Pinoy Weekly
Posts tagged as: Oplan Bantay Laya

Magsasaka, biktima ng EJK sa Batangas

Isang magsasaka ang binaril at pinatay kaninang alas-otso ng umaga sa Brgy. Caybunga, Balayan, Batangas, ang unang kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa probinsya sa ilalim ng administrasyong Aquino, ayon sa ulat ng Bagong Alyansang Makabayan Southern Tagalog (Bayan-ST). Natagpuang may tatlong tama ng bala sa ulo at dibdib si Rene Rodriguez, miyembro ng Samahan [...]

Publikong Sining para sa Publikong Interes

Mapagbanta ang unang 100 araw ng bagong halal na presidente: make or break ito, direction-setting sa susunod na mga taon, patikim sa kabuuang termino. Honeymoon period itong tinatawag. Ibig sabihin, huwag gambalain, pag-iwanan muna ng puna, hayaan munang mapirmi, dumanas ng ligaya. Pulot-gata sa Filipino, na pawang mga mitong likido ng malinamnam na panlasa at pakiramdam.

Larawan: Militante, nagrali sa pagbisita ni P-Noy sa Davao

Nagsagawa ng lightning rally ang militanteng mga organisasyon sa pagbisita ni Pang. Noynoy Aquino sa Davao City. Iginiit nila kay Aquino ang pagbabasura sa kontra-insurhensiyang kampanyang Oplan Bantay Laya, na bumibiktima umano sa mga di-armadong aktibista. Hiniling din nila ang hustisya para sa mga pinaslang na aktibista. Di hinarap ng Pangulo ang mga militante, at puwersahang itinaboy ng mga pulis.

Tumitinding atake ng NPA sa AFP

Umiigting ang atakeng militar ng mga rebelde sa mga armadong puwersa ng gobyerno, laluna sa Mindanao. Ang gobyerno naman, ipinagpapatuloy ang programang kontra-insurhensiya na dati nang puminsala, hindi sa mga rebelde, kundi sa mga legal na aktibista.

3 magsasaka, pinaslang sa Timog Katagalugan

Tatlong magsasakang miyembro ng isang progresibong party-list ang pinatay noong Hulyo 19 sa Rodriguez, Rizal, ayon sa ulat ng Karapatan-Southern Tagalog. Sa isang paghayag, sinabi ni Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim sa Karapatan-ST, biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sina Galvan Navarte, Demilita Largo at Benita San Jose. Miyembro ang tatlo ng Katribu Party-list, organisasyon ng mga [...]

Mga Larawan: Protesta vs kawalan ng aksiyon ng gobyernong Aquino sa extra-judicial killings

Nagmartsa ang aabot sa 800 katao mula tapat ng University of Santo Tomas sa Espana, Manila patungong Mendiola, Manila para igiit sa gobyernong Aquino na aksiyunan ang pamamaslang sa mga aktibista at ibasura ang programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya. Ayon sa Karapatan, grupong pangkarapatang pantao, nakakabahala ang malabong pahayag ni Pangulong Aquino hinggil sa mga [...]

The Black Book of Oplan Bantay Laya

Simula nang maging pangulo ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001, mahigit 1,000 aktibista na ang bumulagta, biktima ng tanyag nang ekstrahudisyal na pamamaslang sa bansa.

Sikretong pulong ng mga opisyal ng US, RP binatikos ng CPP

Binatikos ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang sikreto umanong pagdating sa bansa ng mga nangungunang opisyal panseguridad at pangmilitar ng administrasyong Obama ng US para makipagpulong sa mga opisyal ng rehimeng Arroyo. Dumating sa bansa si US Deputy Assistant Secretary of Defense Garry Reid noong Miyerkules, Abril 15, at nakipagpulong kina Department of [...]

Mga Larawan: Brutal na kampanyang kontra-insurhensiya ipinrotesta

Share

Tortyur sa 43 health workers, umiigting

Nagpatuloy ang tortyur at interogasyon ng 43 doktor at health workers na nakadetine pa rin sa Camp Capinpin sa Taytay, Rizal. Ayon sa ulat ng Health Alliance for Democracy (Head), umigting pa ang pisikal at sikolohikal na tortyur sa mga ito, sa kabila ng bisita ni Leila de Lima, chair ng Commission on Human Rights [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes