Balita

Protesta vs overpricing ng langis paiigtingin

Sunud-sunod na mga protesta ang ikinasa ng mga grupo ng mga manggagawa, tsuper at iba pang sektor para labanan ang P9 overpricing sa langis. Sinisingil din nila ang administrasyong Aquino sa pakikipagsabwatan umano nito sa kartel ng langis.

Pagpabor ni PNoy sa PAL manedsment, kinondena ng mga obrero

“Si Lucio Tan ang boss ko.” Ito ang pasaring ng Kilusang Mayo Uno (KMU) kay Pang. Benigno Aquino III, matapos pumabor sa manedsment ng Philippine Airlines (PAL) sa iskemang spin-off. Tinatayang mahigit 2,000 empleyado ng PAL ang maapektuhan ng desisyon na magbibigay-daan upang isailalim sa subcontracting ang tatlong departamento ng PAL at tanggalin ang regular na mga empleyado nito.

Video: Maralita ng North Triangle, binato ng putik ang Technohub ni Ayala

Nitong Agosto 12, nagpiket ang mga maralitang residente ng Sitio San Roque, North Triangle, sa harap ng UP-Ayala Technohub sa may Commonwealth Ave., Quezon City. Pinoprotesta nila ang napipinto muling demolisyon sa katapusan ng buwan sa libu-libong residente sa North Triangle, para bigyang-daan ang joint venture sa pagitan ng Ayala Land Inc. at gobyerno, sa […]

Larawan: Mga maralitang residente sa tenement sa Tondo puwersahang pinalalayas

Pilit na binuksan ng mga alagad ng National Housing Authority (NHA) ang mga yunit na tirahan ng mga maralitang residente sa Diosdado Macapagal Tenement noong Agosto 10 para palayasin sila. Nagdesisyon ang NHA na paalisin ang mga residente sa naturang tenement dahil idineklarang kondenado na ang naturang bilding. Ngunit, giit ng mga residente, may karapatan sila sa lupain ng naturang tenement, na pinabayaan ng NHA at gobyerno hanggang mabulok at madeklarang kondenado. (Contributed Photo)

US, umareglo sa usapang PNoy, Murad ng MILF sa Japan?

Malamang na gobyernong US, sa pangunguna ng embahada nito sa Pilipinas, ang umareglo kay Pang. Benigno Aquino III na agarang lumipad patungong Tokyo, Japan noong nakaraang linggo para makipag-usap kay Al Haj Murad, tagapangulo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Katutubo, nagrali vs pagpapabaya ng gobyerno, pang-aabuso

Sinalubong ng protesta nang iba't bang tribung katutubo ang Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo sa Mendiola, kanilang binatikos ang “kapabayaan” sa kanila ng gobyerno at ang lumalalang kaso ng pag-abuso sa karapatang pantao ng mga ito.