Balita

Failure of elections, pinangangambahan

Nagbabala ang Kabataan Party-list na maaaring magkaroon ng failure of elections sa gitna ng napipintong pagkabigo ng bidding ng Commission on Elections (Comelec) para sa paghahanda sa automated polls. “Mawawalan ng panahon ang Comelec na pangasiwaan nang mabuti ang ilang pagsusubok para sa full automation ng halalan. Ang masahol pa, baka mauuwi lamang ito sa […]

Ayudang militar ng US sa RP pinapaputol dahil sa pamamaslang

Nanawagan ang mga grupong pangkarapatang pantao ng mga Pilipino sa US na putulin ng gobyernong US ang ayudang militar nito sa Pilipinas dahil sa patuloy na paglala ng paglabag sa karapatang pantao rito. Inanunsiyo ni Katrina Abarcar, tapag-ugnay ng Katarungan: Center for Peace, Justice, and Human Rights in the Philippines, na hiniling nila ang Kongreso […]

Pabuya para kina Sison, Ka Roger kinondena

Kinondena ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang P15 Milyong pabuyang inaalok ng Philippine National Police para kina Prop. Jose Maria Sison at Gregorio “Ka Roger” Rosal para sa diumano’y pagpatay sa isang mamamahayag noong 2003. Kabilang ang P10-M na pabuya kay Sison, punong konsultant ng NDFP, at P5-M na pabuya kay Rosal, […]

Paglipat ng kustodiya ni Lozada, hiniling ng koalisyon para sa pagbabago

Hinihingi ng bagong tatag na Pagbabago! O People’s Movement for Change ang paglipat sa Senado ng kustodiya kay Engr. Jun Lozada na inaresto noong Abril 29 sa kasong perjury. Inilunsad noong Mayo 6 ang Koalisyong Pagbabago! sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na dinaluhan ng ilang mga personalidad bilang suporta sa kampanya laban sa […]

Jun Lozada umani ng malawak na suporta

UMANI ng malawak na suporta mula sa iba’t ibang sektor si Rodolfo “Jun” Lozada na kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District dahil sa kasong isinampa ng alyado ni Pangulong Arroyo na si Mike Defensor. “Naniniwala kaming ang warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 11 para arestuhin si Lozada sa kasong […]

Petisyon laban kay Palparan inihain sa Kamara

Naghain noong Abril 28 ang militanteng mga grupo ng Petition for Quo Warranto laban kay retiradong Maj. Gen. Jovito Palparan sa House of Representatives Electoral Tribunal. Inihain ang petisyon ng Gabriela Womens Party, Bayan Muna, Bagong Alyansang Makabaya, Hustisya, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at NAFLU-Kilusang Mayo Uno. Nakasaad sa petisyon na hindi karapat-dapat si Palparan, […]

Magsasaka sa Hacienda Luisita, muling pinalalayas ng pamilya Cojuangco

Tumungo sa camp-out sa harap ng House of Representatives sa Batasan Complex, Quezon City ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) sa Tarlac City para iprotesta ang panibagong banta ng pamilya Cojuangco na paalisin sila mula sa mga lupang sinasaka. Sa isang bagong memorandum, sinabi ni Hernan Gregorio Jr., Assistant Estate Manager ng HLI, […]

Pagpapalaya kay Smith, ginawa para isalba ang VFA – Gabriela

KINONDENA ng Gabriela, militanteng alyansang pangkababaihan, ang pagpapalaya kay Lance Corp. Daniel Smith na maysala diumano sa panggagahasa sa Pilipinang si Nicole sa Subic, Zambales noong Nobyembre 2005. “Isang nakakagalit na desisyon ito ng Court of Appeals. Pagtampalasan doon sa hustisya na pinagtagumpayan natin,” ayon kay Emmi de Jesus, pangkalahatang kalihim ng Gabriela. Ayon pa […]

Right of Reply Bill, nilabanan ng midya

NAGPROTESTA sa harap ng Kogreso ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), kasama ang ilang miyembro ng midya, para tutulay ang panukalang batas na Right of Reply Bill (RORB). Nagsuot ng itim na damit at headband ang mga nakiisa sa nasabing pagkilos, na may slogan […]

Palparan pinadidiskuwalipika sa Kamara

IPAPADISKUWALIPIKA ng progresibong mga mambabatas si retiradong Hen. Jovito Palparan sa pag-upo sa Kamara bilang kinatawan ng Bantay party-list. “Hindi karapat-dapat ng kuwesto sa Kongreso o anumang tanggapan ng gobyerno ang berdugo ni Gloria Macapagal Arroyo. Notoryus na tagalabag sa karapatang pantao si Palparan at susi sa ekstrahudisyal na pamamaslang sa mga miyembro ng mardyinalisado […]