Alamat ng pangalan

May 16, 2009

Lumikha ng alamat ng isang pangalan. Saan ito nagmula? Ano ang mitolohiya nito? Kathang-isip ang proyekto ng maikling pagsulat. Ito ang ikalawang workshop sa pagsulat para sa kaanak ng desaparasidos at iba pang nabiktima ng estado ng paglabag sa karapatang pantao. Walang mitolohiyang naganap. Ang banggit ng isang teenager, akala ko ay first year high […]

Kontradiksiyon ng ating panahon

May 16, 2009

Bakit katanggap-tanggap ngayon ang karumal-dumal noon? Kailan nagiging normal ang hindi-pangkaraniwan? Paano matutugunan ang mga problemang hindi nakikita? Kahit na may kasagutan mula sa mga “nasa itaas,” ang hinahanap na tugon ng mga “nasa ibaba” ay pilit na ibinabaon. Ang mga salitang pinagsama-sama ng mga nasa kapangyarihan para magkaroon ng pangungusap ay walang malinaw na […]

Sa loob ng madilim na kuwarto

May 10, 2009

Ito ang unang linyang kailangang dugtungan ng mga kasama sa workshop sa pagsulat. Ano ang mga bagay na nakakapa, nadadama sa kuwarto? Maglalagay ang mga kalahok ng sampung pangungusap, bago pare-parehong magtapos sa linyang “kaya alam kong makikita ko rin ang liwanag.” Nagsimula ang hapong sesyon sa isang therapy: paghahanap ng isang ligtas na lugar […]

Usapang lalaki (2)

May 10, 2009

(Huli sa dalawang bahagi) Malas kung babae, masuwerte kung lalaki. Sinusukat ang kahusayan ng babae batay sa pamantayan ng pagiging lalaki. Ang kahinaan naman ng lalaki ay hinuhusgahan batay sa diumanong katangian ng babae. Para sa isang babaeng kasing-tapang ng lalaki, binabansagan siya sa wikang Ingles na “woman with balls.” Ang isang lalaking mahina ang […]

Usapang lalaki (1)

May 2, 2009

(Una sa dalawang bahagi) Mahirap maging babae sa kasalukuyan. Sa panahon ng kilusang kababaihan noong dekada 70 nauso ang kasabihan sa wikang Ingles: “A woman has to work twice as hard to be considered half as good as a man.” Tila pinagkaisahan ng lahat ng insitusyong panlipunan ang kababaihan. Ang pamantayan ng kagandahan ay mababang […]

Krus na Ligas

May 2, 2009

Ibang mundo ang Krus na Ligas, sa laylayan ng kampus ng UP. Siksikan sa tao, sasakyan, tirahan, at mga building na naglalakihan para sa mababang gitnang uring komunidad, ang Krus na Ligas ay sabayang kontest sa soberenya ng taumbayan na nakakapagtatag ng individual at kolektibong buhay sa lunan na ito sa isang banda, at paglalatag […]

Modyul sa pagsulat ng skit

April 26, 2009

ILANG araw na lamang at Mayo Uno na. Ang mga grupong kultural ay nagkakandakumahog gumawa ng skit at iba pang presentasyon para sa okasyon. Narito ang ilang punto tungo sa pagwo-worskhop ng mga idea at skip para sa Mayo Uno. Una, tandaan ang ilang bagaysa skit. Ito ay itatanghal sa rali. Mataas na ang panawagan […]

Wikang Ingles bilang desperadong diskurso

April 21, 2009

Kakaibang ebolusyon ng wika ang nangyayari ngayon. Ang isang buhay na wika (tulad ng Filipino at Ingles) ay may mga salitang maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan, depende sa lugar na kinaroroonan mo o sa konteksto ng paggamit ng mga ito. Ang ”pagyao” ng isang kaibigan, halimbawa, ay maaaring pagkamatay (kung taga-Maynila ka) o simpleng […]

Trahedya ng pagbabalita

April 19, 2009

KAHIT na may drama sa istoryang inuulat ng peryodista, hindi dapat maging telenovela ang isang balita. Sa pagkokober ng pinakahuling pangyayari sa pagkamatay ni Trinidad “Trina” Arteche-Etong, asawa ng brodkaster na si Ted Failon, alam nating nagsimula ang telenovela sa seryosong komprontasyon ng mag-asawa dahil sa pera. May spekulasyon ding ang pinag-awayan daw ay hindi […]