Pinoy Weekly
Posts tagged as: Morong 43

Kahit pisikal na manghina, tuloy ang hunger strike ng Morong 43

Sa kabila ng mga pahayag ni Pang. Benigno Aquino III na wala siyang magagawa sa kaso ng Morong 43 at na ang korte ang dapat na magpasya kung sila ay papalayain, matibay pa rin ang paninindigan ng mga detinidong pulitikal na ituloy ang kanilang hunger strike na sinimulan noong Disyembre 3. Ayon kay Dr. Geneveve [...]

Kapayapaan, kalayaan ng Morong 43, sigaw ng bata sa Mendiola

Bitbit ang mga karatula, tapestries, at artwork na naglalaman ng kanilang sentimyento hinggil sa umano’y kapabayaan ng gobyerno sa kapakanan at karapatan ng mga bata, nagmartsa ang mahigit 100 bata patungong Mendiola Bridge sa Manila upang ipanawagan ang pagtigil ng karahasan sa mga bata, kapayapaan at kalayaan ng mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43.

Mga Larawan: Unang araw ng hunger strike ng Morong 43

Slideshow ng mga larawan ng piket at unang araw ng hunger strike para sa pagpapalaya sa Morong 43

Tatlong Bagong Tula Para Sa Morong 43 ni Richard R. Gappi

Tatlong Bagong Tula Para Sa Morong 43 ng makatang si Richard R. Gappi

Morong 43, ipinanawagan ng mga abogado, doktor na palayain

Nagmartsa ang mahigit 200 abogado, doktor, nars at mga estudyanteng kumukuha ng kursong medikal patungo sa paanan ng Mendiola Bridge sa Maynila upang igiit ang kagyat na pagpapalaya sa mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43. Halos sampung buwan na  sa Disyembre 6 na nakapiit ang Morong 43, dahil sa umano’y gawa-gawang kaso. Inakusahan sila ng [...]

Karapatang pantao, sistematiko pa ring nilalabag ng gobyerno – Karapatan

Hindi lang sa walang pagbabago. Luma pa ang mga paglabag sa pampulitika at sibil na karapatan ng mga mamamayan, ulat ng Karapatan, bilang paghahanda sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.

Kaanak ng Morong 43, dismayado sa pakikipag-usap sa Malakanyang

Hinarap sa wakas ng mga opisyal ng Malakanyang ang mga kaanak ng mga mangagagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43, noong Nobyembre 15, matapos ang limang pagtatangkang makaharap si Pangulong Benigno Aquino III.

Larawan: Kababaihan ng New Zealand, nanawagang palayain ang Morong 43

Bitbit ang mga plakard na nananawagan ng pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan na detinido ngayon sa Pilipinas, ipinakita ng mga kababaihang ito ng Aotearoa sa New Zealand ang pakikipagkaisa para sa laban para sa hustisya at kapayapaan sa Pilipinas. Naganap ito matapos ang isang porum kung saan nagsalita si Coni Ledesma, pandaigdigang tagapagsalita ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka), ang Ngapuhi leader na si Titewhai Harawira at aktibistang abogado na si Annette Sykes sa Auckland University noong Nob. 10. Kinondena rin ng kababaihang ito ang di-pantay at mapang-aping relasyon ng mahihirap at “imperyalistang” bansa na pinanananatili ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. (Kontribusyon)

Pagpapalaya sa Morong 43, pag-usad ng peace talks hiniling ng mga New Zealander

Nakiisa ang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at karapatang pantao sa Whangarei, New Zealand sa panawagang pagpapalaya sa 43 manggagawang pangkalusugan sa Pilipinas na tinaguriang “Morong 43.” Nanawagan din sila ng pananaig ng hustisya at kapayapaan sa Pilipinas.

Karaban para sa Morong 43, hinarang sa Camp Bagong Diwa

May bitbit na permit para magdaos ng pagtitipon para sa Morong 43 sa Camp Bagong Diwa, nagkaraban ang mahigit 200 tagasuporta at kaanak patungo sa kampo. Pero hinarang sila ng pulis at pinigilang makabisita sa mga detinidong manggagawang pangkalusugan — pinakahuli lamang sa serye ng panunupil at paglabag sa matagal nang niyuyurakang karapatan ng Morong 43 at tagasuporta nila.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes