Pinoy Weekly
Posts tagged as: migrant rights

Pinoy nars at clinic workers sa Jeddah, di pinapasahod

Nilusob kahapon ng 236 na Pinoy nars at clinic workers ang konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia para itulak ang gobyerno na aksiyunan ang kanilang employer na kalahating taon nang hindi nagpapasahod. Sa isang pahayag, sinabi ni John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-Middle East, na walang ginawa si Labor Attache Vicente Cabe nang lapitan [...]

11 OFW inonse, nakauwi na

Dubai, UAE – Wala man nakuhang libreng tiket mula sa Konsulado ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA), nakauwi na rin kamakailan ang 11 manggagawang inonse ng kanilang ahensiya at kumpanyang pinagtrabahuan. Nangutang na lang sa mga kaibigan at mga kamag-anak sa Pilipinas ang mga manggagawang nagsampa ng demanda sa Dubai [...]

11 karpinterong Pinoy sa Dubai, inonse

Dubai, UAE – Baluktot ang kamangha-manghang modernong disenyo ng tinatapos nilang tore; ngunit mas baluktot ang patakaran ng kumpanyang kanilang napasukan. Idinemanda ng 11 karpinterong OFW sa Dubai Ministry of Labour ang Batimat Building Materials LLC, isa sa mga sub-contractor na gumagawa sa matayog na Infinity Tower sa Dubai Marina. Dalawa’t kalahating buwan silang hindi [...]

Notoryus na kompanyang Annasban sinuspinde ng POEA

Ikinatuwa ng mga Pilipinong manggagawa ng Annasban Group of Companies sa Saudi Arabia ang desisyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong Abril 12 na pansamantalang isuspinde ang lahat ng aplikasyon para sa kompanya, dahil sa mga reklamo ng iba’t ibang paglabag sa paggawa. Nalaman ng mga biktima ng Annasban ang balita nang dumalo sila [...]

Pinay sa UAE tatlong buwan na sa morge

Ras Al Khaimah, UAE –  Mariing kinondena ng Migrante-UAE (United Arab Emirates) ang kabagalan ng Konsulado ng Pilipinas na aksiyunan ang pagkamatay ni Rahima Jamal, 19, na tatlong buwan nang nasa morge ng Saif Obaidullah Hospital ang bangkay. “Talagang napakabagal ng ating Konsulado sa pagtulong sa ating mga kababayan. Ayon sa isang opisyal sa Konsulado, [...]

Kapag karaniwan na ang pang-aabuso sa OFW

Labinlimang taon matapos di-makatarungang bitayin si Flor Contemplacion sa Singapore, lalo lamang lumala ang pang-aabuso at kawalan ng hustisya sa mga Overseas Filipino Worker.

DFA hinamon: Labanan ang deportasyon ng nagwelgang Pinoy sa Ireland

Hinamon ni Satur Ocampo, kinatawan ng Bayan Muna at kandidato sa pagkasenador, ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makialam sa kaso ni John Recto, isang migranteng Pilipino sa Ireland na nanganganib mapauwi ng bansa dahil sa pagwewelga sa kanyang pinagtatrabahuang pabrika. Ayon sa website ng Irish political party Republican Sinn Fein, sumali si Recto [...]

Larawan: Kababaihang migrante sa HK, ‘mala-alipin’ pa rin – AMCB

Share

Mga larawan: Disgusto at militansiya sa pintuan ng OWWA

Matapos ang ilang buwang pagpapabaya, nilusob ng mga migrante ang Overseas Workers Welfare Administration para kunin ang dapat lamang na para sa kanila. Heto ang mga babaing tumindig laban sa ahensiyang wala umanong walang silbi sa mga OFW.

OWWA bumigay; kampo ng mga OFW tagumpay

Bumigay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga hinihingi ng inabusong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Riyadh, na nagsagawa ng tatlong-araw na kampo sa harap ng ahensiya para igiit ang tulong-pinansiyal na umano’y nararapat sa kanila. Kahapon, hinarangan ng mga kababaihang OFW mula sa Annasaban Group of Companies ang mga pintuan ng OWWA [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes