Pinoy Weekly
Posts tagged as: women’s rights

Si Jennylyn at ang laban ng kababaihan

PW-jennylyn-birthday-gabriela

Para ipagdiwang ang kanyang ika-25 kaarawan, pinili ng tanyag na aktres at mang-aawit na si Jennylyn Mercado na maging miyembro ng Gabriela. Dating biktima ng pandarahas ng bata pa siya, iniambag ni Jennylyn ang kanyang pangalan at reputasyon para sa organisasyong pangkababaihan na tanyag na lumalaban sa pandarahas sa kababaihan at bata sa bansa. Sa [...]

Sa pagtatapos ng Balikatan: ‘Abuso sa kababaihan, laganap sa ‘R&R’ ng tropang Kano’

"Hindi palaruan ng tropang Kano ang Pilipinas, at hindi laruan ng tropang Kano ang mga Pilipina!" Ito ang sigaw ng kababaihan ng Gabriela, sa piket sa harap ng embahada ng US noong Abril 27. (KR Guda)

Sa mga bar, sa mga gimikan, sa mga lugar kung saan ginaganap ang R&R (rest & recreation) ng tropang Kano matapos ang Balikatan: Magbabantay sila.

Larawan: Militanteng kababaihan nanawagan ng pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal

Nagmartsa patungong Mendiola ang mga lider-kababaihan ng Gabriela mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para manawagan ng pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal, kabilang ang 30 kababaihang bilanggong pulitikal. (KR Guda)

Reproductive Health Bill: Ang magkakaiba at magkakatugmang pananaw

Inihanay ng Pinoy Weekly ang pangunahing mga konsepto sa debate sa Reproductive Health Bill, at ang pananaw hinggil dito ng apat na puwersang nangunguna sa debate. Mahalagang maarmasan ang mga mambabasa ng kaalaman hinggil sa pundamental na mga usapin gaya ng kalusugan ng bayan, karapatan ng kababaihan, at kahirapan.

Agarang pagpasa ng RH Bill para sa kababaihan hindi dahil sa suporta ng US

Hindi simpleng pagpaplano sa pamilya at pagkontrol sa populasyon ang layunin ng Reproductive Health (RH) Bill kundi ang pagbibigay akses sa serbisyong pangkalusugan sa mga kababaihan, paalala ng Gabriela Women’s Party-list sa mga kongresista. Sinabi ito ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, sa gitna ng pagsuporta ng US Agency for International Development (USAID) sa pagbibigay sa [...]

Woman in the World

Naalala ko ang tanong ng isang sosyalistang feminista sa klase niyang binubuo ng kababaihan: “Kayo ba, hindi ba kayo nababastos kapag sinisipulan kayo ng mga construction worker?” Ang punto niya, malaganap din ang machismo, ang seksismo – o ang tinatawag na “pyudal-patriyarkal” na kaisipan – sa mga inaaping uri. Tama naman. Pero may pagdadala rin sa punto niya na parang kalalakihan ang kalaban ng kababaihan.

Kailan lalaya ang kababaihan sa pang-aabuso?

Nakakagimbal ang mga balitang lumalabas sa midya hinggil sa pang-aabusong seksuwal sa kababaihan at mga bata. Ilan sa mga biktima ay pinatay o tinangkang patayin matapos halayin. Tulad ni Florence, boluntir nars na diumano’y pinatulungang gahasain sa Maguindanao, at iba pang biktima ng seksuwal na pang-aabuso.

Larawan: Unang taong anibersaryo ng Gabriela sa Hong Kong, ipinagdiwang

Pinangunahan ni Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela Philippines, ang pagdiriwang para sa unang taong anibersaryo ng Gabriela-Hong Kong kamakailan. Sinabi ni Linaban na kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa sa kababaihang Pinay sa Hong Kong para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes ng buong sambayanang Pilipino.

Para kay Tessa

Hindi po tayo magkakilala at hindi ko alam ang iyong pinagdaraanan. Hindi tulad ng iba, wala po akong karapatang maghusga.

Diborsiyong ala-Pinoy

Patok sa balita ang hiwalayang Kris Aquino-James Yap. Marami ang nagtaasan ng kilay, marami ang haka-haka at katanungan. Ngunit sa likod ng pampublikong hiwalayang ito ang libu-libong mag-asawang nagkakahiwalay sa maraming dahilan. Panahon na ba na magkaroon ang Pilipinas ng batas hinggil sa diborsiyo?

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes