Pag-aayuno ikinasa ng mga bilanggong pulitikal, konsultant ng NDF nakalaya na
Sinimulan nitong Hulyo 23 ng mga bilanggong pulitikal sa buong bansa ang apat na araw na pag-aayuno (fasting). Ipinanawagan ng 230 bilanggong pulitikal sa iba’t ibang bilangguan at detention center ang pangkalahatan, walang kondisyon at omnibus na amnestiya sa kanilang pagpapalaya.