
Paghahanap ng konsensus sa krisis ng klima
November 18, 2022
Lumipas na ang unang linggo ng ika-27 Conference of the Parties (COP 27) ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC). Inaantay ng mundo ang mga desisyon mula rito. Lagi’t lagi, malaking hamon ang maghanap ng konsensus para sa mga isyung nag-uugat sa tunggalian. Sa Sharm El-Sheikh, Egypt, pinakamahalaga para sa mga bansa gaya ng Pilipinas na pinakaapektado ng climate change ang paglikha ng loss and damage mechanism.