Pinoy Weekly
Posts tagged as: political detainees

Kampanya kontra-droga, ginagamit ng lokal na PNP sa panunupil?

May 55 bilanggong pulitikal sa Timog Katagalugan: Ang dalawa rito, pinagbintangang drug pusher sa gitna ng kanilang laban sa demolisyon.

Morong 43 taas-kamaong lumaya

Tatlumpu’t tatlo sa Morong 43 ang inisyal na lumaya, gabi ng Disyembre 17 at madaling araw ng 18. Maligaya ang mga kaanak, pero para sa mga dating detinido, hindi sa gobyernong Aquino sila dapat magpasalamat — pinatagal pa nito ng halos anim na buwan ang pagkakakulong nila — kundi ang mga mamamayang nangalampag, nangulit, nagprotesta.

Mga Larawan: Sampu sa kalalakihan ng Morong 43 napalaya na rin

Mga larawan ng sampung lalaki sa Morong 43 na napalaya na noong madaling araw ng Disyembre 18, 2010.

Kaanak, detinido ikinagalak deklarasyon ni PNoy na iatras kaso vs Morong 43

Nagsiiyakan sila, at sumigaw sa tagumpay. Ganito inilarawan ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan, sa kanyang tweet, ang reaksiyon ng 43 manggagawang pangkalusugan na tinaguriang “Morong 43″ matapos marinig ang deklarasyon na ipinaaatras na ni Pangulong Aquino ang kaso laban sa kanila. Kasama si Reyes sa mga bumisita sa Morong 43 [...]

Tatlong Bagong Tula Para Sa Morong 43 ni Richard R. Gappi

Tatlong Bagong Tula Para Sa Morong 43 ng makatang si Richard R. Gappi

Larawan: Samahan ng dating mga detinidong pulitikal nagkumperensiya, magpoprotesta

Idinaos ng Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Amnestiya o SELDA ang isang pambansang kumperensiya. Dito tinalakay ang usaping matagal naisyung bayad-pinsala sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng diktadurang Marcos. Tinalakay din ang kasalukuyang kalagayn ng halos mahigit 300 bilanggong pulitikal na nasa iba’t ibang piitan sa buong bansa. Dumalo sa pagtitipon ang mga dating bilanggong pulitikal na sina dating Rep. Satur Ocampo, Maita Gomez, at dating Rep. Romeo Candazo. Itinakda rin nila ang Setyembre 17 bilang pambansang araw ng pagkilos para sa mga bilanggong pulitikal sa bansa.

Pagdalaw sa Morong 43

Magkaibang mundo ang Bicutan na dinanas namin isang hapon ng Sabado. Nang mananghalian kami sa SM, ito ang mundo ng konsumerismo at gitnang uring mamamayan. Sa labas ay mainit at sagaran ang trafiko ng tao at sasakyan. Sa loob ay lahat ng bagay na ipinapatangkilik, sa comfort ng aircon, seguridad at fetisistikong komoditi.

Buhay at pakikibaka ng Morong 43 sa loob ng piitan

Anim na buwan na ngayong Agosto 2010 mula nang ilegal arestuhin at ipiit ng ating dakilang mga manggagawang pangkalusugan mula sa Camp Capinpin na ngayo’y nasa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. Mahigpit nilang nilalabanan ang pagkainip sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at pagtanggap ng mga dalaw araw-araw, maliban tuwing Lunes.

Isyung pangkababaihan sa politikal na detensyon

May Facebook campaign na nagso-solicit ng donasyong pangsanggol para kina Judielyn Carina Oliveros na manganganak sa 27 Hulyo 2010, at Mercy Castro sa Oktubre. Ika ng post, “We are calling on everyone who would like to donate toiletries, vitamins, needs of the babies- baby clothes, breast pumps, diapers, blankets, pillows, and cash donations are also welcome.”

Pagpapalaya ng Morong 43 sa humanitarian grounds, hiniling

Sa ika-limang buwan ng pagkakabilanggo ng 43 detenidong doktor at health workers, tuloy ang panawagan ng Free the 43 Health Workers Now! Alliance na palayain ang tinaguriang ‘Morong 43’. Kagyat ang kanilang panawagan sa pagpapalaya sa mga detenido sa “humanitarian grounds”. Ito’y dahil sa anila’y maseselang kondisyon ng ilan sa mga nakakulong, lalo na ang [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes