Balita

Bagyong Pedring nanalasa sa Luzon

Di bababa sa dalawang tao ang nasawi sa Kamaynilaan pa lamang, libu-libong mamamayan ang apektado sa Bicol at Gitnang Luzon, at binaha ang maraming kalsada at komunidad sa Kamaynilaan, sa pagdating ng bagyong Pedring sa Luzon ngayong araw, Setyembre 27.

CBCP, ‘walang magagawa’ sa kaso ng paring nanggahasa

Matapos paghintayin ng halos isang oras sa labas ng tanggapan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), hinarap si “Leah”, 17-anyos na biktima ng panggagahasa ng pari sa Butuan City, ng isang opisyal ng CBCP para sabihing “walang magagawa” ang Simbahang Katoliko hinggil sa kaso. Ito ang isiniwalat ng grupong Gabriela, na sinamahan si Leah […]

Larawan: Militanteng obrero nagpiket sa pagdating ni Baldoz ng DOLE sa Davao City

Nagpiket ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Davao City sa pagdating ni Sek. Rosalinda Baldoz sa naturang lungsod. Binabatikos ng militanteng mga obrero ang kainutilan umano sa pagpaptupad ng makatao at maka-manggagawang mga istandard sa paggawa sa bansa. Bumisita si Baldoz sa Davao para sa induction ng Regional Tripartite Industrial Peace Council doon. (Karlos Manlupig)

‘Kalupitan ng batas militar ni Marcos, nagpapatuloy kay PNoy’

Patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang administrasyong Aquino sa malalang lagay ng karapatang pantao sa bansa, ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, sa okasyon ng ika-39 anibersaryo ng batas militar ng diktadurang Marcos.

Larawan: Shamcey Supsup, hiningan ng suporta sa kampanya vs budget cut sa UP

Nagbigay ng bouquet ng bulaklak na may nakasulat na "No to Budget Cut!" si Student Regent Krissy Conti kay Miss Universe 3rd Runner Up Shamcey Supsup. Bumisita si Supsup sa Unibersidad ng Pilipinas matapos ang matagumpay na paglahok sa pandaigdigang pageant noong nakaraang linggo. Kasama sa tumanggap kay Supsup ang mga opisyal ng pamantasan na sina UP Diliman Chancellor Caesar Saloma at UP President Alfredo Pascual. Nakatakdang magwelga ang mga estudyante ng UP at iba pang state colleges and universities sa Setyembre 21 hanggang 23 para iprotesta ang pagkaltas ng gobyernong Aquino sa badyet ng edukasyon. (Airnel Talatala Abarra)

Larawan: ‘Magnificent 12′ vs US Bases muling nagtipon, pinarangalan

Nagtipon sa pambihirang pagkakataon ang ilan sa 12 senador na bumoto para ibasura ang pananatili ng baseng militar ng US sa bansa noong taong 1991. Sa kabila ng presyur ng gobyernong US at Cory Aquino, bumoto ang Senado, 12-11, para ibasura ang ekstensiyon ng baseng militar ng US sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales -- isang pambihirang pagkakataon na pagpapapmalas ng makabayang paninindigan ng Senado. Ginanap ang pagtitipon sa Club Filipino, San Juan noong Setyembre 16, ika-20 anibersaryo ng makasaysayang pagboto sa Senado. (Boy Bagwis)

Protestang bayan isasabay sa welgang transportasyon

Hindi lamang isyu ng sektor ng transport ang pagtaas ng presyo ng langis. Kung gayon, ayon sa militanteng mga organisasyon, hindi lamang sektor ng transport ang dapat magwelga sa Lunes, Setyembre 19. Iba't ibang organisasyon ng mga maralitang sektor ang maglulunsad ng "protestang bayan" para igiit ang mga panawagang labanan ang P9 overpricing sa langis, EVAT sa langis, at Oil Deregulation Law.