Occupy NHA, vs demolisyon, para sa abot-kaya’t disenteng pabahay, isinagawa
Hango sa "Occupy Wall Street" ang isinagawang pagkampo ng mga maralitang tagalungsod sa tarangkahan ng National Housing Authority (NHA).
Hango sa "Occupy Wall Street" ang isinagawang pagkampo ng mga maralitang tagalungsod sa tarangkahan ng National Housing Authority (NHA).
Hindi pa nga nalilibing ang kura paruko ng Arakan, North Cotabato na si Fr. Fausto Tentorio, isa na namang magsasaka ang pinaslang ng militar habang nagsasagawa ng operasyong kontra-insurhensiya sa lugar.
Nagmartsa patungong Korte Suprema ang libu-libong magsasaka, upang ipanawagan sa mataas na hukuman na resolbahan ang mga kaso ng pangangamkam sa lupa tulad ng Hacienda Luisita sa Tarlac, Hacienda Yulo sa Laguna at iba pang mga kaso. (Macky Macaspac)
Nagpiket sa harapan ng Department of Justice ang grupong Karapatan, Promotion of Church People's Response (PCPR) at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) upang hilingin kay Sek. Leila de Lima ng Hustisya na agarang imbestigahan at bigyan ng katararungan ang pagpaslang sa Italyanong pari na si Fr. Fausto Tentorio. Si Tentorio na isang misyonero sa bayan ng Arakan, North Cotabato ay binaril at napaslang ng hindi nakikilang salarin sa loob ng kanyang parokya. Malakas ang hinala ng mga grupo na paramilitar ang pumaslang sa naturang pari. (Macky Macaspac)
Aabot sa 12,000 Bikolano sa iba’t ibang pangunahing lungsod sa rehiyon ng Bikol ang naglunsad ng kampanya kontra Oplan Bayanihan, programang kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino na anila’y dudulot sa mas matinding paglabag sa karapatang pantao. Tinaguriang Kilusan Laban sa Militarisasyon sa Kabikolan, pinangungunahan ang kampanya ng iba’t ibang sektoral at pangmasang organisasyon. Layunin nilang igiit […]
Nagmartsa ang iba't ibang progresibong organisasyon tulad ng Gabriela, Migrante, Alliance of Concerned Teachers, Kilusang Mayo Uno at marami pang iba patungong harap ng Department of Agrarian Reform para salubungin ang pagdating sa National Capitol Region ng mga magbubukid mula sa mga probinsiya. (KR Guda)
Bitbit ang mga banderita na nagsasaad ng kanilang kahilingan, ginunita ng mga child rights advocates at mga bata ang National Childrens Month sa pamamagitan ng isang marathon sa palibot ng Quezon City Memorial Circle. Ilan sa kanilang kahilingan ang pagbibigay ng sapat na badyet sa edukasyon, pagbasura sa panawagang amyendahan ang juvenile justice law, katarungan para sa mga batang biktima ng karahasan ng militar at iba pa. Ginanap din ang kahalintulad na fun run sa Iloilo, Bacolod at Vigan, Ilocos Sur. (Macky Macaspac)
Kinondena ng mga grupong maka-kalikasan ang pagpaslang sa isang misyonerong Italyano na aktibo sa pagtutol sa malawakan at mapangwasak na pagmimina sa Mindanao.
Sa paggunita ng World Rural Women’s Day, nagpiket ngayong araw sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang halos 30 kababaihang magsasaka mula sa Brgy. Mascap, Montalban, Rizal na kabilang sa mahigit isang libong magsasakang pinapalayas ng mga Araneta, pamilya ni Kal. Mar Roxas ng Department of Transportation and Communication. Kasama ng […]