RCEP protest

RCEP kapalit ng soberanya at makabayang pag-unlad

March 24, 2023

Sa loob ng 40 taon ng globalisasyon nanatiling bansot at atrasado ang lokal na industriya sa Pilipinas. Sa muling pagpasok ng bansa sa panibagong Free Trade Agreement (FTA) ikinababahala ng mamamayan na patuloy tayong maitatali sa makaisang-panig at makadayuhang pag-unlad.

Alay lakad laban sa kaliwa dam

Alay lakad laban sa Kaliwa Dam

March 23, 2023

Pagod, init, lamig at ulan ang sinuong ng mahigit 300 katutubong Dumagat-Remontado at iba pang mga residente mula sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon patungong Malacañang upang ipahayag ang pagtutol sa Kaliwa Dam Project. Binagtas nila ang nasa 150 kilometrong daan mula Gen. Nakar sa Quezon mula nang anim na araw mula Pebrero 15. […]

Pagtatahi ng unyon para sa makatuwirang laban

March 9, 2023

Sampung taon na si Rowena “Weng” Ernico sa LS Philippines Manufacturing, Inc. sa isang engklabo sa Rosario, Cavite bilang mananahi kaya’t hindi niya inakala na isasara ng may-ari ang pagawaan dahil natunugan nitong nagbubuo ng unyon ang mga manggagawa.

Modernisasyon para kanino?

March 6, 2023

Simple lang ang katuwiran ng sektor ng transportasyon. Mahal ang bagong jeepney na inilalako ng gobyerno sa mga drayber at maliliit na operator. Para mabayaran ito kailangan ng taas-pasahe na babalikatin ng mga komyuter na manggagawa, na hindi naman tumataas ang suweldo.

Dagdag sa pamasahe, bawas sa pagkain

February 27, 2023

Isang takal ng kanin ang hindi na makakain ng bawat manggagawa. Imbis kasi na mapunta sa sikmura, ang katiting na ngang sahod, ipantutustos pa sa nakaambang dagdag-pasahe sa LRT at MRT.

Bongbong Marcos dancing

Hindi lunas ang Cha-cha

February 27, 2023

Laging bukambibig ng mga nagdaang rehimen ang pag-amyenda sa Konstitusyon. Ngunit sa likod ng pagnanais na alisin ang mga probisyong pumuprotekta sa pambansang ekonomiya at patrimonya, nariyan ang mga puwersang nagnanais gamitin ang Cha-cha para matagal na makapaghari sa bayan.

Rebolusyonaryo sa panulat at sa gawa

February 17, 2023

Hindi armchair revolutionary si Sison. Pinipino niya ang teorya habang kalahok sa pang-araw-araw na buhay ng rebolusyon. Ang pakikibaka ang kanyang naging malaking paaralan upang mabigyang kasagutan ang mga tanong at agam-agam sa pagsusulong at pagpapatuloy ng rebolusyon.

Pagmimina sa Sibuyan, pinigilan ng residente

February 17, 2023

Pansamantalang napigilan ng mamamayan ng Sibuyan Island ang konstruksyon ng causeway sa Sitio Bato sa bayan ng San Fernando, Romblon, matapos ang halos dalawang linggong tensiyon sa pagitan ng mga residente, pulisya at mga tauhan ng Altai Mining Philippines Corp. (APMC).

Distressed OFWs, walang maasahang tulong sa gobyerno

February 15, 2023

Sa bawat kaso ng pagpatay, deployment ban ang tugon ng gobyerno ng Pilipinas. Ngunit paglipas ng ilang buwan, binabawi muli ng Pilipinas ang ban at pumapasok sa Memorandum of Understanding sa mga host country at muling umiikot ang siklo ng pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa.