Sports

Mahalagang panalo, mahalagang leksyon para sa RP 5


Ipinakita na ng pambansang koponan kung ano ang kanilang gagawin upang maibalik ang Pilipinas sa mapa ng basketbol.

IPINAKITA na ng pambansang koponan kung ano ang kanilang gagawin upang maibalik ang Pilipinas sa mapa ng basketbol.

Napagwagian ng Team Pilipinas ang dalawang laban kontra sa Great White Sharks ng Australia, na tinulungan pa ng dalawang import, nitong gabi ng Linggo sa Araneta Coliseum. At nakakuha ng mahahalagang mga aral ang koponan sa pamamagitan ng dalawang laro na iyon.

Sa huling laban, kinailangan ng pambansang koponan ng ekstrang limang minuto upang pagwagian ang Australia na tinulungan nina Tiras Wade at Shawn Daniels, 93-89. Pinamunuan nina Kerby Raymundo at Arwind Santos ang pagdomina sa pagtatapos ng fourth quarter at overtime. Nagtala si Raymundo ng 15 sa kanyang 24 puntos sa fourth quarter, habang dinagdagan ni Santos ng pito ang kanyang kabuuang pagpuntos ng 12 sa overtime.

Sa unang hati ng laro, kinuha ng RP Team ang kalamangan sa tulong ni limang three points nina Jayjay Helterbrand and Ryan Reyes. Nakuha naman ng mga Australyano ang kanilang unang tikim ng kalamangan bago matapos ang unang half.

Malalaki ang naging line-up ng Australyano sa pagkakadagdag ng dalawang import. Bagay na ikinatuwa ni RP Team coach Yeng Guiao. “We got a good workout because of the two imports. The Australians maximized the use of Tiras Wade and Shawn Daniels, and the two really played hard. They became bigger and we liked the challenge because that’s the kind of teams we’re facing (in the Asian championship). This game would help us in the long run,” aniya.

Magbabakasyon ang koponan sa Linggo ng Semana Santa upang magpahinga. Magtutuloy ang kanilang mga tune-up game pagkatapos nito.Haharapin nila ang tatlong koponan ng PBA na may import rin, sa PBA All-Star Week.