
Talumpati ni Marcos sa Araw ng mga Manggagawa
May 11, 2023
Unang ipinagdiwang ang labor day sa Pilipinas noong Mayo 1, 1903. Sa pangunguna ng Union Obrera Democratica de Filipinas, ang unang pederasyon ng paggawa sa bansa, mahigit 100,000 manggagawa ang nagmartsa mula Plaza Moriones sa Tondo hanggang Malacañang upang ipaglaban ang maayos na pasahod, mabuting kalagayan sa trabaho at ang pambansang kalayaan.