Balita

Larawan: Bahay ni Ka Bel sa maralitang komunidad sa QC, marahas na dinemolis

Tiningnan ni Rosario "Osang" Beltran, biyuda ng yumaong dakilang lider-obrero at kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list na si Crispin "Ka Bel" Beltran, ang bahay nila ni Ka Bel sa Commonwealth Avenue na sinira ng demolition team para diumano'y bigyang daan ang isang "National Government Center Eastside Development Project" ni Pangulong Benigno Aquino III. (Roi Azure/Kontribusyon)

Larawan: Petron, muling piniket ng KMU para ikondena P9 overpricing sa langis

Piniket ng militanteng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang tanggapan ng San Miguel Corporation ni Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. na siyang mayoryang may-ari na ng Petron Corporation. Ipinrotesta ng KMU ang anila'y di bababa sa P9 na overpricing sa langis. Petron ang nangungunang korporasyon ng langis sa bansa na may pinakamalaking kita mula sa "overpricing," ayon sa KMU. (Macky Macaspac)

Peace talks sa NDF, barado dahil sa ‘terminasyon’ ng GPH sa Jasig

Malaking balakid sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Philippines (GPH) dahil sa pahayag ni Atty . Alex Padilla, punong negosyador ng GPH, na wala nang bisa (inoperative) ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig), kasunduan na pinirmahan ng magkabilang panig noong Abril 1995 […]

Biktima ng mga sapilitang pagkawala, ginunita sa lugar ng pagdukot kay Jonas Burgos

Ginunita ng mga pamilya at kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang Pandaigdigang Araw ng mga Nawawala (International Day of the Disappeared) sa harap ng Ever Gotesco-Commonwealth sa Diliman, Quezon City nitong Agosto 30. “Ano ang iyong nagawa para sa aming mga nawawalang mahal sa buhay,” tanong ni Mary Guy Portajada, pangkalahatang kalihim ng […]

Aksiyon ni Obispo Pueblos, CBCP hinihintay sa kasong gahasa sa Butuan

Iginiit ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang kagyat na aksiyon ng Catholic Bishop Conference of Philippines (CBCP) at ni Obispo Juan de Dios Pueblos sa kasong isinampa ng isang menor-de-edad  laban sa Katolikong pari na si Raul Cabonce. Sinabi ng Gabriela na dapat itigil ni Pueblos ang pagbibigay proteksiyon sa nasabing pari, matapos lumabas sa […]

Menor-de-edad na ginahasa ng pari, nanawagan ng katarungan

Humihingi ng katarungan ang isang menor de edad na sinasabing ginahasa umano ng isang pari sa Butuan City. Ang biktimang itinago sa pangalang Leah, 17-anyos at  kasalukuyang nasa pangangalaga ng grupong pangkababaihan na Gabriela, ay nagsampa ng mga kasong  rape, act of lasciviousness at child abuse sa Butuan Regional Trial Court, laban kay Fr. Raul […]

Pambansang kilos protesta vs overpricing sa langis ikinasa

Pag-aalabin ng militanteng mga grupo ang paglaban sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis. Inanunsiyo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Anakpawis  Party-list  ang isang protestang bayan sa Agosto 31. Ang protesta’y pagkondena ng progresibong mga grupo sa overpricing […]

Protesta vs budget cut sa serbisyong panlipunan, dinahas sa Batasan Pambansa

Karahasan ang sumalubong sa ilang daang militante na tumungo sa tarangkahan ng Batasan Pambansa Building, tahanan ng Kamara. Layon ng mga grupo, na karamihan ay nagmula sa sektor ng pangkalusugan at mga kabataan at estudyante, na irehistro ang kanilang paggtutol sa mga nakahain na pagbawas ng badyet sa serbisyong pangkalusugan sa loob ng pambansang badyet […]