Pinoy Weekly
Posts tagged as: Ondoy

Ang tunay na iskuwater sa Lawa ng Laguna

Biktima na nga, isinisisi pa ng gobyerno sa daan-daan libong maralita ang pagbaha sa paligid ng Laguna Lake. Samantalang absuwelto ang malaking komersiyo na tunay na sanhi ng matinding problema sa lawa.

OFW, tuloy ang pagdamay sa mga nasalanta sa Pilipinas

Pansamantala, abala ang mga organisasyong OFW sa pamimigay ng kagyat na tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Gayunman, naniniwala silang dapat magkaroon ng kahandaan ang gobyerno sa tuwing sasapit ang mga kalamidad.

Trahedya sa panahon ng Facebook

Maraming dapat ipagpasalamat sa Facebook (FB) bagama’t ito rin ang dahilan ng paminsan-minsang pagkaantala ng ilang gawain. Sa panahon ng trahedya’t malayo ako sa Pilipinas, malaking bagay ang social media tulad ng FB para malaman ang nangyayari sa mga mahal sa buhay. Mahalaga rin ito sa mabilis na pagkuha ng impormasyon. Masasabing may magandang ugnayan [...]

Video: Bakwit sa Laguna hinakot ni Arroyo sa relief mission, hindi nabigyan ng relief goods

Nananatiling lubog sa tubig ang 30 munisipalidad na nakapalibot sa Laguna Lake. Wasak ang mga tahanan at hindi makapangisda dahil sa lalim ng dagat, umaasa lamang sa rasyon ng pagkain mula sa iba’t ibang organisasyong nagkokondukta ng relief missions ang mga residente. Noong Oktubre 14, nakarating sa Brgy. Balanga, Pila, Laguna, ang Bagong Alyansang Makabayan, at [...]

Ang kahulugan para kay Michelle ng pag-revive ng “Ocean Deep” ni Cliff Richard sa baha at bagyo

Isa sa mga nangungunang kanta sa Yes FM at Love Radio ang pinasikat na kanta ni Cliff Richard na “Ocean Deep” na binigyang-buhay muli ng isang Filipinang singer na nagngangalang Michelle. Hindi na iba si Michelle sa ating lahat dahil ibinabalik lang naman niya ang kanyang pagkanta sa kasalukuyan dahil siya ang isa sa mga [...]

Video: Maralitang residente ng Tatalon, saksi sa ‘panghahakot’ ni GMA ng evacuees

Basahin ang artikulo hinggil dito. Share

Batibot ng pagkakaisa sa gitna ng sigwa

Kuwento ng isang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata hinggil sa pagkasirang ginawa ng bagyo sa isang day care center at komunidad ng mga maralita, at kung paano ito nagpupunyaging bumangon nang sarili.

Gimik ni GMA sa Brgy. Tatalon

Isang maulang gabi matapos ang bagyong Ondoy, pumunta sa isang maralitang komunidad sa Quezon City si GMA. Di siya namigay ng anumang ayuda. Pero nanghakot siya ng mga maralitang pinangakuan niya ng lupa’t bahay. Dinala niya ang mga ito sa Palasyo at iprinisinta sa midya – evacuation center na raw ang Malakanyang.

Pananagutan ng kapitalista sa sakuna

Darami pa ang sakuna gaya ni Ondoy at Pepeng, hangga’t umeeskapo ang mga kapitalistang bansa sa kanilang istorikal na pananagutan sa climate change.

Baha’t trahedya sa Marikina, naiwasan sana?

Sabi nila, gawa ng kalikasan ang bagyo, pero gawa ng tao ang kalamidad. Totoo nga, maaaring nabawasan sana ang bilang ng mga namatay at nasira sa nakaraang baha sa Kamaynilaan, partikular sa Marikina, kung pinaghandaan sana ng pamahalaan ang mga bagay na matagal nang inaasahan.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes