Pinoy Weekly
Posts tagged as: Migrante International

Proteksiyon ng migrante sa Timog Silangang Asya, kailan maisasakatuparan?

Hinikayat ng iba’t ibang grupong migrante si Pang. Benigno Aquino III na itulak ang pagsasakatuparan ng isang rehiyunal na instrumento ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) para sa proteksiyon ng mga migranteng manggagawa. Tumungo ngayong araw si Aquino para sa ika-17 na Asean Summit sa Hanoi, Vietnam. Sa isang konsultasyon kamakailan ng mga Civil [...]

Kinaltasan ng pondo, OFW magpoprotesta sa ika-100 araw ni P-Noy

Ikakasa ng mga grupo ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa ilalim ng Migrante International ang koordinadong mga kilos-protesta sa Oktubre 8, ika-100 araw sa puwesto ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III. Ipoprotesta nila ang umano’y hindi pagpaprayoritisa ng gobyerno sa mga OFW at maling alokasyon ng pondo para sa kanila. Kamakailan, binatikos ng Migrante ang [...]

Bumibisitang pamilya ng OFW, pinagbabayad ng gobyerno

Isang bagong rekisito para sa bumibisitang pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) at Macau ang tinawag ng mga grupong migrante na panibagong porma ng “pangongotong” ng gobyernong Aquino sa mga OFW. Kamakailan, inihayag ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, Dubai, at Macau na kailangan munang kumuha ng isang notarized [...]

[Updated] Larawan: Mandatory na kontribusyon ng OFWs sa Pag-ibig Fund, tinutulan

Share

Senatoriables at OFW, pumirma ng kasunduan

Pumirma ngayon ng kasunduan ang limang senatoriables at mga Overseas Filipino Worker, sa pangunguna ng Migrante International, sa isang 7-Point Migrants Covenant para sa pagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mahigit 10 milyong migranteng Pilipino. Sa isang press conference sa Quezon City ngayong araw, sumang-ayon sina Liza Maza (Makabayan/Nacionalista Party), Gwen Pimentel (NP), Apolinario “Jun” [...]

Mga larawan: Disgusto at militansiya sa pintuan ng OWWA

Matapos ang ilang buwang pagpapabaya, nilusob ng mga migrante ang Overseas Workers Welfare Administration para kunin ang dapat lamang na para sa kanila. Heto ang mga babaing tumindig laban sa ahensiyang wala umanong walang silbi sa mga OFW.

OWWA bumigay; kampo ng mga OFW tagumpay

Bumigay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga hinihingi ng inabusong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Riyadh, na nagsagawa ng tatlong-araw na kampo sa harap ng ahensiya para igiit ang tulong-pinansiyal na umano’y nararapat sa kanila. Kahapon, hinarangan ng mga kababaihang OFW mula sa Annasaban Group of Companies ang mga pintuan ng OWWA [...]

Simbahang Katolika, nangampanya para sagipin si Jakatia Pawa

Lumahok na ang ilang mga Simbahang Katolika sa kampanya para sagipin ang buhay ni Jakatia Pawa, isang 22-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na hinatulan noong Enero ng parusang kamatayan para sa pagpatay diumano ng anak ng kanyang amo. Nakipagtulungan ang mga parokya sa Caloocan sa Migrante International, tagapagtipon ng Save Jakatia Pawa [...]

Balita: Migrante nagprotesta sa Global Forum on Migration and Development sa Greece

Share

Pagregularisa ni GMA sa donasyon ng OFW, binatikos

Binatikos ng Migrante-Middle East si Pangulong Arroyo sa pag-uutos nitong iregularisa ang mga donasyon mula sa ibayong dagat para sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Ayon sa grupo makababagal lamang ito sa pagdaloy ng mga tulong na lubhang kinakailangan ng mga nasalanta. Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Arroyo noong Setyembre 29 na “hindi sisingilan ng buwis [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes