Balita
Biktima ng mga sapilitang pagkawala, ginunita sa lugar ng pagdukot kay Jonas Burgos
Ginunita ng mga pamilya at kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ang Pandaigdigang Araw ng mga Nawawala (International Day of the Disappeared) sa harap ng Ever Gotesco-Commonwealth sa Diliman, Quezon City nitong Agosto 30. “Ano ang iyong nagawa para sa aming mga nawawalang mahal sa buhay,” tanong ni Mary Guy Portajada, pangkalahatang kalihim ng […]
Aksiyon ni Obispo Pueblos, CBCP hinihintay sa kasong gahasa sa Butuan
Iginiit ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang kagyat na aksiyon ng Catholic Bishop Conference of Philippines (CBCP) at ni Obispo Juan de Dios Pueblos sa kasong isinampa ng isang menor-de-edad laban sa Katolikong pari na si Raul Cabonce. Sinabi ng Gabriela na dapat itigil ni Pueblos ang pagbibigay proteksiyon sa nasabing pari, matapos lumabas sa […]
Menor-de-edad na ginahasa ng pari, nanawagan ng katarungan
Humihingi ng katarungan ang isang menor de edad na sinasabing ginahasa umano ng isang pari sa Butuan City. Ang biktimang itinago sa pangalang Leah, 17-anyos at kasalukuyang nasa pangangalaga ng grupong pangkababaihan na Gabriela, ay nagsampa ng mga kasong rape, act of lasciviousness at child abuse sa Butuan Regional Trial Court, laban kay Fr. Raul […]
Pambansang kilos protesta vs overpricing sa langis ikinasa
Pag-aalabin ng militanteng mga grupo ang paglaban sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis. Inanunsiyo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Anakpawis Party-list ang isang protestang bayan sa Agosto 31. Ang protesta’y pagkondena ng progresibong mga grupo sa overpricing […]
Protesta vs budget cut sa serbisyong panlipunan, dinahas sa Batasan Pambansa
Karahasan ang sumalubong sa ilang daang militante na tumungo sa tarangkahan ng Batasan Pambansa Building, tahanan ng Kamara. Layon ng mga grupo, na karamihan ay nagmula sa sektor ng pangkalusugan at mga kabataan at estudyante, na irehistro ang kanilang paggtutol sa mga nakahain na pagbawas ng badyet sa serbisyong pangkalusugan sa loob ng pambansang badyet […]
Protesta vs overpricing ng langis paiigtingin
Sunud-sunod na mga protesta ang ikinasa ng mga grupo ng mga manggagawa, tsuper at iba pang sektor para labanan ang P9 overpricing sa langis. Sinisingil din nila ang administrasyong Aquino sa pakikipagsabwatan umano nito sa kartel ng langis.
Pagpabor ni PNoy sa PAL manedsment, kinondena ng mga obrero
“Si Lucio Tan ang boss ko.” Ito ang pasaring ng Kilusang Mayo Uno (KMU) kay Pang. Benigno Aquino III, matapos pumabor sa manedsment ng Philippine Airlines (PAL) sa iskemang spin-off. Tinatayang mahigit 2,000 empleyado ng PAL ang maapektuhan ng desisyon na magbibigay-daan upang isailalim sa subcontracting ang tatlong departamento ng PAL at tanggalin ang regular na mga empleyado nito.
Dahil sa P9 overpricing sa langis: Opisina ng San Miguel Corp, Petron nilusob ng mga obrero
Kinondena nang mga manggagawa at maralitang lungsod ang anila’y “kakarampot na rolbak” sa mga produktong petrolyo sa pamamagitan ng pagprotesta sa harapan ng tanggapan ng San Miguel Corporation, na pag-aari ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.