Pinoy Weekly
Posts tagged as: stranded OFWs

OFWs sa Libya kanya-kanyang diskarte, walang tulong ng gobyerno

Kanya-kanyang diskarte ang mga OFW para makaalis sa Libya, at walang tulong na natanggap mula sa gobyerno nang makarating sa border ng Tunisia, Egypt at Algeria. Isang Pilipino rin ang naiulat na namatay.

Pangangalakal ng kababaihang OFW sa Jordan

Biktima sila ng human trafficking sa bansang Jordan: inalipin, pinahirapan, minolestiya, ginahasa. Pero matapos makatakas sa kanilang abusadong mga amo, kahit ang mga opisyal ng pamahalaa’y inaabuso din umano sila. Giit ng mga kaanak nila: Agarang pauwiin ang mga biktima. At bigyang hustisya ang nangyari sa kanila.

Pamilyang OFW, ‘iskuwater’ sa tabi ng konsulado sa Jeddah

Naninirahan nang parang mga iskuwater ang mahigit 20 istranded at runaway na mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa tabi mismo ng gusali ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia, ayon sa grupong Migrante- Middle East. “Inutusan ni Pang. Benigno Aquino III ang Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensiya ng gobyerno na [...]

11 OFW inonse, nakauwi na

Dubai, UAE – Wala man nakuhang libreng tiket mula sa Konsulado ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA), nakauwi na rin kamakailan ang 11 manggagawang inonse ng kanilang ahensiya at kumpanyang pinagtrabahuan. Nangutang na lang sa mga kaibigan at mga kamag-anak sa Pilipinas ang mga manggagawang nagsampa ng demanda sa Dubai [...]

Pahirap hanggang sa pag-uwi

Pinapirma ng mga opisyal ng gobyerno ang mga inabusong caregiver sa isang settlement na nagsasabing hindi sila maaaring makapaghabol sa kanilang mga reklamo. Kapalit nito ang tiket sa eroplanong gagamitin nila para makauwi.

88 caregivers sa Riyadh, nag-hunger strike

Nagpahayag ng suporta ang Migrante International sa 88 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsagawa ng hunger strike sa Riyadh, Saudi Arabia, matapos umanong mabigo ang gobyerno ng Pilipinas na dinggin ang kanilang panawagan na makauwi sa bansa. Biktima ang 88 OFW ng contract substitution at di-makatarungang patakaran sa paggawa ng Annasban Group of Companies. Tumigil [...]

Istranded na OFW sa Jeddah, nais makauwi bago mag-Hajj

Apatnapu’t siyam na istranded na OFW sa deportation center sa Jeddah, Saudi Arabia ang umaasang mapapauwi sila sa Pilipinas bago ang pagdiriwang ng Hajj sa susunod na buwan at para na rin makasama ang kanilang pamilya bago mag-Pasko. Ayon kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-Middle East, isang OFW na nagngangalang Abdul Jalil, 30 taong [...]

Balita: Istranded na mga migrante sa ibayong dagat asikasuhin, tulungang makauwi – Migrante

Share

Pagpapauwi ni GMA sa mga OFW ‘walang pusong’ media gimmick?

Noong nakaraang buwan pa dapat nakauwi ang 120 istranded na OFW–pero umano’y pinagtiis sila para lamang may bitbit si Pangulong Arroyo pauwi mula sa kanyang bisita sa Saudi Arabia.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes