Pinoy Weekly
Posts tagged as: protest actions

Mga Larawan: Magsasaka, sumugod sa opisina ng NICA, hiniling hustisya sa mga paglabag sa karapatang pantao

Pinagbabato ng mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ng pulang pintura ang gate ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA (ahensiya ng paniniktik sa ilalim ng Department of National Defense) bilang simbolo ng pagdanak ng dugo ng mga aktibista at sibilyan na pinaslang noong panahon ng rehiimeng Arroyo at kasalukuyan at di pa nabibigyan ng hustisya. (Macky Macaspac)

Etika ng protesta

Mga bastos at terorista. Ganito raw ang mga hindi kagalang-galang na aktibista. Ano pa nga ba ang matatawag mo sa mga naghahagis ng mga silya’t mesa palabas ng mga klasrum para sunugin? Ano pang termino ang gagamitin mo sa mga puwersahang nagbubukas ng kinandadong gate ng kampus?

Sentenaryo ng Marso 8, ipagdiriwang sa protesta kontra Arroyo

Ipagdiriwang bukas ng Gabriela, pambansang alyansa ng mga grupong pangkababaihan, ang sentenaryo ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, sa isang kilos-protesta at martsa patungong Mendiola na inaasahang dadaluhan ng 10,000 katao. Ayon sa Gabriela, “makasaysayan” ang paggunita sa araw na idineklara 100 taon na ang nakakaraan ng 1910 First Socialist International Conference sa Copenhagen, [...]

Video: Paggunita sa ‘bigong pangako’ ng EDSA

Pagkilos ng mga maralitang tagalungsod at militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capitol Region at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) para gunitain ang unang pag-aalsa sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Mensahe ng protesta na matapos mapatalsik ang diktadurang Marcos, nabigo ang sumunod na mga administrasyon na tupdin ang mga pangako ng EDSA: ang panawagan para sa makataong sahod at trabaho, abot-kamay na mga serbisyong panlipunan at paggalang sa karapatan ng mga mamamayan.

Tindero sa Mendiola

Share

Video: 600 tropang Amerikano sa Pilipinas, pinalalayas ng mga demonstrador

Kamakailan, inihayag ni US Defense Secretary Robert Gates na mananatili sa Pilipinas ang 600 tropang Amerikano na kasapi ng elite na grupong kontra-insurhensiya. Nagprotesta noong Agosto 25 sa harap ng embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd, Maynila ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan at iba pang mga grupo na kinukuwestiyon ang presensiya ng mga tropang Kano sa bansa.

Mga Larawan: Piket sa harap ng White House, sa pulong nina US Pres. Barack Obama at Pang. Arroyo

Mga larawan ni Jonna Baldres Share

Larawan at video: SONA sa kalsada 2009

Habang nagtatalumpati sa Gloria, sa labas ng Batasan Pambansa, sa kalsada ng Commonwealth, aabot sa 20,000 ang nagmartsa, nagpaulan, sumayaw, kumanta, humiyaw, nagsunog. Gusto nilang masigurong ito na nga ang huling SONA ni Gloria. (Mga Larawan at Video)

Ngayong SONA, bansang bumibigwas kontra sa Con-Ass ni Gloria

Bago pa man ang State of the Nation Address ni Gloria Arroyo, araw-araw na ang mga pagkilos at protesta kontra sa Con-Ass at panunungkulan niya.

Video: Gabriela, iniladlad ang gahiganteng quilt kontra kay Gloria at Con-Ass

Ayon sa Gabriela, nakatakdang dalhin nila ang gahiganteng quilt sa kilos-protesta kontra sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Share

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes