
Sa Mendiola, Manila, nagdala naman ng malaking kahon na “regalo” ang mga maralita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, Bayan Muna, Anakpawis, Bagong Alyansang Makabayan – National Capitol Region, at iba pa. Binatikos nila ang programang Public-Private Partnerships o PPP na anila’y nagdudulot ng demolisyon sa mga maralitang lungsod. Sinunog ng mga maralita ang naturang “regalo” bilang protesta sa administrasyong Aquino. (KR Guda)
Feb 9 2012 | Posted in
Balita |
Read More »

Pinalayas sila sa kanilang mga tahanan sa Kamaynilaan. Ngayon naman, sa mga relocation site, pinababayaan sila. Dausdos ang kabuhayan, bulok ang pabahay, walang serbisyo, at nanganganib pa ang mga residenteng maralita.

Hiniling sa Korte Suprema ng iba’t ibang grupo ng mga maralitang lungsod sa ilalim ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) sa demolisyon sa mga maralitang komunidad.

“Bulgar at nakakalulang pagpapakita ng kayamanan at kapangyarihan.” Ito ang paglalarawan ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño sa mga diumano’y ill-gotten na mga pag-aari ni Chief Justice Renato Corona. Ngunit sinundan niya ito ng napapanahong mungkahi: Ibigay ang mga ito sa mga residente ng Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City na marahas na [...]
Jan 14 2012 | Posted in
Balita |
Read More »

Mga tulang alay sa lumalabang mga mamamayan ng Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan City.
Jan 14 2012 | Posted in
PED XING |
Read More »

Sa brutal na pagsalakay ng mga pulis at demolition team sa maralitang komunidad ng Brgy. Corazon de Jesus sa utos ng lokal na pamahalaan ng San Juan City, naipamalas ang malinaw na pagpapabor ng kasalukuyang kaayusan sa iilang makapangyarihan at mayayaman.

Nakipagkaisa ang mga alagad ng iba’t ibang simbahang Kristyano para ipagtanggol ang karapatan sa kabuhayan at pabahay ng mga maralitang lungsod.

Rebyu ng Barikada (Tudla Productions, kasama ang Sandigang Maralitang Nagkakaisa at Kalipunan ng Damayang Mahihirap, 2011, 33 minuto)

Nagkaisa ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa kondenahin ang panukalang badyet ng administrasyong Aquino sa mga serbisyong panlipunan para sa taong 2012.
Nov 11 2011 | Posted in
Balita,
Isyu,
Kabataan |
Read More »
Hango sa “Occupy Wall Street” ang isinagawang pagkampo ng mga maralitang tagalungsod sa tarangkahan ng National Housing Authority (NHA).
Oct 25 2011 | Posted in
Balita |
Read More »