Balita

Larawan: Pagbasura sa ekstensiyon ng RP-US Military Bases Agreement ginunita sa protesta

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ginunita ng mga militante sa pamamagitan ng protesta sa harap ng embahada ng US ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Sa ilalim ng kasunduang ito, nagmantine ang militar ng US ng tiyak na mga baseng militar sa Clark, Pampanga at Sublic, Zambales. Taong 1991 nang ibasura ng Senado, sa botong 12-11, ang pagpapalawig sa implementasyon ng naturang kasunduan. (Macky Macaspac)

Estudyante naghahanda sa welga vs kaltas-badyet sa edukasyon

“Strike back!” Ito ang mensahe ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City na nag-ingay at nagmartsa sa loob ng kampus para manawagan sa mga estudyante na kumilos kontra sa kaltas-badyet ng administrasyong Aquino sa sektor ng edukasyon.

Larawan: Kampanya kontra overpricing sa langis paiigtingin ng mga obrero

Nagsagawa ng noise barrage ang Pagkakaisa ng Samahang ng mga Opereytors at Draybers Nationwide o Piston sa Cubao, Quezon City bilang protesta sa "kakarampot na rolbak sa presyo ng diesel at gasolina" na ipinatupad ngayon ng mga kompanya ng langis. Hiling ng grupong magpatupad ng "one time big time rolbak" na di bababa sa P9 kada litro sa langis, dahil ito umano ang halaga ng overpricing sa produktong petrolyo. (Macky Macaspac)

Kawani ng gobyerno tutol sa 4-day work week

Mabubura ng panukalang apat-na-araw na trabaho ang mga karapatan at benepisyong matagal nang ipinaglaban ng kilusang paggawa sa pampubliko at pampribadong sektor.

Union-busting sa Honda kinondena ng mga obrero

Kinondena ng militanteng mga obrero ang hakbanging “special separation program” ng kompanyang Honda Cars Philippines Incorporated, na ayon sa kanila’y isang mapanlinlang na programa na wawasak sa kanilang unyon.