling ang panawagan sa isang pulitiko, isa rin siyang negosyante.  “Nasa tamang posisyon si Villar na magsalita hinggil sa napakaliit na epekto sa tubo ng mga employer ang dagdag na P125,” ani Soluta.

Nanawagan rin ang KMU sa senador na hikayatin ang iba pang mambabatas at mga negosyante na suportahan ang kanilang panawagan sa P125 dagdag-sahod.

“Umaasa kami na maimpluwensiyahan ni Sen. Villar ang kanyang mga kapartido sa Nacionalista Party at ang mga kapwa negosyante niya na suportahan ang panawagan namin para sa 125 wage hike.  Dahil ang rehimeng Aquino ay todo-todo ang pagtutol sa makabuhuluhang dagdag-sahod, kailangan namin ng maraming suporta tulad ng pagsuporta ng senador,” ani Soluta.

Idinagdg pa ni Soluta na maaari umanong mahikayat ng senador ang mga negosyante na magbigay linaw sa kung ano ang tunay na nagpapahirap sa maliliit na negosyante, upang makontra diumano ang argumento ng administrasyong Aquino, na ang P125 dagdag-sahod ay magdudulot ng pagsara ng mga pabrika.

“Dapat magsalita ang mga maliilit na negosyanteng Pilipino laban sa patuloy na pagtaas nang presyo ng enerhiya at walang patumanggang importasyon ng mga produktong dayuhan,” pagtatapos ni Soluta.

Inagurasyon bilang noontime show
Sa dami ng personalidad sa showbiz na sumuporta kay Noynoy Aquino, unang hinudyat ng kanyang MTV na may sulo bilang tanglaw sa kadiliman, ay malakas na senyales kung saan papabor ang popular na sentimiento ng boboto.  At hindi nga nagkamali, ang army ng showbiz personalities ay paratihan natunghayan sa kanyang komersyal at kampanya.

Di ito katulad ng showbiz supporters ni Manny Villar (Dolphy, Manny Pacquiao at Willie Revillame), malaki ang usap-usapan sa milyones na binayad.  Ang kay Aquino ay galing sa wagas at dalisay na paniniwala siya na nga (the chosen one, kumbaga).

Kaya wala naman ang nasurpresa na ang inagurasyon ni Aquino ay naging isang showbiz platform.  Hindi aksidente na ito ay idinaos sa tanghaling tapat, at ang kagyat na referensya sa estetikang bumalot sa palabas ay halaw sa noontime show.  Nandoon ang halo-halong kalamay na mga artista at mang-aawit, may theme song, may solemn moment tulad ng pag-aantay sa kasagutan ng kontestant sa final na tanong na bigtime na magpapanalo o magpapabokya, at may feel good moment na “oo, mahirap lang tayo pero kaya natin ito!”

Kung sa libing ni Cory Aquino na natapat sa noontime show ni Revillame unang nag-landslide ang kanyang kayabangan para ibaon ito na hindi na makakapanumbalik (na parang di nakakasapat ang “Wowowee tragedy” na kinamatayan ng 71 na katao at kinasugatan ng 392 iba pa, at na-cleared na ng Department of Justice ang host) sa kanyang show, ang inagurasyon ni Aquino ang nagtiyak naman na ang noontime show ang siyang mangyayaring hari sa televisual na sandali.

Siguro ay inisip ni Revillame hindi lang kung bakit sa oras pa niya natapat ang libing ng santa kundi ang imposibilidad na maipaloob ito sa mismong noontime show.  Ang solusyon sa predikamento ay gawin isang noontime show ang mga pambansang spectacle.

Sanay naman ang live coverage nito na mayroong hierarkiya sa studio at location.  Nandoon ang pinagpipitaganang artista, panauhing pandangal at host sa entablado, maging ang balikbayan sa piling seksyon nito, at ang mas maraming bilang sa hanay ng audience, sa ibaba ng entablado.

Puro pop singers ang namayani, walang poet laureate tulad sa inagurasyon sa US para bumigkas ng tula ukol sa sandali ng panunumpa at ang isinasaad nitong ethos sa bansa.  Pop goes the ‘Pinas world, at party Pilipinas ang moda ng pagdanas nito.

Variety show na halaw at hindi halaw kay Kuya Germs (aka German Moreno at ang kanyang naunang daigdig ng bodabil, Germspesyal, That’s Entertainment at Walang Tulugan).  Walang rhyme or reason ang sequencing ng mga bilang kay Kuya Germs, total entertainment package ang ipinapangako lamang nito.  Di nga ba’t tila may tampo pa si Kuya Germs sa hindi pagkonsulta sa kanya hinggil sa format ng inagurasyon, gayong variety show lamang pala ang gustong gawin ng mga tao ni Aquino?

Sa kasaysayan ng noontime show na naabutan ko, ang Student Canteen na aral na mga host ang namamayagpag dito, sa opening sequence ay nagpapalitan pa ito ng kuro-kuro hinggil sa current events.  Parang ang comedy sequence sa stand-up hosts ng late night sa U.S. na sina Jay Leno, David Letterman at Jimmy Fallon na may nakakatawang komentaryo hinggil sa balita sa loob at labas ng bansa nila.

Ngayon ay ang edad medya ng talk shows, lampas sa Dark Ages na walang pagkaunlad pero nasa edad ng walang katiyakan.  Alam mong galing ka na sa burak pero hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng pagkaahon.  Hindi ba’t hindi lamang ito ang sinasaad ng noontime variety show kundi ng mismong edad ng bansa sa estado poder ni Aquino?

Villar: Tatanggapin ko ang anumang resulta ng ‘kredibleng’ halalan
Si Nacionalista Party standard bearer Manny Villar, bumoto sa kanyang presinto sa Las Pinas City. Sinabi ni Villar na handa siyang tanggapin ang resulta ng bilangan, hangga't kapani-paniwala ito. (Boy Bagwis)

Mga Larawan: Huling sabak sa kampanya ng mga progresibo, Nacionalista Party
Noong Mayo 7, tumungo ang mga tagasuporta ng progresibong mga kandidato sa pagkasenador na sina Satur Ocampo at Liza Maza sa Harbour Centre, Tondo, Maynila, para sa miting de avance ng Nacionalista Party. (Rogelio Tubije)

Nandoon rin ang iba't ibang progresibong party-list sa ilalim ng Koalisyong Makabayan na Kabataan, Anakpawis, Gabriela, Akap Bata, Act Teachers at Bayan Muna. (Rogelio Tubije)

Una sa mga kandidato sa pagkasenador na nagsalita si Ocampo. Ipinakita sa screen ang istorya sa pahayagan nang siya'y ipinakulong ng gobyernong Arroyo noong 2007 bilang bahagi ng panunupil sa oposisyon. Napawalang-sala rin ng Korte Suprema ang kongresista sa kasong rebelyon. (Rogelio Tubije)

Ayon kay Ocampo, tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon ang susi sa tunay na pag-unlad ng bansa. Ipagpapatuloy umano niya sa Senado ang laban para sa ilang mga reporma at kontra sa anti-mamamayang mga polisiya at batas. (Rogelio Tubije)

Sunod na nagsalita si Maza, na nakilala bilang tagapagtanggol sa karapatan ng kababaihan bilang kinatawan ng Gabriela Party-list. (Rogelio Tubije)

Eleksiyong 2010: Hamon ng obrero
Ito ang ika-sampu sa serye ng mga artikulo sa Pinoy Weekly hinggil sa mga isyung bayan at ang mga paninindigan ng mga kandidato sa   pagkapangulo hinggil dito. Maglalabas kami ng serye ng mga artikulong   tulad nito hanggang sa bisperas ng eleksiyon sa Mayo 10, 2010. Layunin   ng seryeng ito na ilantad sa publiko ang paninindigan at rekord ng  bawat  kandidato sa pinaka-mahahalagang isyu ng bansa. Batay dito,  maaaring  mahusgahan natin ang pipiliing kandidato para mamuno sa atin  sa sunod na  anim na taon.

Sen. Noynoy Aquino: Hinarang ang P125 dagdag-sahod ng mga manggagawa noong 2005. (KR Guda / PW File Photo)

Milyun-milyong manggagawang Pilipino ang boboto sa darating na Mayo 10 kaya hindi maaaring isantabi na lamang ng mga kumakandidato sa pagkapangulo ang usapin ng mga manggagawa sa kanilang plataporma at mga pangako. Tinatayang 35 milyon ang lakas-paggawa ng bansa at mayorya sa kanila ay umaasa nang kahit kaunting alwan kung sino man ang magiging susunod na presidente ng bansa.

Ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), lahat ng kumakandidato ay nagsasabing sila’y makamahirap at wawakasan ang kahirapan at korupsiyon. Pero wala naman umanong nagpresenta ng kongkreto at matagalang adyenda para sa sektor ng paggawa.

“Gusto naming marinig sa mga kandidatong ito kung ano ang gagawin nila para solusyonan ang mababang pasahod, kawalan ng trabaho, migrasyon, masahol na kondisyon sa paggawa at paglabag sa karapatan ng mga manggagawa,” ani Labog.

Ngayong Mayo Uno, ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa, inilatag ng KMU ang kanilang mga kahilingan at hamon. Kabilang dito ang:

1. Pagsasabatas ng signipikanteng pagtaas ng sahod

2. Pagtaguyod sa mga karapatan ng manggagawa; pagtigil sa kriminalisasyon ng mga manggagawa

3. Pagrepaso sa Labor Code ng Pilipinas, pagbawi sa mga batas na nagsusulong ng kontraktuwalisasyon at pagbasura sa Assumption of Jurisdiction

4. Paglikha ng lokal na trabaho, pagbawi sa mga polisiya sa labor export

5. Pagkontrol sa presyo ng pangunahing mga bilihin, pagpaparusa sa malalaking kompanya na labis magpatubo

6. Pagtaas ng badyet para sa mga serbisyong panlipunan

7. Pagsuporta sa mga hakbang para mapalaya ang bansa sa pagsandig sa dayuhang utang

8. Pagsuporta sa mga hakbang para mapalaya ang lokal na ekonomiya sa pagsandig sa dayuhang merkado at kapital

9. Katarungan para sa lahat ng mga biktima ng pampulitikang paninikil, karapatan sa paggawa at pantao

10. Pagsakdal at prosekusyon sa administrasyong Arroyo sa mga krimen nito laban sa mamamayan.

Kung sino man sa mga tumatakbong presidente, bise-presidente at mga senador ang sumuporta sa kanilang mga kahilingan, iyon ang ieendorso ng mga manggagawa.

Mula rito ay maaari nating kilatisin kung ano nga ba ang adyenda ng mga kandidato kaugnay ng usaping pangmanggagawa.

Kontra sa dagdag-sahod

Bilang senador, sinuportahan ni Benigno Aquino III ang Productivity Incentives Act na nagbibigay ng taunang insentibo sa mga manggagawa sa pribadong sektor at nagtataas ng parusa sa mga hindi susunod sa pagdagdag sa suweldo ng mga manggagawa. Gayunman, bilang isa sa mga may-ari ng Hacienda Luisita, hinayaan ni Noynoy ang hindi patas na paggawa sa asyenda at ang hindi makatarungang sahod ng mga manggagawa.

Noong 2005, inakusahan ng namayapang kinatawan ng Anakpawis at tanyag na lider-obrero na si Crispin “Ka Bel” Beltran si Aquino na nagtulak ng mga panukalang batas na pangontra sa P125 legislated wage hike.

Kabilang sa panukalang ito ang Productivity Incentives Act, na nagtatakda sa mga kompanya na maglaan ng di-bababa sa 10 porsiyento ng kanilang taunang kita para sa productivity incentive bonus ng mga manggagawa.

“The bill is worse than the proposals of the Employers Confederation of the Philippines (ECOP) for a P30 wage hike. In Aquino’s bill, a company employing 100 and earning P1 million annually will only be giving its workers a P3.00 wage increase,” sabi noon ni Beltran.

Batuhan ng putik
Villar, Estrada at Aquino: labasan ng baho -- totoo man o hindi -- ngayong eleksiyon.

Hindi na bago sa halalan sa bansa ang “batuhan ng putik,” o paninira ng mga kandidato sa isa’t isa. Pero tila mas malupit at malaganap ang mudslinging sa kampanyang ito. At sa panahon ng internet, lalo lamang napadali ang pagpapalaganap ng tsismis at pagsasagawa ng mudslinging.

Malinaw ang dahilan ng pagpaparatang kay Sen. Manuel Villar na maka-Arroyo siya: dahil suklam na ang publiko sa kasalukuyang administrasyon. Ano man ang totoo sa mga akusasyon, malinaw na bahagi ng tradisyunal na pulitika ang ehersisyo ng mudslinging.

Ayon kay Prop. Bobby Tuazon ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), “Isang mukha (ito) ng electoral fraud, in these sense that dirty work is being used to smear on the supposed credibility of candidates and certain political organizations. Ginagamit ang mudslinging para makakuha ng mga boto, kung paniniwalaan man na makakakuha ng boto ang mga krudong election maneuver tulad ng mudslinging.”

Sa pag-aaral ni Tuazon, lumalabas na labis na ispekulatibo ang akusasyong sikretong kandidato ng kasalukuyang administrasyon si Villar.

Pero ang mas malupit, hindi umano maganda sa demokratikong proseso ng halalan ang penomenon ng mudslinging. “Tingin ko hindi nakakatulong ’yan sa election dahil it tends to draw the attention of the people more on personalities. Ang tendency nun, it tends to blur or even gloss over the more relevant election issues, such as performance, record, programs, positions on national issues such as land reform.”

Binigay na halimbawa ni Tuazon ang tila marketing spin na “incorruptible” si Aquino. “Hindi nakikita ng midya na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III pala ay pabor sa VFA (Visiting Forces Agreement). Di iyon nailalahad,” ani Tuazon.

Tila mayorya sa pinag-uusapan ngayon hinggil sa eleksiyon ay may kinalaman sa mga akusasyong ibinabato ng magkakalabang panig.

Tradisyunal na pulitika

Ipinaliwanag pa ni Tuazon na tanda na ng tradisyonal na pulitika ang mudslinging. Sa halip na mapag-usapan ang mga programa at tindig sa mga isyung pambayan, napag-uusapan ang bango o dungis ng mga personahe – malinaw na tanda ng personality politics, o pulitikang nakabatay sa personalidad ng mga pulitiko. “(It is) the way traditional elite conducts electoral camapaign: based not on issues and programs, but based on personalities, mudslinging and other fraudulent means.”

Dagdag pa ni Tuazon, kailangang magsagawa ang mga pulitiko ng personality politics dahil kapag napag-usapan ang mga plataporma, maaaring umasa ang mga botante na matutupad ang mga pangakong inilalahad ng mga kandidato sa kampanya. “But these are shallow promises that are not meant to be realized if they win after the elections,” aniya.

Malinaw umano ito sa kasaysayan. Kailangan lamang silipin ang mga ipinangako ni dating pangulong Corazon Aquino (ina ni Noynoy): kabilang sa ipinangako niya ang pagpapalayas sa mga tropang Kano sa ilalim ng mga kasunduang pagmantine ng baseng militar ng US sa Pilipinas. Nang naging pangulo si Aquino, siya pa ang nanguna sa paghiling sa Senado na manatili ang baseng militar ng Kano.

Ipinangako rin ng nakatatandang Aquino ang pamamahagi ng Hacienda Luisita sa mga manggagawang bukid na nagbubungkal ng lupa rito. Alam na natin kung ano ang nangyari sa Luisita nang kalaunan.

Duda si Tuazon na makakamit ang makabuluhang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Villar o administrasyong (Noynoy) Aquino. Duda siyang kung pababayaan lamang ng publiko ang gobyernong Villar o Noynoy ay di nito pupursigihin ang pagtugis kay Arroyo.

Parehong ipinapangako ng dalawa ang pagtugis kay Arroyo kapag wala na ang huli sa kapangyarihan. “Dahil hindi naman talaga natutupad ang mga ipinapangako sa eleksiyon, nasa mga mamamayan na para maging mapagmatyag at hamunin ang susunod na pangulo na tupdin ang anumang pangakong inihayag niya noong halalan,” ani Tuazon.

Kabilang na umano rito ang pagpaparusa kay Arroyo.

Ang totoo sa ‘Villarroyo’
Sen. Manuel Villar: Pakawala ni Arroyo? (Kontribusyon)

Sa Perea Street sa Makati City matatagpuan ang LTA Building: opisina ng ilang foundation at non-government organizations. Pero mas kilala ito bilang building na pag-aari ni First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo.  Noong Abril 5, pumarada sa harapan nito ang konboy ng mga sasakyan. May mga nakakita, mistulang nakumpirma nito ang matagal nang pinagtitsismisan. Kinabukasan, kumalat sa internet ang tsismis: Nakipagkita si Sen. Manuel Villar sa kampo ng mga Arroyo. “Villaroyo” nga.

Pero sa isang karatig na building pumunta si Villar. Sa building na ito nag-oopisina ang isang ad agency na siyang pangunahing gumagawa ng sikat na mga patalastas ni Villar sa telebisyon. Ayon sa tagapangulo at chief creative officer ng ad agency na tumangging ilabas sa midya ang pangalan (niya at ng kompanya niya), noong araw na iyon ay nakipagpulong sa creative team niya ang senador para pag-isipan ang susunod na patalastas ngayong kampanya.

“Matagal na kaming nagtitimpi tuwing may tsismis na kumakalat tungkol sa ‘sightings’ ng mga kotse ni Sen. Villar sa Perea Street,” ayon sa impormante. “Naiinis kami sa napaka-iresponsableng report (na ito).”

Pero ito ang tipo ng mga tsismis na nagsisilbing “ebidensiya” o batayan ng pagwasak ng kredibilidad ng kandidato sa pagkapresidente sa panahon ng eleksiyon. Ito – kasabay ng pagpapakalat ng di-makumpirmang “ebidensiya” tulad ng pakikipagpulong diumano ni Villar sa bahay ni Mike Defensor para makipag-usap sa mga Arroyo – ang nagiging “batayan” sa isip ng madla para masemento ang reputasyong “Villaroyo” nga ang kandidato sa pagkapangulo ng Partido Nacionalista.

Villarroyo

Kampo ng nangungunang kalaban ni Villar sa pagkapangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III ang unang gumamit ng terminong “Villarroyo.” Sa mga press release ng Partido Liberal, karaniwang ginagamit ang termino para tukuyin si Villar, at paratangang aktibong kasabuwat siya ng kasalukuyang administrasyon.

Noong Marso 25, halimbawa, naglabas si Chito Gascon, direktor heneral ng partido, ng press release na humahamon kay Villar at dating Executive Secretary ni Arroyo na si Eduardo Ermita na ihayag sa publiko ang laman ng sinasabing pag-uusap ng dalawa sa Mindanao.

Ang batayan ni Gascon: isang text message umano ang kumakalat sa publiko kaugnay ng plano ng dalawang panig na dayain ang eleksiyon sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Sabi sa naturang release: “Gascon said that he received the following SMS message recently: “Manny Villar met with Eduardo Ermita last month at UCC Corinthian Hills in QC to finalize the plan to forge 4m ballots in ARMM. Jess Dureza will oversee the operations to give Villar a landslide victory in ARMM just like GMA’s sweep in 2004 and Team Unity’s victory in 2007. Pls pass the people will know.””

Kaya hinihiling umano ni Gascon na ilantad na ang nilalaman ng sinasabing pag-uusap.

Noynoy Aquino at ang Partido Liberal: Tradisyunal na pulitika pa rin (Kontribusyon)

Hindi napakikinggan?

Hanggang sa kasalukuyan, lumalabas na puro haka-haka at tsismis ang lumaganap na akusasyong mayroong alyansa sa pagitan nina Arroyo at Villar. Pero sa kabila nito, nabibigyan ng espasyo at kredibilidad ang akusasyon dahil sa paulit-ulit na paggamit ng terminong “Villarroyo” ng kampo ni Aquino at ng masmidya.

Naniniwala rin ang progresibong mga kandidato sa pagkasenador at nangungunang mga oposisyunistang sina Satur Ocampo at Liza Maza na hindi sila naniniwala sa akusasyong “Villarroyo.” “Rep. Maza and myself and the Makabayan Coalition would not have agreed to be guest candidates of NP if we believed even for a second that Sen. Villar has ties with the Arroyos,” pahayag ni Ocampo.

Noong huling linggo ng Marso, matapos kumalas si Espiker Prospero Nograles Jr. mula sa administrasyong partido na Lakas-CMD at sa kandidato sa pagkapangulo na si Gilbert Teodoro, hinarap umano nina Ocampo si Villar para direktang tanungin hinggil sa patuloy na lumalaganap na mga tsismis. Nanindigan umano si Villar na wala siyang alyansa sa kasalukuyang administrasyon. Ang pagkalas ng mga politiko sa administrasyong partido ay dahil karaniwan nang ginagawa ng mga pulitiko na pumanig sa kandidatong mas may tsansang manalo.

Sa pahayag na inilabas ni Villar kaugnay ng samu’t saring akusasyon ng kampo ni Aquino, sinabi niyang nagtataka siyang siya ang napaparatangang maka-Arroyo habang maraming kamag-anak si Aquino sa administrasyon.

Kinuwestiyon din ni Villar ang presensiya ni Aquino noong panahon ng matitinding imbestigasyon ng Senado at Kamara laban kay Arroyo. “Nasaan si Aquino nang iniimbestigahan ang Hello Garci? Hindi ba’t hinarangan niya ang pagpapatugtog ng Hello Garci tapes upang protektahan ang kanyang kaalyadong si Gloria Arroyo?” tanong ni Villar.

Sa kabilang banda, sabi pa ni Villar, hinayaan niya ang mga imbestigasyon sa Senado laban kay Arroyo. “Mula sa fertilizer scam, Hello Garci, NBN-ZTE broadband deal, North at South rails, inimbestigahan ang mga ‘yan sa ilalim ng aking pamumuno bilang Senate President. Pinangunahan ng Partido Nacionalista ang pag-iimbestiga. Nasaan sila noon?”

Kinuwestiyon din ni Villar ang kawalan ng konsistent rekord na pagiging oposisyon ni Aquino at ang kandidato niya sa pagkabise-presidente na si Manuel “Mar” Roxas III. “Sa halip na tumulong ay nakiisa sila sa administrasyong Arroyo upang palitan ako bilang Senate President. Opo, nakiisa si Noynoy Aquino at Mar Roxas upang tanggalin ako sa puwesto. At nang sila na ang nakaupo, inimbestigahan ba nilang muli si Arroyo? Hindi,” ani Villar.

Malapit na alyado ni Arroyo si Aquino at ang Partido Liberal mula 2001 hanggang 2005. Mula taong 2005, wala ring matibay na ebidensiya na nagpapatunay na may alyansang Aquino at Arroyo.

Pero ang malinaw, wala nang kredibilidad sa publiko ang administrasyong Arroyo, at ginagamit ito ng kampo ni Aquino para siraan at pabagsakin ang kandidatura ng katunggali nito.

Eleksiyong 2010: Sining at kultura sa mata ng mga kalahok sa pagkapangulo
Ito ang ikasiyam sa serye ng mga artikulo sa Pinoy Weekly hinggil sa mga isyung bayan at ang mga paninindigan ng mga kandidato sa    pagkapangulo hinggil dito. Maglalabas kami ng serye ng mga artikulong    tulad nito hanggang sa bisperas ng eleksiyon sa Mayo 10, 2010.  Layunin   ng seryeng ito na ilantad sa publiko ang paninindigan at  rekord ng  bawat  kandidato sa pinaka-mahahalagang isyu ng bansa. Batay  dito,  maaaring  mahusgahan natin ang pipiliing kandidato para mamuno sa  atin  sa sunod na  anim na taon.

Mga insititusyon at alagad ng sining: apektado ng pulitikal na disposisyon. (PW File Photo)

Malinaw ang sinabi ni Gat Jose Rizal: “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa kanyang patutunguhan.” Na tila ba laging nagpapaalala sa ating lahat na huwag kalimutan ang ating nakagisnang pamumuhay, laluna ang ating kultura. Napakawastong baybayin ang nasambit ng pambansang bayani upang sinuhin ang nararapat na magiging susunod na pangulo ng ating bansa.

Sa pagsisiyasat sa ilang punto na magpapakita ng kanilang tindig ukol sa maaaring gampan ng sining at kultura sa pagsasabansa, makikilala natin kung sino ang may mahusay na pagtingin sa pagiging Pilipino bilang isang bansa. Siyasatin kung sino talaga ang lumilingon sa kanyang pinanggalingan.

‘Kaluluwa ng bayan’

Gibo Teodoro, nangangampanya sa Mandaluyong City. (Mula sa Facebook page ni Gibo Teodoro)

Mababalikan na itinaguyod ni Villar ang Republic Act 8003 “Declaring Certain Areas in Las Piñas as Tourist Spots” upang mapaganda at maipakilala ang Las Piñas bilang puntahin ng mga turista, lalo na ang tanyag na Bamboo Organ. Ayon sa Ibon Foundation, ipinangako ni Villar na itaguyod at paghusayin ang sining at kultura “upang hindi mawala ang kaluluwa ng bayan.”

Ngunit mahusay man ang kanyang naisagawang proyekto para sa kasaysayan, iba naman ang kanyang tindig ukol sa pambansang wika. Mas pabor siya sa pagpapatibay ng wikang Ingles bilang wika sa pagtuturo.

Samantala, sinabi naman ni Gilbert Teodoro ang sumusunod: “(W)e tried to ‘Filipinize’ everything, but we must be proud of our diversity. There’s still a lot of bigotry and prejudice in the country. Culture should be a tool for state building.” Para sa kanya, ang wikang Filipino ang siyang dapat maging kasangkapan sa pagtuturo laluna para sa agham, na aniya’y magtutulak sa modernisasyon ng bansa. Kasama sa kanyang adhika ang pagpapakilala sa literacy sa mababang antas ng edukasyon, kasama ang literacy sa nakagisnang wika.

Ang paniwala naman ni Richard Gordon, matatag na liderato na lalaban sa korupsiyon, nakatuon sa mga problema ng bansa, at hindi magkakamaling baluktutin ang mga batas para sa naghaharing-uri ng bansa o kahit pa sa dayuhan. Ngunit hindi malinaw sa kanyang plataporma ang mga punto kung paano niya gagawin, at kung ano ang magiging papel ng sining at kultura sa pag-abot ng kanyang tamasa.

Pambansang wika para sa edukasyon

Bro. Eddie Villanueva. (Kontribusyon)

Matibay naman ang paninindigan ni Eddie Villanueva sa pagpapalaganap sa patriyotismo bilang “way of life at hindi basta retorika,” at ang pangangailangan ng pagpapanatili ng pagmamahal sa bansa laluna sa susunod na henerasyon. Para sa kanya, mahalaga ang pambansang wika sa larangan ng edukasyon.

Tulad ni Villanueva, naniniwala si Ma. Consuelo “Jamby” Madrigal na pangunahing wika dapat ang pambansang wika sa instruksiyon sa paaralan. Sa kanyang binitiwang pangako para sa bayan, aakuhin niya ang pagpapalaganap ng malalim na nasyonalistang edukasyon at aktitud laluna sa pambansang nasyonalistang ekonomiya.

Eleksiyong 2010: Sino ang may pinakaberdeng plataporma?
Ito ang ikawalo sa serye ng mga artikulo sa Pinoy Weekly hinggil sa mga isyung bayan at ang mga paninindigan ng mga kandidato sa    pagkapangulo hinggil dito. Maglalabas kami ng serye ng mga artikulong    tulad nito hanggang sa bisperas ng eleksiyon sa Mayo 10, 2010.  Layunin   ng seryeng ito na ilantad sa publiko ang paninindigan at  rekord ng  bawat  kandidato sa pinaka-mahahalagang isyu ng bansa. Batay  dito,  maaaring  mahusgahan natin ang pipiliing kandidato para mamuno sa  atin  sa sunod na  anim na taon.

Mga biktima ng bagyong Ondoy noong Setyembre 2009: biktima rin ng maling mga polisiya sa pangangalagan ng kalikasan. (Jeffrey Ocampo/PW File Photo)

Sariwa pa sa isip ng bansa ang hagupit ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong nakaraang taon. Ilang oras nang tuluy-tuloy na ulan na nagresulta sa pag-apaw ng mga ilog at pagbaha, pagguho ng lupa, at pagkamatay ng ilandaang bilang ng mga tao. Isa ang climate change sa itinuturong mga dahilan sa mga kalamidad na ito, na dahil na rin sa pag-abuso ng tao sa kapaligiran.

Kabilang dito ang malakihang pagmimina, malawakang pagkakalbo ng mga bundok dahil sa pagtotroso, nakalalasong kemikal na ibinubuga ng mga industriya at iba pa. Kasabay din nito ang pagpagkasira ng kalikasan at buhay at kabuhayan ng mga mamamayang nakatira sa mga bundok o dagat, lalo na ang mga katutubo. Nitong mga nakaraang taon, naging saksi ang ilang residente sa Albay sa pagkalason ng kanilang ilog at pagkamatay ng mga isda dahil sa pagtagas ng kemikal mula sa isang minahan doon.

Kaya bilang isa sa pinakabulnerableng bansa sa sinasabing mga mga epekto ng climate change, at kaalinsabay na rin ng pagsisimula ng isang linggong aktibidad ng mga aktibistang pangkalikasan ng sa pagdiriwang ng Earth Day, nararapat lamang na bigyang-pansin ng mga tumatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas ang usapin ng pagharap sa krisis ng kalikasan.

Tutol sa Mining Act of 1995

Manny Villar ng Nacionalista Party (Kontribusyon)

Naniniwala si si JC De Los Reyes na dapat kanselahin ang Mining Act of 1995 at dapat magkaroon ng istriktong mga polisiya partikular sa malawakang pagmimina para maiwasan ang pagkawasak ng kalikasan. Nangangako siya ng isang ligtas, malinis, malusog at kaaya-ayang kapaligiran sa pamamagitan ng zero waste management at pagpapaunlad ng mga parke sa buong bansa.

Dapat wakasan na ang pagwasak sa kagubatan, kalupaan, karagatan at himpapawid ng Pilipinas para sa pagtotroso, pangingisda para sa eksport at pagtambak ng nakalalasong mga agro-kemikal, petrolyo at produktong uling sa bansa at kalikasan, kung si Sen Jamby Madrigal ang tatanungin. Isinusulong ni Madrigal na parusahan ang mga dayuhang kompanya at gobyerno gayundin ang mga pulitikong nagpoprotekta sa mga nauna sa pagwasak sa likas na yaman ng bansa sa mahabang nakalipas.

Naniniwala si Madrigal na dapat itaguyod ng gobyerno at mga mamamayan ang isang tunay, at hindi pabalat-bungang, paglipat sa renewable energy, tunay na konserbasyon ng kagubatan, organikong pagsasaka at zero waste management. Dapat din aniyang pangunahan at suportahan ng gobyerno ang industriya at mga proyekto sa enerhiyang nanggagaling sa hangin at araw at dapat na pag-aari at pinatatakbo ng mga Pilipino.

Bilang senador, naghain si Madrigal ng panukalang batas para ipawalang-bisa ang Mining Act of 1995 at nagpanukalang ipataw ang total log ban.

Pabor naman sa pagpasa ng Alternative Ming Bill si Nicanor Perlas at tumutuligsa rin sa Minig Act of 1995. Nangangako rin siyang ireregularisa ang pagmimina sa bansa para hindi ito makasira sa kalikasan at mga mamamayan. Bibigyan din niya ng prayoridad ang mga maliitan at pag-aari ng komunidad na pagmimina na ligtas para sa ekolohiya at responsable sa lipunan.

Naniniwalang dahil sa bulnerabilidad ng Pilipinas sa climate change, nais ni Eddie Villanueva na magkaroon ng komprehensibong istratehiya sa climate change sa lalong madaling panahon. Kabilang sa estratehiyang ito ang komprehensibong pagpigil sa baha sa Metro Manila at iba pang sentrong siyudad, modernong mga kagamitan at karagdagang tauhan ng Pagasa o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ipinapangako rin ni Villanueva na magpapatupad ng moratorium sa malawakang pagmimina hanggang handa na ang mga Pilipino na magkaroon ng sariling mga proyektong pagmimina na magpoprotekta sa kalikasan.

Eleksiyon 2010: Diskarte sa panlipunang serbisyo ng susunod na pangulo
Ito ang ikapito sa serye ng mga artikulo sa Pinoy Weekly hinggil sa mga isyung bayan at ang mga paninindigan ng mga kandidato sa    pagkapangulo hinggil dito. Maglalabas kami ng serye ng mga artikulong    tulad nito hanggang sa bisperas ng eleksiyon sa Mayo 10, 2010.  Layunin   ng seryeng ito na ilantad sa publiko ang paninindigan at  rekord ng  bawat  kandidato sa pinaka-mahahalagang isyu ng bansa. Batay  dito,  maaaring  mahusgahan natin ang pipiliing kandidato para mamuno sa  atin  sa sunod na  anim na taon.

Pagsusunog ng mga upuan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas: protesta laban sa pagpapabaya ng gobyerno sa sektor ng edukasyon. (Arkibong Bayan)

Isa sa pinakalantad na palatandaan ng pagkayupapa ng bansa sa dayuhang kontrol ang estado ng panlipunang serbisyo ngayon. Kasi naman, lahat ng dayuhang pampinansiyang mga ahensiya na pinagkakautangan at/o kinapapalooban ngayon ng gobyerno ay may kondisyong dapat bawasan ang gastos o isapribado ang pagbibigay ng mga serbisyong ito. Mula World Bank at International Monetary Fund hanggang World Trade Organization, lahat ay nagtutulak sa ating pamahalaan at sa mga pamahalaan ng iba pang maralitang mga bansa na nakapailalim sa kanila na buksan ang industriya ng pagbibigay serbisyo sa dayuhang kapital.

Kung kaya, hindi kataka-taka na magmula panahon ni Ferdinand Marcos hanggang kay Arroyo, papaunti ang inilalaang badyet ng gobyerno para sa edukasyon, kalusugan, at pabahay. Samantala, papalaki ang utang at papalaki ang bahagi ng badyet na inilalaan sa pagbayad sa utang.

Tingnan na lamang ang napakalaking diperensiya: Ayon sa Ibon Foundation, P6.35 lamang ang ginagastos ng gobyerno sa edukasyon ng bawat Pilipino ngayong taon. Umabot sa P1.10 naman ang  ginagastos nito sa kalusugan ng bawat Pinoy, at 16 sentimos sa pabahay ng bawat Pinoy. Samantala, gumagastos naman ang gobyerno ng P21.75 sa bawat Pilipino para sa pambayad ng utang panlabas.

Sa mga patalastas ng mga kandidato sa pagkapresidente ngayon, madalas na naisasambit ang mga salitang “edukasyon,” “kalusugan” at “pabahay.” Aasikasuhan daw nila ang pagpapaunlad ng tatlong serbisyong panlipunan na ito. Pero ano ang totoong tindig nila sa serbisyong panlipunan? Ipagpapatuloy ba nila ang tila bulag na pagsunod sa dikta ng dayuhang mga ahensiyang pampinansiya? O pangungunahan nila ang pagtalikod dito?

Malabo

Sa lahat ng mga kandidato sa pagkapresidente, si Sen. Noynoy Aquino ang walang malinaw na tindig hinggil sa debt servicing at paglaan ng badyet sa serbisyong panlipunan. Wala ring malinaw na posisyon si JC delos Reyes hinggil dito, bagamat dati na niyang sinabing kailangang tukuying kung aling utang panlabas ang “kailangang bayaran” at alin ang maaaring pakiusapan kung puwedeng hindi na bayaran.

Samantala, malinaw naman ang tindig ni Gilbert Teodoro sa isyu ng paglaan ng badyet sa serbisyong panlipunan: panatilihin kung ano ang nakagawian. Bilang kongresista, konsistent niyang ipinaglaban ang pagtaas ng badyet sa militar, na pinakamalaking bahagi ng badyet na ipinaglalaanan matapos sa pambayad-utang.

Naniniwala si Teodoro na “mabuti” ang pangungutang sa labas, hangga’t mainam na nagagamit at nailalaan ang pondo na inuutang.

Para naman kay Nicanor Perlas III, kailangang tukuyin kung alin sa mga utang panlabas ang “lehitimo” at alin ang “elihitimo.” Kung magwagi bilang pangulo, sinabi niyang pagtatrabahuan niya ang pagtanggal ng awtomatikong paglalaan ng pondo para sa pambayad sa “elihitimong” mga utang.