Istilong Palparan laban sa Morong sibilyan

July 6, 2009

Ito ang pinakamalupit na pambobomba na nagaganap sa Mindanao: Ang walang tigil na pananalakay ng Armed Forces of the Philippines sa sibilyang mga komunidad sa Maguindanao. Laganap ang paglabag sa karapatang pantao ng mga Moro. Dumarami rin ang lumilikas. Ito ang tila nakukubling krisis ngayon sa naturang probinsiya.

Pinay sa kamay ng dayuhang amo

June 29, 2009

Bagamat nakaligtas si ‘Aliyah’ sa tangkang panggagahasa ng kanyang amo sa Saudi Arabia, natatakot pa rin siya. Hindi para sa kanyang sarili, kundi sa 20 pang Pinay na naiwan sa mala-impiyernong tanggapan ng sukab na Arabo.

Resesyon, titindi dahil sa Con-Ass

June 22, 2009

Nasa bingit na ng resesyon ang Pilipinas. Sa tangka sa Kamara na tipunin ang Constituent Assembly, lalo pang malalagay sa alanganin ang tagibang nang ekonomiya at patitindihin ang sigalot sa pulitika sa bansa.

Pagkakaisa kontra sa tusong rehimen

June 8, 2009

Pagpasa sa ekstensiyon ng CARP. Pagsaisantabi sa Right of Reply Bill at Reproductive Health Bill. Pagkabiyak ng oposisyon sa Senado at pagbalik ni Mancao. Pagbalik sa usapang pangkapayapaan. Pananakot ng A(H1N1) virus. Mga hakbang na kaya ito para pahupain ang oposisyon na kumokontra sa pagpahaba ng termino ni Pangulong Arroyo?

Con-ass: Hindi tinatanggap ng taumbayan

June 4, 2009

Mabilis ang tugon ng taumbayang simula’t sapul ay tumututol na sa Charter Change. Noong Hunyo 3 ng umaga mismo, sa kabila ng mala-Armageddon na pagbuhos ng ulan at paghagupit ng malakas na hangin sa Kamaynilaan (tila pati ang kalangitan, galit sa “katrayduran”), samu’t saring pakete ng protesta ang sumiklab sa Mendiola at Batasan Pambansa. Kinabukasan, sa protesta ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa, bumuhos din ang galit laban sa Con-ass ni Arroyo.