Avatar

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

Larawan: Judilyn Oliveros ng Morong 43, sanggol ibinalik na sa PGH

Nakakordon pa rin ang mga bantay na pulis sa mag-inang si Judilyn Oliveros at sanggol habang ibinabalik sa Philippine General Hospital sa Manila matapos payagan ng korte sa Morong, Rizal ang tatlong buwang hospital arrest sa mag-ina. Nanganak si Judilyn sa PGH noong Hunyo. Apat na buwan siyang buntis nang dukutin at ikulong ng mga militar kasama ang 43 manggagawang pangkalusugan sa Morong, Rizal habang nagsasanay-medikal. (Macky Macaspac)

Diborsiyong ala-Pinoy

Patok sa balita ang hiwalayang Kris Aquino-James Yap. Marami ang nagtaasan ng kilay, marami ang haka-haka at katanungan. Ngunit sa likod ng pampublikong hiwalayang ito ang libu-libong mag-asawang nagkakahiwalay sa maraming dahilan. Panahon na ba na magkaroon ang Pilipinas ng batas hinggil sa diborsiyo?

Judilyn ng Morong 43, sanggol niya ibinalik sa piitan

Nagsagawa ng noise barrage ang tinaguriang “Morong 43” sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig bilang protesta sa paglipat kay Judilyn Oliveros mula sa Philippine General  Hospital (PGH) pabalik sa naturang piitan. Kapapanganak pa lamang ni Judilyn ng kanyang sanggol nitong Hulyo. Isa si Judilyn sa 43 manggagawang pangkalusugan na ilegal umanong inaresto ng mga […]

Pagpapalaya kay Judilyn, sanggol hinaharang

Noong komisyoner ng CHR si Leila de Lima, nasaksihan niya ang mga testamento ng paglabag sa karapatan ng Morong 43. Ngayong sekretaryo na ng DOJ, inutusan niya ang isang tagausig na huwag nang tutulan ang mosyon sa korte na mapalaya sa isa sa detinidong health workers at kanyang bagong panganak na sanggol. Pero tutol ang tagausig.