Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

Larawan: P-Noy hinusgahang ‘bagsak’ sa pangangalaga ng karapatan ng bata

Malungkot na "smiley" ang husga ng mga bata ng Salinlahi, alyansang nangangalaga sa karapatan ng bata, sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III. Hindi umano nagbago ang di-pagtugon ng nakaraang administrasyon sa mga batayang isyu ng mga mamamayan tulad ng pabahay, kabuhayan, edukasyon, seguridad mula sa kalamidad, at karapatang pantao. Ipinagdiriwang ngayong buwan ang "Children's Month." (Macky Macaspac)

Magbubukid ng Hacienda Luisita, mangunguna sa malaking pagkilos

Pangungunahan ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita ang tatlong araw na martsa na magsisimula sa Oktubre 18 at lulundo sa isang malaking kilos-protesta sa Mendiola sa Oktubre 21. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), lalahok ang tinatayang 50,000 magsasaka at kanilang mga tagasuporta sa buong bansa sa martsang pinamagatang Lakbayan ng Magsasaka at Anakpawis […]

Mga Larawan: Matapos amnestiya sa Magdalo, kalayaan ng bilanggong pulitikal iginiit

Nagpiket ang mga kaanak at tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal para hilingin sa Department of Justice ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Ayon sa kanila, katulad ng mga sundalong Magdalo na pawang binigyang amnestiya ng kasalukuyang administrasyon, ibinilanggo sila ng nakaraang rehimeng Arroyo dahil sa pampulitikang paninindigan nila at paglaban sa naturang rehimen. (Macky Macaspac)

Larawan: Sampung kalabasa para sa 100 araw ni P-Noy

Para sa kababaihang magsasaka sa ilalim ng Amihan, walang nagawa si Pang. Benigno Aquino III sa unang 100 araw niya. Hindi umano nanindigan si Aquino para sa tunay na repormang agraryo, kahit na sa mismong lupaing pag-aari ng kanyang pamilya na Hacienda Luisita.

Larawan: Pagpasa sa Reproductive Health Bill, iginiit ng Gabriela

Nagsagawa ng press conference ang kababaihan ng Gabriela para igiit sa Kongreso ang pagpasa ng Reproductive Health Bill. Higit pa sa pagbigay-akses sa mga gamot na kontraseptibo para sa mahihirap na mga mamamayan, inisponsor ng dalawang kinatawan ng Gabriela Women's Party na sina Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ang panukalang batas para bigyang prayoridad ang pangkalahatang kalusugan ng kababaihan. Mula kaliwa, si Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela at ang kinatawan sa Kamara na sina Ilagan at De Jesus.

Mailap na kapayapaan

Bago pa ang inagurasyon ni Pangulong Aquino, nagpahayag na ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ng kahandaan nitong muling umupo sa usapang pangkapayapaan. Dapat lamang na nakabatay ito sa naunang mga kasunduan sa pagitan nila at ng gobyerno ng Pilipinas, gayang The Hague Joint Declaration at Comprehensive Agreement on Respect of Human Rights […]

Pasismo pa rin

Umaga ng Setyembre 7, 2010, nagpapahinga sa  isang kubo matapos mangaso ang limang magsasaka sa Mobo, Masbate, nang bigla silang paulanan ng bala. Agad na nasawi sina Vicente Flores, 41, Richard Oliva, 44, Melecio Monacillo, 45, Jonathan Monacillo, 21, at ang anak na lalaki ni Melecio. Kahit malinaw na minasaker, idineklara sila ng 9th Infantry […]

Ilusyon sa ugnayang panlabas

Lumipad noong Setyembre 22 si Pangulong Aquino patungong US. Ito ang unang opisyal na biyahe sa kanyang anim na taong panunungkulan bilang presidente ng  Pilipinas.  Sa kanyang mensahe bago lumipad, tahasang sinabi ng pangulo na ang nakaayon ang biyahe niya sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng public at private sector. Sinabi pa niyang lilikha […]