Dinamitan ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao ang estatuwa ni Benigno "Ninoy" Aquino Jr., lider-opisisyon, bilanggong pulitikal at martir noong panahon ng diktadurang Marcos at ama ni Pang. Noynoy Aquino, ng damit na may nakasaad na "Free All Political Prisoners." Sa bisperas ng anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy sa Agosto 21, nanawagan ang Karapatan, Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto o Selda, at iba pa, sa gobyernong Aquino na palayain ang mga bilanggong pulitikal sa bansa. (Macky Macaspac)Panawagan nila ang "general, unconditional, at omnibus" na amnestiya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. Ang mga bilanggong pulitikal ay iyung mga aktibista o indibidwal na sinupil at ikinulong ng gobyerno dahil sa pagtutol nila sa anila'y mga mapagsamantala at mapanupil na polisiya at pamamalakad ng naturang gobyerno. (Macky Macaspac)
Pinarangalan ng Amnesty International Philippines ang tatlong progresibong indibidwal at isang organisasyon bilang pagkilala sa tapang at dedikasyon sa pagtataguyod ng mga karapatan.
Ang pagpaslang kay RJ Ledesma at sa 18 na iba pa sa Negros Occidental ay patunay na walang ganap na kalayaan sa ilalim ng huwad na demokrasya ng mga mapagsamantala.
Sagad sa buto ang korupsiyon sa gobyerno’t militar. Imbis na ilaan ang pondo sa makabuluhang serbisyo publiko, ginagamit pa sa panlilinlang sa mamamayan at paglabag sa mga karapatan sa ngalan ng kontra-insurhensiya.
Sa bawat yugto ng kasaysayan, may susing papel ang kabataan sa nagpapatuloy na pakikibaka para katarungan at pagbabagong panlipunan sa kabila ng mga atake ng estado at pasistang puwersa nito.