
Kinondena ng Migrante International ang di-makatarungang pagkaladkad at pagpauwi sa Pilipinas kay Michel Catuira, isang Overseas Filipino Worker (OFW) at lider-unyonista ng Seoul-Gyeonggi-Incheon, noong ika-30 ng Abril ng imigrasyong South Korea sa Inchion Airport ng Seoul
May 11 2012 | Posted in
Balita,
OFW |
Read More »

Dismayado ang Migrante International sa Middle East sa pagkakasibak sa puwesto kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Carlos Cao Jr. Sinabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, na ipinagtataka nila kung bakit tinanggal ng administrasyong Aquino sa kanyang tungkulin sa pagsisimula ng taon si Cao. Itinuturing umano ng Migrante si Cao [...]
Jan 10 2012 | Posted in
Balita,
OFW |
Read More »

Sa pagbitay na naman sa isang Pilipino sa Tsina, muling binigyang-liwanag ng Migrante International ang polisiya ng gobyerno na pag-eksport sa lakas-paggawa. Nakiisa rin ang Migrante sa mga kabataan at iba pang sektor na nagkakampo sa Bustillos dahil “sawang-sawa” na sila sa “bulok na sistema.”
Dec 8 2011 | Posted in
Lathalain,
OFW |
Read More »

Nakatakdang bitayin sa darating na ika-8 ng Disyembre ang isa na namang Pilipino sa Tsina. Sinasabing may dalang 1.495 kilograms ng heroin galing Malaysia nang mahuli ito noong September 13, 2008 sa Guilin International Airport. Habang tanging pagkabahala lamang sa lumalaking bilang ng mga nagiging drug mule ang kayang gawin ng gobyerno, nananatili namang kapos [...]
Dec 5 2011 | Posted in
OFW,
PED XING |
Read More »
Makipag-patintero sa Tomahawk missiles. Mabuhay ng isang taon na halos walang kinakain habang binubugbog. Tumira malapit sa isang plantang nukleyar na dumadanas ng ‘meltdown’. Pumayag maging ‘drug mule’ sa isang bansa na hindi kilala sa pagrespeto sa mga karapatang pantao. Parang bagong palabas sa TV, pinagsamang ‘Survivor’ at ‘Fear Factor’ at ‘MTV Jackass’.
Balisa ang mga kaanak at tagasuporta ni Sally Ordinario-Villanueva, dahil maaaring bitayin na si Sally ngayong umaga ng Marso 30. Para sa Migrante International, isang malungkot at nakakagalit na halimbawa na naman ito ng matinding pagpapabaya ng gobyerno sa mga Overseas Filipino Worker na nasa panganib sa ibayong dagat.
Mar 30 2011 | Posted in
OFW |
Read More »
Biktima sila ng human trafficking sa bansang Jordan: inalipin, pinahirapan, minolestiya, ginahasa. Pero matapos makatakas sa kanilang abusadong mga amo, kahit ang mga opisyal ng pamahalaa’y inaabuso din umano sila. Giit ng mga kaanak nila: Agarang pauwiin ang mga biktima. At bigyang hustisya ang nangyari sa kanila.
Pinangunahan ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela Philippines, ang pagdiriwang para sa unang taong anibersaryo ng Gabriela-Hong Kong kamakailan. Sinabi ni Linaban na kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa kababaihang Pinay sa Hong Kong para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes ng buong sambayanang Pilipino.
Sep 22 2010 | Posted in
OFW |
Read More »
Hindi po tayo magkakilala at hindi ko alam ang iyong pinagdaraanan. Hindi tulad ng iba, wala po akong karapatang maghusga.
Sep 18 2010 | Posted in
(Kolum),
Konteksto |
Read More »
Nagngingitngit ang mga mamamayan ng Hong Kong sa kapalpakan ng gobyernong Aquino na mapayapang resolbahin ang hostage crisis noong Agosto 23. Pinagbubuntunan nila ng galit ang walang-kasalanang mga migranteng Pinoy sa HK.