Pinoy Weekly
Posts tagged as: violence against women

Menor-de-edad na ginahasa ng pari, nanawagan ng katarungan

Humihingi ng katarungan ang isang menor de edad na sinasabing ginahasa umano ng isang pari sa Butuan City. Ang biktimang itinago sa pangalang Leah, 17-anyos at  kasalukuyang nasa pangangalaga ng grupong pangkababaihan na Gabriela, ay nagsampa ng mga kasong  rape, act of lasciviousness at child abuse sa Butuan Regional Trial Court, laban kay Fr. Raul [...]

Kailan lalaya ang kababaihan sa pang-aabuso?

Nakakagimbal ang mga balitang lumalabas sa midya hinggil sa pang-aabusong seksuwal sa kababaihan at mga bata. Ilan sa mga biktima ay pinatay o tinangkang patayin matapos halayin. Tulad ni Florence, boluntir nars na diumano’y pinatulungang gahasain sa Maguindanao, at iba pang biktima ng seksuwal na pang-aabuso.

Diborsiyong ala-Pinoy

Patok sa balita ang hiwalayang Kris Aquino-James Yap. Marami ang nagtaasan ng kilay, marami ang haka-haka at katanungan. Ngunit sa likod ng pampublikong hiwalayang ito ang libu-libong mag-asawang nagkakahiwalay sa maraming dahilan. Panahon na ba na magkaroon ang Pilipinas ng batas hinggil sa diborsiyo?

Gabriela sa Japan, itinatag

Nagkaisa ang aabot sa isandaang kababaihang Pinay sa Japan para itatag ang tsapter ng Gabriela sa naturang bansa. Sa kongreso ng pagkakatatag nito noong Hunyo 27, inanunsiyo ng mga kababaihang Pilipina mula sa iba’t ibang organisasyon at lugar sa Japan ang pagtatag sa Gabriela-Japan. Ginanap ang kongreso sa Nagoya Women’s Center sa Nagoya, Japan. “Natutuwa [...]

Eleksiyong 2010: Karapatan ng kababaihan, adyenda ba ng presidentiables?

Pang-ekonomiko at pampulitikang karapatan, paglaban sa karahasan, karapatan sa reproductive health – ilan ito sa mga isyung mahalaga sa kababaihan. Ano ang sey ng mga kandidato sa pagkapresidente?

Larawan: Masaker sa Maguindanao, kinondena ng kabataan at kababaihan

Share

Video: Patalastas at bukod-tanging signature campaign laban sa karahasan sa kababaihan inilunsad

Inilunsad ng grupong Gabriela, sa pagdiriwang ng kanyang ika-25 anibersaryo, ang isang public service advertisement at bukod-tanging signature campaign laban sa karahasan sa kababaihan at bata. Pinrodyus ang patalastas ni Merle Jayme ng DM9 JaymeSyfu, na nanalo ng Bronze Media Lion sa 2008 Cannes International Advertising Festival para sa poster na Duct Tape, bahagi ng [...]

Chavit pinasisibak ng Gabriela

Hindi sapat na hilingin ng Malakanyang kay Luis “Chavit” Singson na pansamantalang lumiban bilang Deputy National Security Adviser, ayon sa militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela. “Kung may natitira pang katinuan sa gobyernong Arroyo, sisibakin nito si Chavit,” ayon kay Emmi de Jesus, pangkalahatang kalihim ng Gabriela. Ito ay bilang reaksiyon sa pahayag ni Lorelei Fajardo, deputy presidential spokesperson [...]

Balita: Proteksiyon para sa inaabusong kababaihang OFW hiniling

Sa isang piket sa Department of Foreign Affairs noong Hulyo 14, sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, na dumarami ang bilang ng mga kaso ng mga babaing OFW na minamaltrato ng mga employer o pinapahirapan at ikinukulong sa ibayong dagat. Tatlong grupo ng ginahasang mga OFW–isa mula sa Saudi Arabia at dalawa mula sa Oman–ang lumapit sa grupo kamakailan. Samantala, may limang Pilipinang biktima ng human trafficking ang kasalukuyang minomolestiya at nakakulong sa Syria.

Video: Testimonya ng OFW na nakaligtas sa panggagahasa

Sa dalawang magkakahiwalay na insidente noong nakaraang buwan, tinangkang gahasahin ang domestic helper na si Aliyah (di tunay na pangalan), ni Abu Khalid, isang Arabong may-ari ng recruitment agency sa Saudi Arabia. Mayroong 20 pang Pinay na naninirahan sa recruitment agency ang ginahasa at kailangang sagipin mula sa kamay ng rapist, ayon kay Aliyah. Inilahad [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes