Suring Balita

May aasahan ba sa bagong kalihim ng DA?

Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairperson Danilo Ramos, walang pinagkaiba si Francisco Tiu Laurel Jr. kay Ferdinand Marcos Jr. Wala itong karanasan sa agrikultura at walang rekord ng pagsisilbi sa mamamayan. Taliwas din ang interes nito bilang bilyonaryong negosyante sa kanyang mandato bilang bagong tagapaglingkod ng bayan.

Pag-asang sumisilay

Bagaman tinututulan ng pamahalaan ni Marcos Jr. ang desisyon ng ICC, hindi titigil ang mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs ng nagdaang administrasyon na manawagan para sa katarungan.