Pinoy Weekly » migrant rights

Migrante, nadismaya sa pagsibak sa ‘sinserong’ administrador ng POEA
Dating POEA Administrator Carlos Cao Jr.

Dismayado ang Migrante International sa Middle East sa pagkakasibak sa puwesto kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Carlos Cao Jr.

Sinabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, na ipinagtataka nila kung bakit tinanggal ng administrasyong Aquino sa kanyang tungkulin sa pagsisimula ng taon si Cao.

Itinuturing umano ng Migrante si Cao bilang isa sa iilang “bukas ang isipan at sinsero” sa pakikitungo sa mga migrante, sa lahat ng naging mga hepe ng POEA.

“Bago pa lang siya sa kanyang tungkulin, ngunit nakita na namin ang kanyang sinseridad at mabuting mga hangarin para sa mga OFW. Katunayan, agad siyang nagsagawa ng mga konsultasyon sa amin upang malaman ang aming mga interes at kahilingan,” paliwanag ni Monterona.

Sinabi naman ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na sa maiksing panunungkulan ni Cao, nakipagkaisa ang POEA sa mga migrante para labanan ang mga kaltas-badyet sa serbisyo sa mga migrante at para sa mas mataas na subsidyo sa mga serbisyong OFW.

“Pinayagan pa nga niya kaming magtayo ng petition-signing booths sa POEA,” sabi pa ni Martinez.

Inalis si Cao sa kanyang puwesto noong Enero 1, matapos ang isa lamang taon ng panunungkulan. “Please give me some dignity,” naibulalas diumano ni Cao, sa kanyang pagkakasibak sa hindi pa malinaw na kadahilanan.

“I was informed verbally a few days ago by higher-ups at DOLE (Department of Labor and Employment) that they want to replace me,” ang saad ni Cao noong nakaraang Disyembre, “but I have not received anything from the Office of the President.”

Wala ring agarang naging pahayag si maging si Labor Secretary Rosalinda Baldoz ukol sa pagkakasibak sa puwesto ni Cao.

Gayunman, sinabi ni Cao na ikinagagalak niya ang mga pahayag ng Migrante. “These are little things but these are what our workers appreciate. I think I’m the only POEA chief who has not been picketed by our workers. ’Yung iba, nirarali araw-araw,” ani Cao.

Sinabi ni Cao na sa ilalim ng kanyang panunungkulan, nagkaroon ng 3.74 porsiyentong pagtaas ng depolyment sa mga OFW— aabot sa halos 1.5 milyon mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon, kumpara sa halos 1.4-M noong 2010. Tumaas rin ng 7 porsiyento ang remitans ng mga OFW: $15.4 Bilyon noong Enero hanggang Oktubre 2010 tungo sa $16.5-B noong nakaraang taon.

Si Labor Undersecretary Hans Cacdac ang nakatakdang humalili kay Cao sa ahensiya.

Pagbitay sa Pinoy sa Tsina: Migrante ‘sawang sawa’ sa pagpapabaya sa OFWs
Napaiyak ang ina ni Sally Ordinario-Villanueva matapos ang anunsiyong binitay na ang Pinoy na nasa death row sa Tsina. Si Sally ay isa sa tatlong Pilipino na binitay sa Tsina noong Marso 2011. (Macky Macaspac)

“Nananalangin kaming ito na ang huling pagbitay na magaganap.”

Nagsunog ng effigy ng eroplanong sumisimbolo sa Labor Export Policy ng administrasyong Aquino ang mga militante at Migrante International. (Darius Galang)

Sabi ito ni Raul Hernandez, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs, ilang saglit lamang matapos ang ideklarang binitay na nga si “Pinoy1,” isang Pilipinong nahatulan ng kamatayan dahil sa drug trafficking sa Tsina.

Pero sa Bustillos, Manila kung saan nagrarali ang mga tagasuporta at kaanak ng Overseas Filipino workers (OFW), nanggagalaiti si Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International. “Ano naman ang magagawa niyan? Apat na ang naging biktima ngayong taon,” reaksiyon ni Martinez sa pahayag ng DFA.

Alas-12:30 ng hapon ang opisyal na oras ng pagbitay kay “Pinoy1,” inanunsiyo ni Vice Pres. Jejomar Binay. Sa Bustillos, nag-alay ng isang minutong katahimikan ang Migrante, kasama ang mga kabataan at iba pang sektor na nagkampo sa lugar, kaalinsabay ng CampOut Mendiola na dinahas at pinigilang makarating ng Mendiola noong Disyembre 6 at 7.

Galit na galit ang mga migrante dahil ito na nga ang pang-apat na binitay na Pinoy sa Tsina, matapos bitayin din ang tatlong Pinoy noong Marso 2011. “Nakakagalit at nakakasawa na ang ganitong balita,” ani Martinez. Hindi na umano nakakagulat, pero nakakagalit pa rin ang labis na kakulangan ng suporta sa mga nasa death row, at kahit pa sa mga tinaningan na ng bitay.

Maipapamalas sa mga pahayag ni Pangulong Aquino ang paghugas-kamay ng administrasyon sa masamang sinasapit ng mga OFW, kahit na ito pa ang kauna-unahang nagtutulak sa mga Pinoy na mangibang-bansa. Sinabi kasi kamakailan ni Aquino na “personal choice” daw ang pagtungo sa ibang bansa upang magtrabaho.

Pero malinaw, ani Martinez, na “salamin lamang ito (pangingibang-bansa para magtrabaho) ng kawalan ng trabaho sa bansa.”

Mistulang dagdag-insulto pa ang pagsabi ng DFA na “hindi OFW” ang binitay na Pinoy ngayon. Hindi raw siya tumungo sa Tsina para magtrabaho. Pero malinaw sa Migrante na kawalan ng trabaho at kawalan ng oportunidad sa Pilipinas ang nagtutulak sa mga tulad nina “Pinoy1,” Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain na lumahok – kung totoo man – sa ilegal na gawain ng drug mules.

“Iisa ang sinasabi ng mga taong nakapila sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) kung bakit nila pinili na lumabas ng bansa. Ito’y ang kawalan ng trabaho sa loob ng bansa. Hindi sila lalabas ng bansa kung may tunay na industriya sa bansa,” nagpupuyos na dugtong ni Martinez.

Sinabi pa ni Martinez na pito sa sampung pamilya ang may kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Anim naman bawat araw ang iniuuwing bangkay araw-araw. At ito pa umano ang kagimbal-gimbal: “Sa tala, 122 na ang hinatulan na ng kamatayan sa iba’t ibang panig ng mundo,” ani Martinez.

Martsa ng Migrante mula Espana Avenue patungong Bustillos para ikondena ang pagbitay sa Pinoy sa Tsina at ang Labor Export Policy na ipinapatupad pa rin ng administrasyong Aquino. (KR Guda)

May iginigiit na mga hakbang ang Migrante para upang mapangalagaan ang mga manggagawang nangibang-bansa. Isa na rito ang mas mataas na subsidyo sa OFWs, gayundin ang pagprayoritisa sa serbisyong panlipunan sa pambansang badyet.

Sinabi pa ni Martinez na kailangan ding palakasin ang suporta sa legal assistance para sa mga may kaso sa ibang bansa. “May mga hinatulan sa ibang bansa ngunit walang abogado,” saad ni Martinez. Dugtong pa niya ang tunay na reintegrasyon ng mga umuwing OFW, at hindi ang mga pautang na ibinibigay ng pamahalaan.

Samantala, hangga’t di ito natutupad, ipinagpapatuloy ng Migrante ang pagkondena sa administrasyong Aquino. Sa Disyembre 18, maglulunsad ng “Zero Remittance Day” ang organisadong mga migrante nasa ibang bansa. Porma ito ng protesta nila sa pambubusabos sa mga manggagawang lumalabas ng bansa upang magtrabaho.

Ang Migrante International naman, nakikiisa sa kabataan at iba’t ibang sektor na nagkakampo sa Bustillos – dapat daw sa Mendiola – para ikondena ang “bulok na sistema” na nagpapayaman sa isang porsiyento ng populasyon habang sadlak sa kahirapan ang 99%.

(May ulat si Macky Macaspac)

Bagong bayani
Nakatakdang bitayin sa darating na ika-8 ng Disyembre ang isa na namang Pilipino sa Tsina.  Sinasabing may dalang 1.495 kilograms ng heroin galing Malaysia nang mahuli ito noong September 13, 2008 sa Guilin International Airport.

Habang tanging pagkabahala lamang sa lumalaking bilang ng mga nagiging drug mule ang kayang gawin ng gobyerno, nananatili namang kapos ang mga hakbangin nito para bawasan ang mga mamamayan nitong napipilitang umalis ng bansa at pumasok sa mga iligal na gawaing tulad ng pagdadala ng droga.

Nakatakdang sanang lumipad papuntang Beijing ang pangalawang pangulo ng bansa dala ang letter of appeal mula kay Pangulong Noynoy Aquino, subalit napaulat na tinanggihan na ito ng gobyerno ng Tsina.

Samantala, sinabi ng DFA na ginawa na nila ang lahat para sa na-convict nating kababayan.

Disyembre

Rustum Casia

kinakaladkad ng marami

para pabilisin ang mga hakbang

ng mga araw ng disyembre.

at sa bawat pagitan at patlang;

hahanapin kahit saan

ng isang binatang bibitayin

sa tsina ang kahit na pinakamaliit na tsansang

magpapahinto dito.

­­Si Rustum Casia ay isa sa mga nagtatag ng grupong Kilometer 64 Poetry Collective. Aktibong miyembro ng United Church of Christ in the Philippines. Kasapi rin siya ng Artists Arrest at Concerned Artists of the Philippines.

Contemplacion sa Ordinario

Richard Gappi

I.

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

ay kumukolekta ng $25 sa bawat nakarehistrong OFW.

Itinatakda ng Migrant Workers Act na P100 million

dapat ang ilaan para sa legal assistance ng mga OFW.

Bago maupong pangulo, P50 milyon

ang pondo na inabutan ni Pangulong Aquino

para sa legal assistance ng mga OFW.

Ngayong 2011,

ang budget na nakalaan dito ay P27 milyon.

II.

Tatlong taon nang nakakulong

sa China si Sally Ordinario-Villanueva.

Nitong huling buwan o tatlong araw lang ba,

bago siya bitayin,

nalaman ng mga kinauukulan na siya

ay niloko at nagamit lamang

ng mga sindikato ng droga at kriminal?

III.

Remittance ng mga OFW mula sa Mainland China noong 2008:

4,669 US dollars

Remittance ng mga OFW mula sa Mainland China noong 2009:

12,937 US dollars

Remittance ng mga OFW mula sa Mainland China noong 2010:

21,596 US dollars.*

Kabuuang remittance ng mga OFW sa bansa noong 2008:

16,426,854 US dollars

Kabuuang remittance ng mga OFW sa bansa noong 2009:

17,348,052 US dollars

Kabuuang remittance ng mga OFW sa bansa noong 2010:

18,762,989 US dollars.

IV.

Narinig ko ang balita.

Nalungkot ako.

Pagkatapos,

nagalit ako.

Kaya ako nakatula.

Marahil,

sa pagitan ng

lungkot at galit ay

ang tula:

ang pag-ibig.

Ang nalulungkot

ay nakakagawa ng tula.

Ang nagagalit

ay nakakagawa ng tula.

Ngunit ang pinakamagandang tula

ay ang tula ng pag-ibig.

5:47PM, Miyerkules, 30 Marso 2011

Sa Garahe ni Pedro

Angono, Rizal, Pilipinas

(Ang mga figures (in thousand) ay mula sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas na makikita sa http://www.bsp.gov.ph/statistics/keystat/ofw.htm)

Si Richard R. Gappi (“Gappi” o “Sir Gappi” kung tawagin ng mga kakilala at kaibigan) ay nagtapos sa UP Diliman ng kursong B.A. Philippine Studies (major ang Political Science at History) kung saan kumuha rin siya ng ilang yunit sa M.A. Creative Writing (major in Poetry). Dating lider estudyante, manunulat at naging editor ng Philippine Collegian noong siya ay nasa UP pa. Isa siyang manunulat, makata, mamamahayag, manggagawang pangkultura, at guro ng Mass Communication at Malikhaing Pagsulat.

A LAND IN PIECES

Alexander Martin Remollino

We are a land in pieces scattered across the continents.

Wherever in the world we set our feet upon,

we are likely to reachsome spot

that is no doubt the Philippines.

There’s a piece of the Philippines

in a store in Melbourne,

in a park in Hong Kong,

in the desert of the Middle East,

in a hospital in London or New York or California,

in a house in Singapore or Canada,

in a night spot in Bangkok or Tokyo.

The Philippines is a dot on the map of the world

and yet it is all over the world.

We are a people trying to find our homes

in all places where homesickness

is a constant companion.

We are a people striving to live like humans

in places where we’re looked upon as beasts of burden.

And so we will always be

as long as the life that’s fit for humans

remains in the native land a favor to the few.

Si Alexander Martin Remollino ay isinilang noong Agosto 6,1977 sa Mandaluyong. Nag-aral ng Legal Management sa University of Santo Tomas. Ang kanyang mga tula ay lumabas na sa Arkibong Bayan, frictionmagazine.com, Emanilapoetry.com, Matanglawin.org, Poets Against the War, at sa mga chapbook ng KM64. Nagsulat din siya para sa online newsmagazine na Bulatlat.com. Naging bahagi din siya ng Bagong Alyansang Makabayan bilang public information staff at researcher. Pumanaw siya noong Setyembre 3, 2010.

Dead Generation Walking
Makipag-patintero sa Tomahawk missiles. Mabuhay ng isang taon na halos walang kinakain habang  binubugbog. Tumira malapit sa isang plantang nukleyar na dumadanas ng  ‘meltdown’. Pumayag maging ‘drug mule’ sa isang bansa na hindi kilala sa  pagrespeto sa mga karapatang pantao. Parang bagong palabas sa TV,  pinagsamang ‘Survivor’ at ‘Fear Factor’ at ‘MTV Jackass’.

Pero  hindi ito showbiz. Ito ang buhay ng mahigit 15 milyong OFWs ngayon na  brutal na isiniwalat ng pagbitay sa tinaguriang ‘China 3′.

May  iba na pilit tinatapos ang usapan sa pangangatwiran na nilabag naman  talaga ng tatlo ang batas at hindi puwedeng baluktutin ng Tsina ang  kanilang batas dahil lamang sa kahilingan ng ibang bansa, lalo na ang  isang mala-kolonya ng kanilang mortal na kaaway. Hindi daw ito katulad  ng kaso ni Flor Contemplacion, isa pang OFW na binitay naman nung 1995  sa Sinagpore. Tulad ni Senador Miriam Santiago, nagawa na daw ng  gobyerno ang lahat ng makakaya nito.

Bakit  mo nga ba mulat na ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan para lang  kumita? Kung tatanungin mo sarili mo, sigurado ako na ang karamihan ay  isasagot ay ‘kung wala ng ibang pagpipilian’. At yun nga mismo, wala ng  ibang pagpipilian ang marami sa ating mga kababayan. Pito sa sampung  magsasaka ay walang sariling lupa. May apat na milyong walang trabaho  (may hocus-pocus pa ito). Pinagkakasya ng 65 milyong kababayan natin ang  halagang P112, 0 mas mababa, kada araw. At mismong ang gobyerno ang  nagtutulak sa atin na mangibang-bansa sa ilalim ng ‘Labor Export  Policy’: pag-iba ng kurikulum para mas ‘globally competitive’ tayo,  magtayo ng mga paaralan kung saan sinasanay ka para sa mga trabahong  kailangan ng ibang bansa, binabandera tayo bilang ‘bagong bayani’,  walang ibinibigay na disenteng hanapbuhay dito, atbp.

Sa  isang banda, ang isa sa mga may malaking pananagutan ay wala na sa  Palasyo. Sa Kongreso na kasi siya naghahasik ng lagim. Pero kung gayun,  bakit wala pa ring nagaganap na pagbabago sa ilalim ng bagong pangulo?

Matagal  ng pinupuna ang ‘Labor Export Policy’ sa ilalim ni dating pangulong  Gloria Arroyo, at ang hindi pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya bilang  pagmumulan ng mga trabaho. Hindi na bago ang mga mungkahi ng mga  progresibong grupo: tunay na reporma sa lupa, pagsasabansa ng mga susing  industriya, pagkontrol ng mga gastusin ng mga lokal na maliliit na  empresa, mas mataas na pondo at iba pang pagpapaunlad ng sektor ng agham  at teknolohiya, atbp.

Noong  nakarang eleksyon, sa pagluklok kay Pinoy sa puwesto, at pagkatapos,  hindi rin nagkulang ang mga nasabing grupo sa pagpapaalala sa kanya.  Ngayon, pagkatapos ibitay ang Tatlo, totoo ba ang mga salitang ‘Ginawa  namin ang lahat’?

1. Reporma sa lupa – Walang aksiyon hinggil sa Hacienda Luisita

2. Pagsasabansa ng mga  industriya – Hawak pa rin ng ‘Big 3′ ang lokal na industriya ng langis,  nasa pribadong kamay ang Meralco at mga IPPs (independent power  producers), puro dayuhan na ang may hawak sa mga minahan

3. Pagkontrol sa presyo – Oil at iba pang price hikes, may kailangan pa ba akong sabihin pang iba?

4. Pagpapaunlad sa sektor ng agham at teknolohiya – Pinalitan lang ang pinuno ng Pagasa.

Kaya  hindi limitado ang usapin ng ‘China 3′ sa usaping legalidad. Hindi man  ang kasalukuyang administrasyon ang nasa kapangyarihan nung naisip nila  Sally, Ramon, at Elizabeth na makipag-sapalaran, pinagpapatuloy pa rin  ni Noynoy ang mga patakaran at polisiya na nag-anak sa mga  sirkumstansiyang nagtulak sa Tatlo. Sa madaling salita, milyun-milyon pa  rin sa atin ang sumusunod sa kanilang yapak, dahan-dahang naglalakad,  habang hawak ang kamay ni Noynoy!

Napansin  nyo ba? Buong umaga, puro si Bise-Presidente Binay o ang mga  tagapagsalita ng Palasyo ang naiinterbyu. Alam nyo ba asan si Noynoy?  Una, nasa di-puwedeng-maistorbong pulong kasama ang mga opisyales ng U.S  at ASEAN, at pagkatapos, kasama ang mga obispo na sinusubukan niyang  sipsipan. Pagkatapos, lalabas nalang siya at iaanunsyo na bibigyan niya  ng iskolarship ang mga anak ng mga ibinitay.

Angkop  na imahen sa panunungkulan ni Aquino: namamamatay ang mga karaniwang  Pilipino habang nakikisalamuha siya sa mga elitista at dayuhan.  Pagkatapos, magbibigay siya ng konsuelo-de-bobo. Palakpakan.

Pagsagip sa buhay ni Sally Ordinario, hiniling sa vigil ng kaanak, Migrante
Nag-alay ng pagrorosario ang kabataan sa kapilya malapit sa bahay ng mga Ordinario sa Freedom Park, Batasan Hills sa Quezon City. Isa ito sa mga isinagawang mga pag-aalay na dasal para kay Sally Ordinario-Villanueva, na naghihintay ng hatol na kamatayan bukas ng alas-nuwebe ng umaga sa kasong pagpupuslit diumano ng droga sa bansang China. Sinabi ni Sally na hindi kanya ang nakapuslit na droga, ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga awtoridad ng naturang bansa. (Darius Galang)

Nagsalita si Garry Martinez ng Migrante Internasyunal ukol sa kalagayan ng magkapatid na Jefferson at Sol Ordinario, mga kapatid ni Sally. Aniya, lumubha ang emosyonal na kondisyon ng magkapatid sa paglapit ng takdang oras ng pagbababa ng hatol ng bansang China para sa kanilang kapatid. (Darius Galang)

Lumipat ang vigil sa harapan na mismo ng bahay ng mga Ordinario. Pagpapakita ito, sabi ni Martinez, ng pakikiisa at pakikidalamhati sa pamilya ni Sally, at masamahan sila sa malungkot na magdamag na ito. (Darius Galang)

Simpatiya at pakikiisa rin ang ipinakita ng mga kapitbahay ng mga Ordinaryo. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng pagtatali ng puting laso sa harapan ng kanikanilang mga bahay, maging sa harapan ng tindahan na ito. (Darius Galang)

Bahagyang nakabukas ang pintuan ng tahanan ng mga Ordinario. Hindi na pinaunlakan ang media na makapasok sa bahay, kasama na sa ilang paghihigpit na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang pahupain ang matinding emosyon na nararamdaman ng mga kapatid at asawa ni Sally. Ngunit nasa loob na rin naman ang ilang personahe tulad nina Martinez at Renato Reyes Jr. ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) upang magbigay ng moral na suporta. (Darius Galang)

Pakikiramay ang ipinakita ng mga kapitbahay ng mga Ordinario sa matinding emosyonal na pasakit na dinaranas ngayon nina Jefferson (nasa dulong kanan). Ayaw niyang magsalita pa ngunit nagsabi na lang siya na "matinding emosyon na ang nararamdaman namin." Sa maikling pakikipag-usap ng Pinoy Weekly sa kanya, nalaman na may nakahandang respirator para kay Sol, antabay sa maaaring maging atake ng asthma. (Darius Galang)

Nakiisa si Martinez sa kape na inihanda ng kapitbahayan para sa mga nagpuntahang mediamen at mga kasapi ng progresibong mga  grupo tulad ng Gabriela at Migrante na dumalo sa vigil. (Darius Galang)

Pangangalakal ng kababaihang OFW sa Jordan
Venus Soliven, migranteng biktima sa Jordan. (Photo courtesy: Migrante International)

Wala pang isang linggo ipinroseso ng recruitment agency ni Venus Soliven ng Buguey, Cagayan Valley, ang kanyang pangingibang-bansa. Akala ni Venus, ngayo’y 24 anyos, na sa Hong Kong siya magtatrabaho bilang domestic helper. Ngunit sa huli’y napadpad siya sa bansang Jordan sa Gitnang Silangan sa bisa ng isang tourist visa. Sa kanyang papeles, businesswoman ang pagpapakilala sa kanya.

“Wala akong kamuwang-muwang noon. Kaya naman pala pagdating sa immigration, pinagmamadali kami,” aniya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Taong 1998 iyon. Matapos ang mahigit dalawang taon sa Jordan, pagtakas mula sa among nang-abuso sa kanya, pagkakakulong, at paghihintay ng repatriation, nakauwi siya sa wakas noong Oktubre 3. Puwede na lamang sana siya namahinga, o tahimik na nagsampa ng kaso laban sa kanyang recruitment agency. Ngunit inaalala niya ang mahigit 200 pang Overseas Filipino Worker (OFW) na katulad niyang biktima ng human trafficking, at ngayo’y nananatili sa Jordan.

Kasalukuyang nagsasagawa sila ng hunger strike para kalampagin ang gobyernong Aquino na kagyat silang pauwiin.

Isa ang Jordan sa limang bansang may umiiral na deployment ban, kasama ang Afghanistan, Iraq, Lebanon, at Nigeria. Deklarado ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi ligtas para sa mga OFW ang nasabing bansa at ipinagbabawal ang pagtatrabaho rito. Kamakailan lamang, anim na Pilipino ang namatay sa isang airplane crash sa Afghanistan, na ikinapuwersa ng DFA na amining hindi tuluyang naipapatupad ang deployment ban sa naturang bansa.

Ngunit lumalabas na hindi lamang sa Afghanistan nagaganap ang ilegal na pagpapadala ng mga OFW, na ayon pa sa grupong Migrante International, ay may basbas mismo ng gobyerno.

Sa isang press conference, ipinakita ng Migrante ang employment contract ni Venus at iba pang OFW na na-stranded sa Jordan. Mayroong authentication ang mga ito ng Philippine Overseas Labor Office- Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA).  “Bakit nila ina-authenticate ang employment contract? Hindi ba’t nangangahulugan ito ng human trafficking na may basbas mismo ng gobyerno?” sabi ni Gina Esguerra, pangkalahatang kalihim ng Migrante.

Isang work contract sa Jordan na pinatotoo ng POLO at OWWA.

Abuso sa ahensiyang tinakbuhan

Biktima si Venus ng pang-aabusong seksuwal. “Habang naglilinis ako, hinihipuan ako ng amo ko,” aniya. Gaya ng iba pang OFW doon, tumakas sila sa mapang-abusong mga amo, na nagreresulta sa kanilang pagkakakulong ng ilang linggo bago mai-turnover sa pangangalaga ng OWWA.

Halimbawa, si Jean Dasa, 24, ay hindi binayaran ang sahod ng anim na buwan. “Tumakas din siya dahil sinasaktan siya, at tinutukan ng baril kanyang amo,” kuwento ng kapatid ni Jean na si Nheljean.

Pero sa halip na asikasuhin ng OWWA ang kanyang repatriation, pinagbayad muna ang kanyang pamilya ng P51,000 halaga ng deployment cost. Taong 2009 kinuha ng OWWA ang kustodiya ni Jean, Agosto 2010 nakapagbayad ang kanyang pamilya ng hinihinging deployment cost. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya napapauwi. Hinala ng kanyang pamilya, ibinulsa ng mga opisyal ng OWWA ang halaga sa halip na ibigay sa agency.

Batay sa nasaksihan ni Venus, hindi umano ito nakapagtataka. “May apat akong kasamahan, hinanapan ng employer ng mga taga-OWWA. $400 ang siningil sa kanila ng agency, ang $200 napunta sa OWWA. Nakadikit talaga sila sa mga agency, at malamang may nagaganap talagang suhulan,” aniya.

Taliwas ito sa pahayag ni Philippine Ambassador to Jordan na si Julius Torres na hindi ibinabalik ng gobyerno ang mga runaway OFW sa kanilang mga amo, o hinahanapan ng bagong amo.

Larawan: Unang taong anibersaryo ng Gabriela sa Hong Kong, ipinagdiwang
Pinangunahan ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela Philippines, ang pagdiriwang para sa unang taong anibersaryo ng Gabriela-Hong Kong kamakailan. Sinabi ni Linaban na kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa kababaihang Pinay sa Hong Kong para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes ng buong sambayanang Pilipino. (Kontribusyon / Rowena dela Cruz)

Para kay Tessa
Hindi po tayo magkakilala at hindi ko alam ang iyong pinagdaraanan. Hindi tulad ng iba, wala po akong karapatang maghusga.

Hindi ko sasabihing ikaw ay aking naiintindihan dahil kahit ako’y  naguguluhan. Lalong hindi ko sasabihing wala kang pagkukulang dahil alam  mo, tulad ng iba pa, ang bigat ng kasalanang nagawa mo.

Nanganak ka sa loob ng eroplano’t natagpuan ang sanggol sa loob ng  basurahan noong Setyembre 12. Galing ka raw sa Bahrain. Tulad ng kuwento  ng marami pang overseas Filipino worker (OFW), nagtrabaho ka raw bilang katulong sa Qatar. At kung paniniwalaan ang salaysay ni Rep. Lani Mercado, sinabi mo raw sa kanya na ikaw ay ginahasa ng iyong amo.

Dahil hindi ako babae, hindi ko alam kung saan ka nakakuha ng sapat  na lakas para manganak nang mag-isa, at sa loob pa ng palikuran ng  eroplano. Tanging ikaw lang ang makapagsasabi kung ano ang nasa isip mo  sa panahong nasa loob ka ng palikuran at mag-isa kang nagninilay-nilay  tungkol sa iyong kalagayan. Ano kaya ang iisipin ng asawa kong naiwan sa  Pilipinas? May pamilya pa kaya akong babalikan kung dala ko ang sanggol  na aking isinilang? May mukha pa kaya akong ihaharap sa mga kaibigan  kung alam nila ang aking kinahinatnan?

Malamang na marami ka pang tanong. Magulo ang iyong isip. Nadarama  mo, noong panahong iyon, ang desperasyon ng isang biktima ng karahasan.  Sinisisi mo ba ang iyong amo? O sinisisi mo ba ang iyong sarili? Kung  may mga kamag-anak o kaibigan kang nagpilit sa iyong mangibang-bayan,  sila kaya ang dapat na pagbuntunan ng sisi?

Sa gitna ng paghahanap sa sarili’t pag-iisip kung ano ang dapat  mangyari, may isang inosenteng buhay na naging biktima ng iyong  pinagdaanan – si Baby George Francis (pansamantalang pangalan niya).  Tinanggal siya sa basurahan, nilinisan at kasalukuyang inaalagaan. Gusto  kong isiping nasa mabuti siyang kamay hindi lang dahil sa direktang  nakialam na ang Department of Social Work and Development (DSWD) kundi  dahil sa pambansang atensiyong nakuha ng bata.

Kahit na ano pa ang isipin ng mga taong mabilis humusga sa ginawa mo,  alam kong walang inang makakatiis sa sariling anak. Hindi na ako  magugulat kung sa mga sumunod na araw ay nagsisi ka sa ginawa mo kay  Baby George Francis. Siguro’y hindi ka noon makatulog at makakain, at  magdamag kang binagabag ng iyong konsensiya. At kapag tinatanong ka ng  mga mahal mo sa buhay kung ano ang iyong problema, iiling ka na lang,  sasabihin mong wala at patalikod na itutuloy ang iyong pagluha.

Ayaw ko mang magpalalim ng spekulasyon, sa loob-loob mo siguro’y  nagpapasalamat ka ring natunton ka ng mga awtoridad at dinala sa  Maynila. Sa pamamagitan nito, natupad ang napabalitang kagustuhan mong  makita ang iyong bagong silang na anak. Kaninong mukha ba ang nakikita  mo kay Baby George Francis? Nakikita mo ba iyong among nagmalupit sa  iyo? O nakikita mo ba ang mukha mong puno ng pag-aalala? Sinasabing  nakikita sa mga mata ang pinagdaanan ng isang tao. Ganoon din kaya ang  kaso sa mga mata ni Baby George Francis na sa kanyang napakaagang edad  ay naging laman ng balita?

Oo, may dahilan para magkondena. Totoong may krimeng nangyari, pero maniwala kang hindi ikaw ang pangunahing salarin.

Nanilbihan ka bilang katulong sa Qatar. Hindi ka na siguro magugulat  kung ang bansang ito’y ikalima sa pinakamaraming bilang ng Pilipinong  bagong pasok na domestic helpers and related household workers (pagkatapos ng Hong Kong, Kuwait, United Arab Emirates at Saudi Arabia).  Noong 2009, 6,376 na Pilipinong bagong pasok ang may ganitong trabaho  sa Qatar, at 28 lang sa kanila ang mga lalaki. Tulad mo, 99.6 porsiyento  ng mga namasukang katulong sa Qatar ay mga babae, ayon sa datos ng  Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ganito naman ang realidad sa buong mundo. Kung susuriin ang 71,557  Pilipinong katulong na bagong pasok sa iba’t ibang bansa noong 2009,  69,669 (o 97.4 porsiyento) ay mga babae at maliit na bahagdan lang ang  mga lalaki. At kung interesado kang malaman ang kabuuang bilang ng mga deployed OFW noong 2009 (pinagsamang bilang ng land-based at sea-based), ito ay umaabot sa 1,422,586. Maniniwala ka bang ito ay 15.1 porsiyentong pagtaas kumpara sa estadistika noong 2008?

Nasaan ang malaking krimen? Ito ay ang pagkakaroon ng sitwasyong  halos 3,900 Pilipino noong 2009 ang tinatayang nangibang-bansa BAWAT  ARAW para lang magkaroon ng magandang buhay ang pamilya. Ang mahigit  isang milyong OFW ay malinaw na ebidensiya ng malawakang kahirapan at  desperadong pakikipagsapalaran. Kahit na mapadpad sa mga bansa sa  Gitnang Silangan na kakaiba ang kultura’t wala halos kakilala,  pikit-matang sinusuong ng mahihirap na Pilipinong tulad mo, Tessa, ang  hirap ng pagtatrabaho para lang magkaroon ng kakaunting ginhawa.

Ang pagkakaroon ng anak ay panahon para nagiging masaya ang buong  mag-anak, lalo na ang ina. Hindi ko mapigilang mapailing sa sitwasyon  mong ang pagsilang sa isang sanggol ay habambuhay na paalala sa  kalupitang pinagdaanan mo. Tunay na nawala ang ang dangal ng pagiging  ina dahil tinanggal ito ng iyong malupit na amo.

Mali na kung mali ang pag-iwan ng iyong anak sa basurahan. Pero hindi  maikakaila ang mas malaking kasalanan ng pamahalaang bigyan ka at ng  marami pang iba ng oportunidad para umunlad sa sariling bayan. Sang-ayon  ako sa pahayag ng grupong Migrante-Middle East na dapat isaalang-alang ang iyong  pinagdaanan. Pero higit pa sa sama-samang pag-intindi sa iyo ay ang  kolektibong pagkondena sa kasalukuyang sistema.

Tulad ng marami pang Pilipinong pinagkakaitan ng mga nasa  kapangyarihan, nabuhay si Baby George Francis sa gitna ng kabulukang  nasa paligid niya. Tessa, hindi pa huli ang lahat para bigyan ng  magandang kinabukasan si Baby George Francis. Tulad ng marami pang  pinagsasamantalahan at pinagmamalupitan sa ating lipunan, napapanahon  nang singilin ang mga nasa kapangyarihan para sa iyong mapait na  pinagdaanan.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Kapalpakan ng gobyernong Aquino, pinagbabayaran ng Pilipino
Nakiisa ang Migrante International sa paghangad ng hustisya sa mga biktima ng hostage crisis sa Manila noong Agosto 23. Pinangangambahan din nila ang balik sa mga OFW sa HK ng palpak na pagresolba ng gobyernong Aquino sa krisis. (Kontribusyon)

Pinagbabayaran ngayon ng mga migranteng Pilipino ang kapalpakan ng gobyernong Aquino III sa hostage crisis kamakailan na ikinasawi ng walong Hong Kong nationals at umani ng pandaigdigang pagkondena.

Sa inisyal na mga ulat na natanggap ng United Filipinos in Hong Kong (Unifil-HK), alyansa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong, nagsisimula na ang panghaharas at diskriminasyon laban sa mga Pilipino bunga ng galit ng mga residente ng Hong Kong sa malagim na krimen.

Terminasyon ng kontrata, pang-aalimura

“Sa totoo lang, santambak ang mga dumadating sa amin na mga impormasyon. May termination ng contract, may sinigawan daw, may dinuraan daw sa tram at bus,” sabi ni Eman Villanueva, pangkalahatang kalihim ng Unifil-HK, sa isang e-mail sa Pinoy Weekly. Gayunpaman, kinukumpirma pa ng nasabing grupo ang mga impormasyong nagmula sa kanilang mga miyembro, karamihan ay mga domestic helper.

Sa isang press conference kahapon pagkatapos ng misa ng pakikiramay sa mga biktima at pagkondena sa gobyernong Aquino ng mga OFW, sinabi ni Villanueva na may isang kumpirmadong kaso ng pagsibak sa isang Pilipinong domestic helper na direktang maiuugnay sa hostage taking.

Tinatayang may 200,000 Pilipino na nagtatrabaho sa Hong Kong.

Nakatanggap naman ng ulat ang Asian Human Rights Commission (AHRC), grupong pangkarapatang pantao na nakabase sa Hong Kong, na may isang Tsinong taga-Hong Kong ang sumigaw sa publiko sa isang erya sa Kowloon Tong, “We employ them (Filipinos) in our homes and they murder us in their homes.”

Idiniin ng AHRC na hindi dapat magdulot ang trahedya ng awayan sa pagitan ng mga nasyunalidad.

Pero ayon kay Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, isang malungkot na reyalidad na posibleng sinasalo ng mga OFW ang galit ng mga mamamayan ng Hong Kong sa nangyari noong Agosto 23.

“Ang lahat ng gawin ng gobyerno na may epekto sa ibang bansa gaya ng Hong Kong, may retaliation ‘yan sa mga Pinoy, dahil sila ‘yung nandoon,” aniya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Kahapon, nakatanggap ang Migrante ng reklamo mula sa isang OFW sa Hong Kong na may among pulis. Habang pinapalabas umano sa telebisyon ang hostage taking, ipinatawag ang Pilipinong domestic helper ng kanyang amo at sinabihang “Manood ka nang makita mo kung gaano ka-estupido ang inyong mga pulis,” at saka nagbitiw ng iba pang pang-aalimura, kuwento ni Martinez.

Para naman kay Rose Ordoño, 31, at nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong simula noong 2006, bago pa man ang hostage taking, masama na ang pagtrato ng maraming among Tsino sa kanila. Nilayasan ni Rose ang kanyang unang tatlong amo dahil sa samu’t saring kaapihan, mula sa hindi pagpapasuweldo ng tama at pang-aalimura hanggang sa pisikal na pananakit at sexual harassment.

“Ang sabi ng dati kong amo sa akin, ang mga Pilipino patay-gutom daw,” aniya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Kasalukuyang nagpapa-renew ng pasaporte si Rose sa Pilipinas, pero balak niya muling bumalik sa Hong Kong pagkakuha nito. Ngunit dahil sa madugong hostage taking, mas marami kaysa dati ang kanyang agam-agam.

“Baka ‘yung employer na mahanap ko, sa akin ibunton ang kanyang galit. Hindi kami ang dapat magsakripisyo para sa ginawa ng pulisya,” sabi ni Rose.

Hustisya at pagpapanagot kay Aquino

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na naapektuhan ang mga OFW sa isang tinataguriang maling hakbang ng gobyerno. Ayon kay Martinez, nakaranas din ng panghaharas at diskriminasyon ang mga Pilipino sa Middle East nang magdeklara ng suporta si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa giyerang agresyon ng Estados Unidos sa Iraq.

“May mga natanggap kami na reklamo noon kung saan kinokompronta o sinisisi ng mga Arabo ang mga Pilipino para doon sa ginawa ng gobyernong Arroyo,” kuwento ni Martinez.

Araw ng migrante sa UAE, matagumpay na idinaos
Migrants' Forum sa UAE. (Kuha ni Arch. Ross Pisuena)

Dubai, UAE –  Matagumpay na idinaos ng Migrante-UAE ang kauna-unahang Migrants’ Forum sa United Arab Emirates bilang pagdiriwang sa Araw ng mga Migranteng Pilipino kaalinsabay sa paggunita sa ika-112 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 18 sa Al Nasr Leisureland, Oud Metha, Dubai.

Dumalo sa naturang talakayan ang halos 200 delegado mula sa iba’t ibang organisasyong kasapi ng FilCom (Filipino Community) sa Dubai at Northern Emirates. Naging tagapagsalita sina Phil. Ambassador Grace Relucio Princesa; Vice Consul Edwin Mendoza; Labour Attaché Amilbahar Amilasan ng POLO-Dubai; Labour Attaché Nasser Munder ng Abu Dhabi; Asst. Labour Attaché Ma. Corazon Venus Abad; Welfare Officer Mary Cyd Simangan ng OWWA-Dubai; Engr. Robert Ramos, chairman ng FilCom; at Yuri Cipriano, pangalawang pangulo ng Migrante-UAE.

“Matagumpay ang Migrants’ Forum dahil bukod sa napag-usapan ang iba’t ibang suliranin ng mga migranteng Pilipino sa UAE, nagresulta din ang Forum sa pagbuo ng isang ad-hoc committee ng FilCom para pangalagaan at isulong ang kagalingan at karapatan ng mga OFW (overseas Filipino workers) sa UAE,” ani Cipriano.

Sinabi naman ni Ramos na naging inspirasyon at hamon para sa FilCom na may 84 organisasyon ang inisyatiba ng Migrante-UAE sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga kababayang Pilipino sa UAE.

Ang bubuing Ad-Hoc Committee for the Protection of the Rights and Welfare of Migrant Filipinos ang katugunan ng FilCom sa mga napag-usapan sa talakayan. Pakikilusin ng FilCom ang mga kasapi nitong organisasyon para bigyang pansin ang mga problemang kinakaharap ng ating mga kababayan, ani Ramos.

“Ipapaalala kundi man sisingilin ng Migrante-UAE ang pamunuan ng FilCom sakaling hindi nito bigyang katuparan ang kanilang salita,” pahayag naman ni Cipriano.

Samantala, pinuna ni Shayne Ramero, chairperson ng Rights and Welfare Committee ng Migrante-UAE, ang kakulangan sa pagtalakay ng ilang opisyales ng Embahada at Konsulado sa mga isyu ng mga migranteng Pilipino.

“Hindi tinalakay ni Simangan ang paksang kanyang dapat talakayin tungkol sa kalagayan ng mga migrante sa UAE.  Hindi rin kumpleto ang paliwanag ni Amilasan sa kahalagahan ng Araw ng mga Migrante; binanggit lang niya na nilikha ang okasyong ito bilang pasasalamat sa ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas.  Nakaligtaan niyang banggitin na layunin din ng pagdiriwang ang pagtataguyod sa karapatang pantao ng mga OFW,” ani Ramero.

“May pinagtatakpan kaya ang ating POLO-OWWA (Philippine Overseas Labor Offices-Overseas Workers Welfare Administration) dahilan upang hindi banggitin ang mahahalagang bagay na ito o sadya lang na hindi nila alam ang kanilang ginagawa?” tanong ni Ramero.