Balita

Lider-Lumad na si Michelle Campos, natagpuan na

Napag-alaman ng fact-finding mission ng mga tanggol-karapatan at progresibong grupo na ang 3rd Special Forces Battalion sa ilalim ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army ang ilegal na umaresto sa lider-Lumad na si Michelle Campos nang walang warrant of arrest.

Pagpapanagot kay Duterte, giit ng mga progresibo

Anila, walang ibang panahon kung hindi ngayon para pagbayaran ni Duterte ang walang habas na pamamaslang sa libo-libong Pilipino at masuwerte pa siya na dumaan sa due process na ipinagkait niya sa maraming biktima ng extrajudicial killing.

2 lider-Lumad, dinakip, hindi pa nililitaw

Magkasunod na dinakip ng militar ang dalawang lider-Lumad sa rehiyon ng Caraga. Ayon sa pinakahuling ulat, hindi pa matunton ng kanilang mga pamilya sina Michelle Campos, hinuli noong Mar. 6, at Genasque Enriquez, hinuli noong Mar. 2.

De facto martial law sa Mindoro, isiniwalat 

Panawagan ng mga tanggol-karapatan na kagyat na alisin ang mga detatsment ng militar sa mga komunidad, itigil ang pambobomba at panggugutom sa mga residente, at labanan ang mga mapaminsalang proyekto sa lupang ninuno ng mga katutubong Mangyan.