Balita

Sikretong pulong ng mga opisyal ng US, RP binatikos ng CPP

Binatikos ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang sikreto umanong pagdating sa bansa ng mga nangungunang opisyal panseguridad at pangmilitar ng administrasyong Obama ng US para makipagpulong sa mga opisyal ng rehimeng Arroyo. Dumating sa bansa si US Deputy Assistant Secretary of Defense Garry Reid noong Miyerkules, Abril 15, at nakipagpulong kina Department of […]

Pilipinas, pinakamaraming sakuna noong 2009

Nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinakamadalas na tinamaan ng natural sakuna noong 2009, ayon sa Citizens’ Disaster Response Center (CDRC). Tinamaan ang Pilipinas ng 26 na natural disaster noong nakaraang taon, batay sa mga rekord ng Centre for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED), ayon kay Lourdes Louella Escandor, executive […]

KMU: Itigil ang dagdag singil sa kuryente

Iginiit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Meralco na itigil ang dagdag na bayarin sa kuryente. Sa halip, ayon sa grupo, kailangang i-refund ng Meralco ang humigi’t kumulang na P7 bilyong kinita nito mula sa overcharge na kinolekta mula sa mga kostumer ng kompanya mula 2004 hanggang 2007. Matatandaang noong pang nakaraang buwan nagtataas ng […]

Bidyo ng pagpaslang sa mga sibilyan sa Iraq, kumakalat sa internet

Kumakalat sa internet ang isang video na nakuha pa noong 2007, sa kasagsagan ng pagpasok ng tropang Amerikano sa Iraq. At dito, makikita ang walang habas na pagpaslang ng tropang Kano maging sa mga sibilyan sa pagpasok sa kanilang mga gera. Ipinapakita ng video na pinamagatang “collateral murder” ang atake sa mahigit isang dosenang katao. […]

Nominado ng Kabataan Party-list, hinaras ng pulis na tagasuporta ng ANAD

Kinondena ni Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino ang pananakit diumano ni Police Supt. Ariel Palcuto, anak ng kandidato sa pagka-bise-alkalde ng Cebu City na si Rico Palcuto, sa ikaapat na nominado ng Kabataan na si Renil Oliva at kasamahan niya. Naganap diumano ang insidente noong Abril 10 sa Cebu Country Club sa Banilad, Cebu City […]

Militar nahuling nangangampanya vs progresibong party-list

Davao City–Nahuli ng mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang 69th Infantry Batallion na nangangampanya laban sa progresibong mga party-list sa loob ng Philippine College of Technology noong Abril 6. Nasaksihan mismo ni John Birondo, tagapagsalita ng Bayan-Southern Mindanao Region, ang porum kung saan isang sundalong may apelyidong Santiago ang nanghimok sa mga estudyante […]

Dagdag-sahod, itinutulak na pangontra sa pagtaas ng presyo at tagtuyot

Kailangan ang makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa para makontra ang epekto ng matinding tagtuyot at sunud-sunod na pagtaas ng mga presyo, giit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis Party-list. Nagsagawa ang mga grupo ng rali sa Mendiola noong Abril 9 para tuligsain ang umano’y kawalang-aksiyon ng gobyernong Arroyo sa matagal nang panawagan ng mga […]