Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

Hinaharap ng karapatang pantao sa ilalim ni PNoy

Unang araw pa lamang ng Disyembre at unang araw ng paggunita ng Human Rights Week. Marahas nang binuwag ng kapulisan ang protesta ng mga drayber ng kuliglig sa Maynila. Sa kabila ng pandaigdigang panawagan na palayain ang Morong 43, nanatili silang nakapiit. Sumisigaw na katarungan ng mga taga-Hacienda Luisita at iba pang biktima ng nagdaang rehimen. May katarungan ba sa “daang matuwid?”

Kailan lalaya ang kababaihan sa pang-aabuso?

Nakakagimbal ang mga balitang lumalabas sa midya hinggil sa pang-aabusong seksuwal sa kababaihan at mga bata. Ilan sa mga biktima ay pinatay o tinangkang patayin matapos halayin. Tulad ni Florence, boluntir nars na diumano’y pinatulungang gahasain sa Maguindanao, at iba pang biktima ng seksuwal na pang-aabuso.

Morong 43, ipinanawagan ng mga abogado, doktor na palayain

Nagmartsa ang mahigit 200 abogado, doktor, nars at mga estudyanteng kumukuha ng kursong medikal patungo sa paanan ng Mendiola Bridge sa Maynila upang igiit ang kagyat na pagpapalaya sa mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43. Halos sampung buwan na  sa Disyembre 6 na nakapiit ang Morong 43, dahil sa umano’y gawa-gawang kaso. Inakusahan sila ng […]

Reyd ng militar, pulis sa opisina ng militanteng grupo sa Bikol, kinondena

Kinondena ng iba’t ibang grupo ang reyd sa tanggapan ng militanteng mga grupo at pag-aresto sa apat lider nito sa Camarines Norte noong Nobyembre 22. Ayon sa  Karapatan-Bikol ang reyd umano sa opisinang pinaghahatian ng Karapatan, Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) at Kilusang Magbubukid ng Pilpinas (KMP-Camarines Sur) ay “mistulang martial law.” Pinabulaanan din ng […]

Tagumpay ni Pacman, tagumpay din nila

Tumigil ang oras sa mga kasalda ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Pilipinas para manood ang mga tao sa tagumpay ni Manny Pacquiao kay Antonio Margarito sa Dallas Cowboys Stadium sa Dallas, Texas, USA. (Macky Macaspac)