Pangangamkam ng lupa sa Pantabangan at ang Oplan Bayanihan
Ipinakita ng pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka na sa Oplan Bayanihan, parang nagiging protektor pa si P-Noy sa mga kompanyang nagpapalayas sa mga magsasaka.
Ipinakita ng pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka na sa Oplan Bayanihan, parang nagiging protektor pa si P-Noy sa mga kompanyang nagpapalayas sa mga magsasaka.
Dinagsa ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang Korte Suprema para hikayatin ang huli na maglabas na ng desisyon pabor sa mga kanila, sa lupain sa asyendang pag-aari ng kaanak ng kasalukuyang pangulo.
Nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa Batasan Pambansa para muling igiit ang pagbabasura sa Stock Distribution Option at Comprehensive Agrarian Reform Program (with Reforms) o Carper na anila’y nagpapanatili sa pagkaalipin ng mga magsasaka sa kamay ng mga panginoong maylupa.
Nagprotesta sa Davao City ang mga magsasaka mula sa Paquibago District laban sa Quedancor at Department of Agriculture para sa programang farm input support program ng dating pangulong Arroyo. (Karlos Manlupig)
Nagtagpo sa Kamaynilaan ang mahigit 3,000 magsasaka na naglakbay mula sa iba’t ibang rehiyon para muling hilingin sa bagong rehimen ang luma nang hiling: Tunay na reporma sa lupa, hindi mapanlinlang na ekstensiyon ng CARP. Hustisya sa mga inapi’t inabuso, hindi pagpapanggap at pagpapabango ng bangong pangulo.
Salubungan ng mga magsasaka mula Timog at Hilagang Luzon sa tapat ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform noong gabi ng Oktubre 20 para igiit ang hustisya at tunay na repormang agraryo.
Martsa ng mga magsasaka mula Rizal at Timog Luzon (mula Sorsogon hanggang Southern Tagalog) patungong Kamaynilaan para igiit ang tunay na reporma sa lupa at hustisya para sa mga magsasaka. Naglakad lamang ang mga magsasaka, sa kabila ng bagyong Juan humagupit sa Kamaynilaan at iba pang bahagi ng Luzon.
Pinagbabato ng mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ng pulang pintura ang gate ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA (ahensiya ng paniniktik sa ilalim ng Department of National Defense) bilang simbolo ng pagdanak ng dugo ng mga aktibista at sibilyan na pinaslang noong panahon ng rehiimeng Arroyo at kasalukuyan at di pa nabibigyan ng hustisya. (Macky Macaspac)
Share
Pagkatapos ang mahigit kalahating siglong paghahari ng mga Cojuangco’t Aquino sa Hacienda Luisita, isinalang na sa wakas sila sa Korte Suprema. May pag-asa pa ba ang mga magsasakang mapasakanila ang lupaing matagal na nilang pinayayaman?