Pag-absuwelto ng CHR sa militar sa tortyur kay Melissa Roxas, ‘pagdiskaril sa usapang pangkapayapaan’


Binatikos ni Fidel Agcaoili, tagapangulo ng Human Rights Monitoring Committee ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang gobyerno ng Pilipinas (GPH) sa pagharang sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng “malisyosong antics” ni Etta Rosales, tagapangulo ng Commission on Human Rights.

Fidel Agcaoili, tagapangulo ng NDFP Human Rights Monitoring Committee. (KR Guda)
Fidel Agcaoili, tagapangulo ng NDFP Human Rights Monitoring Committee. (KR Guda)

Binatikos ni Fidel Agcaoili, tagapangulo ng Human Rights Monitoring Committee ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang gobyerno ng Pilipinas (GPH) sa pagharang sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng “malisyosong antics” ni Etta Rosales, tagapangulo ng Commission on Human Rights.

Sinabi ni Agcaoili na “ginagamit ni Rosales” ang kanyang puwesto para labagin ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (Carhrihl), sa pamamagitan ng pag-akusa sa New People’s Army (NPA) na siyang dumukot umano sa Fil-Am na aktibistang si Melissa Roxas kahit “wala itong katiting na ebidensiya” na maiprisinta.

Inilalagay sa alanganin ng “walang batayang akusasyong” ito ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng rebolusyonaryong kilusan at gobyernong Aquino, ayon pa kay Agcaoili.

Sa proseso ng “pagdiskaril sa usapang pangkapayapaan,” inabsuwelto umano ng CHR ang Armed Forces of the Philippines sa pagdukot, ilegal na aresto, detensiyon at tortyur kay Roxas.

In the pursuit of her personal vendetta against alleged erstwhile comrades in the national democratic movement, Etta has turned the GPH’s Commission on Human Rights into an inquisition arm of the Aquino regime. Her actions are bound to destroy the GPH-NDFP peace negotiations,” sabi pa ni Agcaoili.

Tinukoy pa ni Agcaoili ang pagpayag diumano ng CHR ni Rosales na tanggalin ang mahigit 2,000 complainant na biktima ng diktadurang Marcos sa talaan ng maaaring bigyang kompensasyon.

Sang-ayon ang kompensasyong ito sa kasong isinampa ng naturang mga complainant laban kay Marcos sa isang korte sa Hawaii sa US.

Etta has used the GPH’s Commission on Human Rights to perpetrate the unjust scheme of denying
the victims of their rightful claim to the Marcos estate. She has not only violated the victims’ human rights but has also trampled upon the Carhrihl that has provided for a fair and equitable distribution of the proceeds of the court case,” ani Agcaoili.

Etta Rosales, tagapangulo ng GPH Commission on Human Rights. (KR Guda)
Etta Rosales, tagapangulo ng GPH Commission on Human Rights. (KR Guda)

Naunang naglabas ng ulat ang CHR ni Rosales hinggil sa kaso ni Roxas. Dito nakasaad na “kapani-paniwala” ang testimonya ni Roxas hinggil sa kanyang karanasan noong Mayo 2009. Kabilang sa testimonya ni Roxas ang paghinala niyang mga sundalo ang dumukot sa kanya at dinala siya sa isang kampo ng militar na may airstrip.

Sinagot na rin ni Rosales ang akusasyong inaabuwelto ng CHR ang militar. Sinabi ni Rosales na sinasabi lamang nilang walang ebidensiyang tumturo sa AFP sa pagdukot kay Roxas.

Samantala, sa isang pahayag sa midya, sinabi ni Roxas na nadismaya siya sa resulta ng imbestigasyon ng CHR.

Kabilang sa kinadismaya umano ni Roxas ang pagpasa nito sa Philippine National Police (PNP) para sa resolusyon ng kaso ng pagdukot at pagmamalupit sa kanya.

I suffered trauma and injuries from the abduction and torture by State agents. What kind of justice do I expect to get if the very institutions that are responsible for my abduction and torture are left to investigate my case?” ani Roxas.