Pinoy Weekly
Posts tagged as: migrant rights

Dalawa pang grupo ng OFW sa Maldives, istranded

Dalawang grupo pa ng manggagawang Filipino ang istranded ngayon sa Maldives, dahilan para umabot ang bilang nila sa 200, ayon sa Migrante International. Sinabi ng Migrante na patuloy silang nakatatanggap ng tawag mula sa mga istranded na Pinoy at kanilang pamilya at humihingi ng tulong para makauwi na sila sa Pilipinas. Nagrereklamo rin umano ang [...]

Espesyal na pagrehistro ng OFW hiniling

Hiniling ng Migrante International sa Commission on Elections (Comelec) noong Setyembre 1, 2009 ang pagdadaos ng isang espesyal na rehistrasyon ng Overseas Absentee Voting (OAV) dahil hindi umano naging sapat ang katatapos lamang na rehistrasyon para sa mga Filipinong botante sa ibang bansa. Nagtataka ang grupo dahil pitong buwan lamang ang inilaan ng Comelec sa [...]

Opisyal ng embahada sa Tripoli, pinauuwi

Isang opisyal ng embahada ng Pilipinas ang nais na pauwiin ng mga migrante dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa mga kaso laban sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) Nais ng Migrante International na isama na ni Pangulong Arroyo pag-uwi nito sa bansa si Labor Attache Nasser Mustafa dahil sa pagkakasangkot sa contract substitution na bumiktima [...]

Kanlungan ng mga OFW sa Middle East sinalakay ng pulis

Kinupirma ng Migrante – Middle East na sinalakay ng Saudi police noong Agosto 14, 2009 ang safe house ng KGS o Kapatiran sa Gitnang Silangan, isa sa mga organisasyon sa ilalim ng Migrante. Ayon kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante – ME, sinalakay ng lokal na pulis ang tanggapan ng KGS bandang alas tres [...]

Sobrang paggastos ni GMA sa biyahe, kinondena ng migrante

Mariing kinondena ng mga OFW (overseas Filipino workers) ang sobrang paggastos ni Pangulong sa ginawa nitong mga pagbiyahe sa labas ng bansa, at maaari umanong nagamit na lang sana sa mga OFW na nangangailangan ng tulong. Nauna nang napaulat na umabot sa P2.7 bilyon ang ginastos ng pangulo sa kanyang mga biyahe mula noong 2001. [...]

Babaing pinaslang sa brutal na video, isang Filipina?

Nanawagan ang Migrante International sa administrasyong Arroyo na agad na kilalanin kung ang babaeng brutal na pinatay sa pamamagitan ng pambabato sa isang video ay isang overseas Filipino workers. “Nakakabahala ang video. Kung ang naturang babae sa video ay isang Filipina, dapat agad na umaksiyon ang embahada ng Pilipinas sa Jordan at imbestigahan kung bakit [...]

Maluhong hapunan ni GMA, binatikos ng OFW

Insulto para sa mga OFW (overseas Filipino workers) ang maluhong hapunan ng delegasyon ni Pangulong Arroyo sa isang restawran sa New York, ayon sa United Filipinos in Hong Kong o Unifil-Migrante-Hong Kong. “Gumagastos ng milyun-milyon, o kahit bilyon pa ang gobyernong ito para sa mga biyahe ni Gloria Macapagal-Arroyo pero hindi sa mga OFW na [...]

200 OFW sa Jordan naghihintay mapauwi sa Pinas

Mahigit 200 OFW (overseas Filipino workers) na tumakas mula sa kanilang mga employer ang nananatili pa rin ngayon sa Amman, Jordan, ayon sa Migrante-Middle East.   Ayon kay John Leonard Monterona, tagapaugnay ng Migrante-ME, kasalukuyang tumutuloy ang mga naturang OFW sa FWRC (Filipino Workers Resource Center) na pinapatakbo ng Philippine Embassy. Karamihan umano sa mga [...]

Migrante sa DoLe, POEA: abusadong employer dapat ipagbawal

Dapat pagbawalan ng DoLE (Department of Labor and Employment) – sa pamamagitan ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) at Polo (Philippine Overseas Labor Offices) sa ibang bansa – ang mga abusadong employer sa pagkuha ng mga OFW (overseas Filipino workers) o kaya’y itigil na ang pagpapadala ng mga migrante, ayon sa Migrante-Middle East. Sinabi ni [...]

Pinay sa kamay ng dayuhang amo

Bagamat nakaligtas si ‘Aliyah’ sa tangkang panggagahasa ng kanyang amo sa Saudi Arabia, natatakot pa rin siya. Hindi para sa kanyang sarili, kundi sa 20 pang Pinay na naiwan sa mala-impiyernong tanggapan ng sukab na Arabo.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes