Anumang pag-usad ng kaso ng mga paglabag ng karapatang pantao, ito’y dahil sa pagpupursigi ng mga kaanak at grupong pangkarapatang pantao. Sabi nila, walang itinutulong ang gobyernong Aquino para maresolbahan ito. Malala pa, ipinagpapatuloy pa ni PNoy ang sa esensiya’y parehong madugong programang kontra-insurhensiya ng nakaraang administrasyon.
Ano ang masasabi ng mga “boss” ni Noynoy sa kanyang SONA? Tila hindi sila kumbinsido. Narito ang pahayag ng mga lider ng iba’t ibang sektoral na mga organisasyon, matapos ang mismong SONA ni PNoy.
Aug 2 2010 | Posted in
Lathalain |
Read More »
(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.
Nakinig sila sa State of the Nation Address ni Pang. Benigno Aquino III, pero pagkatapos nito, pakiramdam nila’y tila si Aquino ang hindi nakinig sa kanila.
Isyu ng korapsyon ang tumampok sa unang SONA ni Noynoy Aquino. Maraming nadiskubreng katiwalian ang kanyang bagong kabinete sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan. Marami ay midnight decisions, marami ay ng midnight appointees ni Gloria Arroyo.
Jul 28 2010 | Posted in
(Kolum),
Pasintabi |
Read More »
Hindi ko maiintindihan paano sisikmurahin ng kahit sinong kritikal na kabataan ang pinagsasabi ni Noynoy.
Mas makapangyarihan ang parlamento ng lansangan kaysa sa parlamento sa loob ng Batasan Pambansa. Ito ang sabi ng isang militanteng kongresista sa aabot sa 10,000 katao na nagprotesta sa Commonwealth Avenue kaalinsabay ng State of the Nation Address ni Pang. Noynoy Aquino.
Sa loob ng Batasan Pambansa kung saan nagtalumpati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, rumampa ang mga personalidad. Pati ang militanteng kongresista, rumampa rin — siyempre, dala ang mga panawagan ng mga mamamayan.
Hustisya para sa mga mamamayang lalong nalugmok sa karalitaan at pagdurusa ang tema ng pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kaalinsabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Benigno “Simeon” Aquino III.
Naalala ko nung 2005 at 2006, panahon ng buung-buong ipinatutupad ang CPR (Calibrated Preemptive Response) ni Gloria. Bawat rally basta’t malapit sa Mendiola ay uupakan ng pulis. Sa bawat rally siguradong may mahuhuli ng pulis, maraming masasaktan, maraming mawawalan ng tsinelas at iba pang gamit dahil sa tulakan at takbuhan. Kapag marami ang ralyista at kayang pigilan ang pulis, siguradong paliluguan ka ng madumi at malakas na tubig mula sa fire truck.