President Ferdinand Marcos Jr in front of a satellite image of typhoon Paeng and flood in Metro Manila

Nasaan ang Pangulo?

November 5, 2022

“Wala sa Japan,” ito ang sagot ng Malakanyang sa trending na tanong “Nasaan ang Pangulo?” sa kasagsagan ng mga pagbaha at landslide dulot ng bagyong Paeng. Hindi sinabi kung nasaan. Hindi pisikal na dumalo si Marcos Jr. sa pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) noong Oktubre 29. Nangulo siya sa pamamagitan […]

Si Percy Lapid

Hustisya para kay Percy Lapid!

October 10, 2022

Noong Setyembre 30, huling nagsahimpapawid sa radyo ng brodkaster na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid sa matatalas niyang komentaryo, tinalakay niya ang mga panganib ng red-tagging. ‘Di alintana ang sariling kaligtasan, maapoy na kritiko siya ng administrasyong Duterte at Marcos. Sino ba ang nasasaktan sa pagbatikos sa red-tagging na pinaigting ni Duterte […]

Si US President Joe Biden at si Bongbong Marcos nakaupo at nagpupulong

Kapareha, kaalyado, kaibigan

September 30, 2022

Sino ang susundin ni Marcos Jr.? Ang lokal na korte sa Pilipinas o ang US? Hindi kapareha, hindi kaalyado at hindi kaibigan sa sariling bayan ang namumuno kapag dayuhan pa rin ang nasusunod. Walang kapayapaan kung walang kasarinlan.

Pagpunta ni Junior sa Amerika

September 21, 2022

Mahalaga umano ang Pilipinas para sa “estratehikong kompetisyon” ng US sa rehiyong Indo-Pasipiko. Nasa “first island chain” tayo sa seguridad ng US. Kabilang tayo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na mainit sa ribalang US at Tsina. Inaasahan ang pagpalaganap ng Pilipinas ng “demokrasya” na naaayon sa US.

Budol badyet ni Marcos

Budol badyet ni Marcos

September 3, 2022

Isang malaking pambubudol ang ginagawa ngayon sa badyet. Ito ang kauna-unahang ipapasang batas sa administrasyong Marcos.

Editoryal Made in Malacanang

Made in Malacañang?

August 25, 2022

Ikinabahala ng grupong Kontra-Daya ang appointment kay Garcia. Hindi na nga nakakatulong, lalo pang nagpapasidhi sa mga usapin ng tiwala at kredibilidad ng Comelec ang pagtalaga sa dating abogado ni Marcos.

Sa gitna ng nag-uumpugang bato

Sa gitna ng nag-uumpugang bato

August 9, 2022

Makabuluhan ang panawagan para sa kapayapaan.  Ngunit makakamit lamang ito kung lalabanan ang mapagsamantala at mapang-aping sistema ng imperyalismo. Dapat kumalas ang Pilipinas sa sakal ng monopolyong pinansya sa ating bansa, paunlarin ang sariling ekonomiya, mamahala nang demokratiko, maglingkod ang hukbong sandatahan sa bayan at tunay na maging independiyente at kapantay ng ibang bansa sa internasyunal na pamayanan.

Sa likod ng magagaling na salita

Sa likod ng magagaling na salita

August 3, 2022

Tapos na ang unang State of the Nation Address (SONA) ng bagong pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.. Napuna ng maraming kritiko na walang nabanggit ukol sa sahod ng manggagawa, regularisasyon ng kontraktuwal, karapatang pantao, hustisya at kapayapaan. Magaling ang pananalita. Namutawi sa labi na “malusog” ang kalagayan ng bansa. “The state of the nation is […]

Unang linggo ni junior bilang presidente

Unang linggo ni junior bilang presidente

July 13, 2022

Sa hinaba-haba ng unang linggo ng bagong pangulo, pinag-usapan pa rin ang relasyon ng bansa sa US at China, ang mga  kagamitang pandigma, mga plano ng malalaking negosyo, plano sa agrikultura at paglilinis sa mga ahensya. Sneak preview o paunang silip pa lamang ito kumbaga sa pelikula.  Hindi pa buo ang kuwento sa magiging pagpapatakbo ng isang junior sa Palasyo.

Defend press freedom

Ano’ng Kahibangan ito?

June 29, 2022

Maaaring ‘di na natin maisasalba si Heneral sa kahibangan niya. Matanda na siya. Pero nananawagan kami sa iba pang matataas na opisyal ng gobyerno, sa mga kapwa Pilipino sa National Telecommunications Commission, sa Department of Justice, sa mga ahensiyang sangkot sa giyera kontra insurhensiya: Maawa naman kayo sa bayan. Itigil n’yo na itong kahibangan.