Opensa ang depensa ng tinutugis na aktibista

November 24, 2008

ILANG segundo pa lamang ng pagkakaakyat sa entablado at pagsasalita sa mikropono, tumulo na ang mga luha ni Dana Marcellana, anak ng pinaslang na tagapagtanggol ng karapatang pantao na si Eden Marcellana at ng kasalukuyang tinutugis ng gobyernong Arroyo na si Orly Marcellana.

Kumusta na silang ibinilanggo ng Estado?

November 23, 2008

ANIM silang nakapiit ngayon sa Provincial Jail ng Mindoro Oriental sa lunsod ng Calapan. Binibintang sa kanila ang mga kasong kriminal na anila’y “halatang gawa-gawa” lamang. Bago ito’y isa-isa silang dinakip ng di-unipormadong mga kalalakihan, dinala sa mga kampo ng militar, sinalang sa tuloy-tuloy na interogasyon at saka itinawid ng dagat papunta sa isla ng Mindoro. Naiwan nila ang kanilang mga kaanak sa Rizal, Cavite at Laguna na puno ng pag-aalala sa maaring gawin ng mga nagpadakip sa kanila.

Buto at ilan pang palatandaan ng malagim na kaganapan sa Limay

October 19, 2008

Naghihintay sa dalang pananghalian ng kanyang tatay sa kanilang paaralan sa Subic, Zambales si Shara Hizarsa noong Marso 22, 2007. Pagdating nito magsasalo silang mag-ama sa pagkaing araw-araw niluluto at inihahatid ni Abner. Ito na ang kanilang regular na gawain simula noong tumigil ang kanyang ama sa pagiging kasapi ng kilusang lihim dahil sa sakit. […]

Pagbangon at paglaban ni Hazel

June 27, 2008

Walang malay na halos si Hazel nang isakay siya ni Sgt. Ronald Edward Hopstock Jr. sa isang taksi sa labas ng Hotel New Century sa Okinawa, Japan gabi noong Pebrero 18. Sumibat agad ang sundalong Kano, at naiwan sa taksi si Hazel. Di pa nakalalayo ang taksi nang bumalik ito sa harap ng hotel. Natakot […]

Pagpupunyagi nina Karen at Sherlyn

November 14, 2007

Sa kabila ng mga dinanas niya, matapang pa rin si Sherlyn Cadapan. Bata pa lamang, nakitaan na siya ng ganitong katangian, laluna noong naging atleta si Sherlyn. At tulad marahil ng mga torneong nalahukan niya noong kolehiyo ang pakikipagtagisan sa mga militar habang nasa kamay nila – laro lamang ito ng isip at determinasyon. Isang […]

Kober ng Time Magazine na lumabas sa Asya, 25 Enero 2007

Paano Babasahin ng Time ang NPA?

March 27, 2007

Walang iniwan sa isang magilas na kuwentong tigib ng pakikipagsapalaran. Kuntodo detalye pa ng kasal ng magkarelasyong rebelde at ng kamangha-manghang buhay-mag-asawa ng isa pang pares ng rebelde. Ang artikulong ukol sa NPA (New People’s Army) ay makatawag-pansin, palibhasa’y cover story ng magasing internasyunal na Time. May ibig ba itong sabihin? Noong unang bahagi ng […]