Kapirasong Kritika

Apat na Taon nang Nawawala

Kahapon, apat na taon nang nawawala sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas, at si Manuel Meriño, magsasakang kapwa-organisador ng dalawa. Para sa mga nakasubaybay sa isyu, wala nang dudang dinukot sila ng militar sa ilalim ni Hen. Jovito Palparan, berdugong militarista.

Pagsabog ng Impormasyon

Mahusay ang artikulong “The Most Trusted Name in News?” ni Deborah Campbell, nasa magasing Utne. Ipinapakilala nito ang Al Jazeera, ang nag-iisang pandaigdigang estasyong pambalita na galing sa “global South,” hindi sa mga sentrong imperyalista. Dahil sa tatak nitong “kalayaang editoryal, diin sa pag-uulat mula sa field, at… staff ng mga empleyadong naninirahan sa mga rehiyong kanilang kino-cover,” inani ng estasyon ang galit kapwa ng rehimen ni Saddam Hussein at ni George W. Bush. Dalawang himpilan lang naman ng binansagang “Terror TV”ang binomba ng US – iyung nasa Kabul at iyung nasa Baghdad.

Daniel, My Brother

Bihira akong magbasa ng fiction at hindi ko alam kung “katha” nga ang tamang salin nito. Pero itinuro ni Fredric Jameson, Marxistang akademiko, ang mga nobela ni E. L. Doctorow na halimbawa ng postmodernong pagkabigo ng kasalukuyan na bigyang-representasyon ang kasaysayan. Sa mga nobela ni Doctorow sa BookSale, isa lang ang natipuhan ko agad – ang The Book of Daniel [1971], na batay sa tunay na nangyari sa mag-asawang Komunistang Hudyo-Amerikanong sina Julius at Ethel Rosenberg.

Inquirer Idiotorial

“Susuportahan kita. Pero kapag nanalo ka, magiging kritiko ako.” Ito, ayon kay Cornel West, progresibong intelektwal na Aprikano-Amerikano, ang pangako niya kay Barack Obama noong tumatakbo pa lang ang huling pangulo ng US. Batay sa editoryal nitong “Noynoy’s choices,” malayo sa ganyan ang pakikitungo ngayon ng Philippine Daily Inquirer kay Noynoy Aquino – na sinuportahan nito noong eleksyon.

Lalaya rin ang Luisita

Sa “Prinsipyo o caldero: Why Noynoy won in Luisita,” ikinwento ni Lisandro E. Claudio kung paanong “sinamantala” ng Liberal Party ang hirap at gutom sa Hacienda Luisita para manalo doon si Noynoy Aquino – kahit may pananagutan ito sa kahirapan, kawalan ng reporma sa lupa, at masaker doon.

Grabe Talaga ang Gobyernong Israeli

Sana hindi ito lumipas katulad ng karaniwang balita. Mahalagang pangyayari ang pag-atake ng gobyernong Israeli sa “Marvi Marmara,” barkong naglalaman ng mga di-armadong delegado mula iba’t ibang bansa at ng mga tulong sa mga mamamayan ng Gaza, kasama ang mahahalagang kagamitang medikal. Ayon sa balita, siyam na katao ang napatay, at nahadlangan ang pagdaong ng kinakailangang tulong.

Unang 300 Salita

Inimbitahan ako ng mga kaibigan sa Pinoy Weekly, progresibong publikasyong online sa wikang Filipino, na magkolum sa kanila. Mahirap silang tanggihan. Una sa lahat, karangalang maimbitahan ng masigasig na staff ng Pinoy, na naglalabas ng mga impormasyon at komentaryong hindi inilalabas ng midyang mainstream. Sa panig ko, na nagsusulat ng komentaryong pinipilit kong maging progresibo, magandang pagkakataon ito na umabot sa mas maraming mambabasa. Gusto ko ring mag-ambag, sa abot ng makakaya, sa pagsisikap na magpundar ng isang sentro ng progresibong midya sa wikang Filipino.