Pagpatay sa katutubong Lumad sa Bukidnon, kinondena

March 31, 2015

Kinondena ng isang organisasyon ng mga katutubo ang pamamaril sa mga Pulangihon Manobo sa Bukidnon na lumalaban sa pangangamkam ng kanilang lupaing ninuno. Marso 24 nang barilin ng armadong kalalakihang tauhan diumano ng isang panginoong maylupa ang mga miyembro ng tribo ng Pulangihon Manobo. Napaslang sa pamamaril si Tata Baito, Pulangihon Manobo at miyembro ng Tribal Indigenous Oppressed Group […]

Willy Marbella ng KMP, sa koprasang bayan sa Malakanyang noong Oktubre 19 para igiit ang pagbalik ng coco levy fund (Macky Macaspac)

Mga magniniyog, tutol sa EOs ni Aquino hinggil sa coco levy fund

March 23, 2015

Kontra ang mga magniniyog sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (Claim) sa ipinalabas na dalawang executive order (EO) ni Pangulong Aquino na magsasapribado sa tinatayang P83 Bilyong coco levy fund. Ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, plano nilang hamunin ang legalidad ng EO 179 at 180, aniya […]

Pananakit sa miyembro ng KMP kinondena, tunay na reporma sa lupa iginiit

March 19, 2015

Kinondena ng Anakpawis Party-list ang pananakit ng isang legislative security guard ng Kamara sa isa nilang miyembro matapos ang protesta ng grupo kontra sa anila’y bogus na batas para sa reporma sa lupa. “Bali ang buto sa ilong ni Gary Constantino, kailangang operahan,” sabi sa text message sa Pinoy Weekly ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap. Plano ng kanilang […]

Paano na silang maralitang ina?

March 7, 2015

Sa taong ito, dapat nang makamit ng gobyerno ang target nito sa Millenium Development Goals (MDG) hinggil sa maternal mortality rate (55 kada 100,000 babaeng buntis o nanganganak). Pero malayo pa ang Pilipinas sa target na ito. Malayo pa ito sa hangaring mapabuti ang akses sa serbisyong medikal ng mayorya ng maralitang kababaihang Pilipino. Mataas pa […]

Rights group slams Aquino directive to file charges vs Moro rebels

February 1, 2015

Moro human rights group Suara Bangsamoro slammed President Aquino’s order to Justice Sec. Leila de Lima to file a case against several leaders of the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) for the botched operation in Mamasapano, Maguindanao that led to the death of 44 police commandos, 18 Moro […]

Aquino pinagbibitiw dahil sa ‘palpak na operasyon’ sa Mamasapano

January 30, 2015

Pinagbibitiw ng iba’t ibang progresibong grupo si Pangulong Aquino matapos ang madugong operasyon ng  Special Action Force  (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Ayon sa mga grupong Anakbayan, Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), mistulang “Pontio Pilato” si Aquino sa talumpati niya sa telebisyon noong Enero 30. Naghugas-kamay umano ang Pangulo sa kanyang […]

20 taon ng Beijing Platform for Action: PH bigo sa pagsulong sa karapatan ng kababaihan

January 27, 2015

Walang pagbabago sa kalagayan ang kababaihang maralita, sa kanayunan man o kalunsuran,  sa buong mundo–20 taon matapos ang pagpapatupad ng Beijing Platform for Action. Ito ang sinabi ng mga grupong kababaihan na Gabriela at Center for Women’s Resources (CWR) sa isang porum kamakailan. Resulta ang Beijing Declaration and Platform for Action ng ginawang United Nations Fourth […]

Usapang pangkapayapaan ng GPH-MILF nanganganganib dahil sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao

January 27, 2015

Ikinababahala ng mga grupong pangkarapatang pantao ang posibleng muling pagsiklab ng digmaan sa Mindanao. Matapos ito ng engkuwentro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Force (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015. Pinangangambahan ng Suara Bangsamoro na maaaring sumiklab ang digmaan kung maghihiganti ang […]

Mga magsasaka, biktima, kaanak ginunita sa protesta ang masaker sa Mendiola

January 22, 2015

Muling nagprotesta sa paanan ng Malakanyang sa Mendiola Bridge sa Maynila ang libu-libong magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon para muling igiit ang tunay na repormang agraryo na siyang ipinaglalaban ng mga minasaker na magsasaka 28 na ang nakararaan. Tinaguriang “Mendiola Massacre” ang pangyayaring ito noong Enero 22, 1987, na naganap sa panunungkulan ng ina […]