Pambansang Isyu

Larawan: Konboy ni Hillary Clinton, ‘binomba’ ng pinta sa Manila

Mga larawan ng surpresang protesta ng militanteng mga kabataan sa konboy ng bumibisitang nangungunang opisyal ng gobyernong US na si US State Sec. Hillary Clinton.

Matapang na nagsagawa ng lightning rally ang mahigit 50 kabataang miyembro ng Anakbayan, League of Filipino Students (LFS) at iba pang militanteng grupo ng kabataan sa harap ng National Museum noong Nob. 16 ng hapon. Ang kanilang target: konboy ng mga sasakyang nagdala kay US State Secretary Hillary Rodham Clinton, na galing sa isang porum.

Sa naturang porum, naghayag din ng protesta ang isa sa odyens, si Marjohara Tucay, punong patnugot ng Philippine Collegian sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Binatikos ng mga militante ang Visiting Forces Agreement, na ginagamit umano ng gobyerno ng US na dahilan para permanenteng magpanatili ng kanilang armadong puwersa sa bansa. Kinondena rin nila ang RP-US Mutual Defense Treaty. Ika-60 anibersaryo noong araw na iyon ng MDT, at siyang ipinunta ni Clinton sa Pilipinas.

“Ekstensiyon lamang ito (MDT) ng pangingibabaw ng (goberynong) US sa ating bansa at sa mga interes nito sa mga karatig nating bansa,” saad ni Aki Merced, tagapagsalita ng LFS.

Nagbalik-tanaw si Merced sa naging tindig ng US at ng MDT noong kasagsagan ng sigalot para sa Spratlys. (Ulat ni Darius R. Galang)

Alas-2:30 ng hapon, sa labas ng National Museum, nagtipon na ang mga militanteng kabataan para hintayin ang pagdaan ng konboy ni Clinton. (Danny Pata)

Sa Ayala Bridge, nagawa ng nagprotestang mga kabataan na harangan ang mismong konboy ni Clinton, kaya napilitan itong tumalikod at bumalik sa dinaanan. (Danny Pata)

Agad na marahas silang dinispers ng mga pulis. (Danny Pata)

Watawat ng US na naglalaman ng pagkondena nila sa RP-US Mutual Defense Treaty ang niladlad ng nagprotestang kabataan. (Danny Pata)

Tinangka ng mga pulis na agawin ang dalang watawat ng mga demonstrador. (Danny Pata)

Patuloy na naggiit ang kabataan sa kabila ng pagharang ng pulis. (Danny Pata)

Paggiit ng kabataan sa harap ng mga pulis. (Danny Pata)

Nakipaggitgitan ang mga militanteng kabataan, sa pangunguna ni Vencer Crisostomo ng Anakbayan (naka-asul na polo shirt), sa mga pulis. (Danny Pata)

Isa sa mga sasakyan ng konboy ni Clinton na nabato ng paint bomb. (Danny Pata)

Pinigilan ng mga seguridad ni Clinton na kuhanan ng midya ang naturang opisyal ng gobyerno ng US. (Danny Pata)